HAPPY 308 READS!!!YEHEY!!🥰🥰
Salamat po sa mga nagtitiyagang maghintay ng update kahit sobrang tagal 🤭🤭
***
Hindi ko pa rin mapigilang mapangiti dahil sa nangyari kanina.
"Kung nais mong mapahamak ay siguraduhin mong hindi kita natatanaw dahil sa oras na makita kita pipiliin at pipiliin kong iligtas ka"
Napalingon ako sa nagsalita at agad napataas ang kilay ko ng bumungad sa akin ang pagmumukha ng isang lalaking hindi ko kakilala
"Sino ka?" pagtatanong ko pero napaatras lang ang lalaki at bahagyang napakamot sa ulo nito
"Paumanhin binibini, akala ko'y ikaw ang aking kasintahan sapagkat parehong pareho kayo ng taas at ng hugis ng katawan" mas lalong napataas ang kilay ko dahil sa huling sinabi nito
"Ibig sabihin ba niyan ay tinitignan mo ang katawan ko?" bahagya siyang nag-iwas ng tingin dahil sa sinabi ko
"Paumanhin binibini" muli siyqng humarap sa akin at bahagyang yumuko
"Ayos lang makakaalis ka na po hanapin mo na ang kasintahan mo"
Akmang magsasalita pa sana siya ng makarinig kami ng sunod sunod na yabag papunta sa kinaroroonan namin kaya nagulantang ako ng hinila ng lalaking kaharap ko ang laylayan ng suot kong damit saka kami nagtago sa mga talahib na malapit lang mula sa kinatatayuan namin kanina
"Hoy bakit ka bigla bigla na lang nanghahatak ha?" sermon ko sa kanya pero sinenyasan niya lang ako na manahimik kaya napairap ako
"Kung maaari lang ay hinaan mo ang iyong boses maling desisyon ang nagpunta ka roon dahil sa oras na makita ka nilang nandoon ay ikaw ang ituturo nilang dahilan ng pagsabog" bahagya akong natawa dahil sa sinabi niya kaya napabaling siya sa akin
"Mukha bang magagawa kong gumawa ng ganung klase ng bagay?walang utak ng taong mag-iisip na kaya kong gawin 'yun.Tsaka sa oras na naabutan nila ako doon for sure iimbestihan muna nila ako pero kung diretsong piitan ako kapag nagkataon saan ang hustisya sa ganun? aba!" bahagya pa akong napairap pagkatapos kong sabihin iyon
"Kahit na..iyong tatandaan na ang tulad nating mga dukha ay madalas na tinatalikuran ng hustisya bakit? dahil sa salapi. Iyon lang ang bagay na kailangan para makamit ang hustisya"
napatingin ako sa kanya at hindi ko maiwasang ikumpara ang buhay ng mga mahihirap sa taon kung nasaan ako at ang taon sa kasalukuyanWalang pinagbago mailap ang hustisya sa mga mahihirap at walang kayang ipagtanggol ang kanilang sarili. Kadalasan ang nakakakuha lang ng hustisya ay ang mayayaman minsan nga kung sino pa ang may kasalanan sila pa ang papanigan kasi nga may pera sila. Kayang kaya nilang paglaruan ang hustisya sa kanilang mga palad gamit ang kapangyarihan nila.
YOU ARE READING
Mi Amado Gobernador General
أدب تاريخيMeet Nathalia Shane Dimagiba a normal nursing student from the present who was involved in a car accident. When she woke up, she suddenly found herself in the past! And there she met a man-Luis de Alejandro Carlos y Vicencio..the Governor General w...