"SANNA?"
Marahas siyang napalingon sa bahagyang bukas na pinto ng art room niya. She didn't expect Thad will visit early. Sabi nito kagabi ay susulutin daw nito ang tulog nito dahil pinaglamayan na naman nito ang thesis nito the past days.
Alas sais pa lang yata ng umaga. Tumatagos na ang liwanag mula sa bukas na bintana. Kanina pa siya gising mga 4:30 am. Tinatapos niya ang ipinipintang parola na pinuntahan niya noong isang linggo pa. Someone requested it but hindi niya talaga na meet 'yon in person. In-refer lang din kasi siya ng isang kakilala niyang painter. Si Harlene. But hindi naman scam kasi nagbigay agad ng downpayment para sa painting.
"I'm here," sagot niya.
Maya-maya pa ay nasilip na niya si Thad mula sa labas. Ang laki ng ngiti nito nang makita siya.
"Sabi ko na nga ba gising ka na."
Ngumiti siya. "May tinatapos ako e."
Madumi pa talaga ang ayos niya. Her hair was pinned in bun with a pencil, a few strands of her hair lossely fell from both sides of her face. Simple lang talaga ang ayos niya kapag nagpipinta siya. 'Yong mga faded T-shirt and denim shorts lang sinusuot niya para 'di sayang kung marumihan ng mga paints. She always lose track of the time when she paints and she's most of the time messy.
Patuloy pa ring pumailanlang ang isinalang niyang CD ng isang instrumental song sa kanyang mini CD player. It makes her mind calm and mas nakaka-focus siya kapag tahimik ang mundo sa paligid niya. Music is also creativity's best friend.
Hawak niya sa isang kamay ang color palette at sa isa naman ang paint brush. She continued what she was doing before Thad came. Sanay naman na siyang naabutan ni Thad na nagpipinta. They've been together for two months now. So much have changed in their relationship, not for the worst, but she can say, best. They've been so close as friends, but what she didn't expect ay may ilalim pa pala ang relasyon nilang dalawa now that they've put a label on it.
Naramdaman niyang nakatayo sa likod niya si Thad. Nakatayo lang siya madalas kapag nagpipinta. Malaki rin kasi 'yong canvas na ginamit niya. Landscape painting ang ginagawa niya. Nakadikit pa ang in-print niyang picture ng lugar para wala siyang ma miss na details.
"Saan 'yan?"
"Ganda, 'no?" nakangiting balik tanong niya. Itinigil niya ang ginagawa at sinabayan si Thad na tignan ang halos patapos na niyang artwork. When she glanced at him ay nakangiti ito, may admirasyon siyang nakita sa mga mata nito. "Sa Liloan 'yan na parola," dagdag niya.
Bumaba ang tingin nito sa kanya. "Really?" Bumukas ang pagkamangha sa mukha nito. "I didn't know na may parola roon."
"Ako nga rin e." Ibinalik niya ang tingin sa painting. "Puntahan ulit natin kapag nagka-oras tayo. Maganda roon."
"Commissioned ba 'to?"
She nodded. "Oo."
"Kailan mo 'to pinuntahan?" Ang sama ng tingin nito sa kanya. Natawa siya. Actually, 'di siya nagpaalam dito. "I don't remember nagpaalam ka sa'kin na pupunta ka ng Liloan?"
"Hindi nga."
"Tsk, sabi na e. Malayo 'yon dito. Sana sinabihan mo ako para masahaman kita."
"Busy ka no'n saka ayaw kong abalahin ka sa ginagawa mo. Need ko na rin kasing puntahan para matapos ko na agad." Magkalapat ang mga labing ngumiti siya rito, bahagyang ikiniling ang ulo habang nakatingin dito. "Sorry," aniya.
His face softened, alam niya namang 'di ito nagtatampo. Kunwari lang 'yong naiinis itong 'di siya nagpapaalam.
Minsan kasi talaga nakakalimutan niya. Nasanay siya noon na hindi laging nagpapaalam kay Thad sa mga lakad niya. Ngayon ay nagpapaalam na siya kasi ganoon din naman ito sa kanya. Sinasabi nito kapag may lakad ito o gagabihin man ito. Hindi naman siya nagtatanong talaga. Nagkukusa lang talaga si Thad na magpaalam.
BINABASA MO ANG
FDA 4: THE GIRL THAT GOT AWAY - COMPLETE
ParanormalAR. THADDEUS BERNARDO APOSTOL faces his greatest regret after ten long years of waiting for the girl that got away, but instead of meeting Susanna Evangeline Rama's future self, the mysterious lighthouse of Faro de Amoré brings back the Sanna in his...