Kabanata 37

1.4K 142 612
                                    

DAY 19

PABYAHE NA SILA pabalik ng Faro. Kinailangan na muna nilang bumalik dahil kasal bukas nila Mari at Jude. Hindi sila puwedeng mawala sa araw na 'yon. Napag-usapan nilang babalik sila sa Samboan pagkatapos na lamang ng kasal ng dalawa.

Si Sep pa rin ang nag-da-drive. Tahimik naman si Iesus na nakaupo sa likod ni Sep at mukhang busy sa kung anong ginagawa nito sa iPad na hawak. Nakasandal na ang ulo ni Amora sa balikat ni Iesus – tulog na tulog.

Ilang beses nang isinandal pabalik ni Iesus ang ulo ni Amora sa bintana ng sasakyan pero nahuhulog pa rin sa balikat nito. Iesus stopped and just continued what he was working. Pero hindi niya mapigilan ang mahinang tawa niya kanina nang makita ang struggle ni Iesus.

Si Art naman ay busy sa pagdo-drawing sa iPad nito. Nasa harapan lang naman nila ni Thad si Art kaya nababantayan pa rin nila. Pansin niyang mas maluwag ang loob ng van ngayon kumpara noong papunta pa lang sila ng Ginatilan.

Medyo gumaan.

"I was just wondering why they weren't familiar with you if you stayed with your father in Samboan?" basag ni Thad.

"Hindi ako nag-stay nang matagal sa Samboan," sagot niya. "I stayed with Nanay Sensiya sa maid's quarter. I pretended that I didn't know my father. Tumutulong din ako sa pagtatanim ng mga bulaklak kapag wala akong ginagawa. Tapos nakikita ko ang mga kapatid ko sa malayo na naglalaro."

Mapait siyang napangiti.

"Naririnig ko ang tawa nila kapag sumasali si Papa. Pero hindi ako lumalapit kasi... ang alam nila, working student ako at kasama ako sa scholarship program ng mama nila."

"But are they good to you?" malumanay na tanong ni Thad sa kanya. "I mean, ang mga kapatid mo."

"Hindi naman sila naging masama sa'kin. Hindi rin naman nila ako kilala. They even give me food kapag may pasalubong si Papa sa kanila and Loraine even gave me her old clothes. Although, may minsan na napapansin ko na ayaw ni Tita Cass na umaaligid ako at makipag-close sa mga anak niya. Si Loraine, sweet siya saka mabait, 11 years old naman siya no'n, pero matampuhin 'yon. Si Tristan, 8 years old naman, makulit at mahilig mag-pranks. Tapos ang bunso si Melody, 4 years old pa siya no'n, madaldal saka lagi akong kinakausap."

"At least hindi nila namana ang ugali ng Mama nila."

She chuckled. "Mabait naman kasi si Papa... kaso... ayon lang... hindi niya ako kayang ipakilala sa pamilya niya."

"But he could have treated you better... At hindi mo ako makukumbinse na mabait ang papa mo. All he did is to save his ass from the scandal. He made you believe in things he didn't mean to keep your mouth shut."

"I really wanted to ruin his family." Mapait ulit siyang ngumiti. She could still remember the feeling inside her heart – her desire to ruin her father's family. "Sabi ko, if miserable ako. Dapat miserable din siya. Pero hindi ko nagawa kasi naawa ako sa kanya."

"You're still young back then. You were only twelve. Kahit siguro ako ay mapapaikot din."

"Iniwan ko ang Mama ko kasi ayaw ko nang mamalimos kami ng pagmamahal kay Papa. But I just ate my words."

"He manipulated you dahil alam niya ang kaya mong gawin."

"Siguro sobrang sama ng tingin ng Papa ko sa'kin. Iniisip niya siguro na mas selfish pa ako kay Mama."

"He had all the chance to know you, but he didn't. Iisipin niya ang iisipin niya sa'yo base sa kung anong gusto niyang isipin."

"I wish I visited my mother." That was her greatest regret now. "I wish I could have been kind to her. She only wanted to be loved and understood. She also grew up in a broken family. Kaya siguro naging ganoon din siya. But I was too young to understand her feelings. I wish I hadn't given up on her."

FDA 4: THE GIRL THAT GOT AWAY - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon