Chapter 10

1K 32 31
                                    

Continuation from Flashback 2013:

"Anak! Anak, dali!", tawag ni mommy Divine kay Sarah, habang pinalalakas ang volume ng tv. "Panoorin mo to!"

Dali - dali namang nagtungo si Sarah sa living room, naggagawa kase siya ng miryenda para sa pamilya, sa may kitchen, nuong linggo ng hapon.

Akmang nadatnan niya ang kaniyang ina na nanonood ng The Buzz. Si Bamboo ang nasa screen, apparantly for an exclusive interview with Boy Abunda.

"Anu ba yon, Mommy?", sambit naman ng kaniyang amang si Delfin na bumababa ng hagdanan kasunod ang kaniyang ate na si Sunshine. Ang kanilang bunso na si Gab ay nagaayos naman ng kaniyang bisikleta sa may garahe at kapapasok lang din dahil sa narinig na malakas na sigaw ng kanilang ina.

"Ay Daddy, si Bamboo!", sagot ni Divine kay Delfin, sabay turo sa large, flat screened tv. "Umamin daw na hiwalay na sa asawa!"

Lahat sila ay napaupo sa tabi ni Divine. Si Sarah ay hindi makapaniwala habang tinatapos nila ang exclusive interview kay Bamboo. Gulat na gulat siya sa nalaman niya.

Halos magdadalawang taon na daw separated si Bamboo. Ang kaniyang magiina ay nakatira ngayon sa Amerika. Pinili daw ni Bamboo na ipaglihim ito dahil ayaw niya mabulabog nuon ang privacy nilang maganak, at para makaiwas sa mga pwedeng itsismis sa kaniya sakaling malaman na single na ulit siya, kaya't nagpasiya ito na panatilihing suot - suot ang kaniyang wedding ring. Maliban sa kaniyang pamilya ay ang kaniyang manager na si Pancho lamang ang nakakaalam. Maski ni isa sa kaniyang mga kaibigan, mapa sa loob man o labas ng industriya ay wala siyang ipinagalamanan.

BA: So, after everything, what made you decide to come out and admit na, malaya ka na?

BM: Because I'm ready. My family's ready. It's about time, Boy.

BA: I can't help it, I'm sorry Bamboo, but meron bang mas malalim pang dahilan bukod sa iyong pagiging handa na... Like, could it be because you are also ready to mingle now that you're once again free?

Nangiti lang si Bamboo at bahagyang yumuko. Pero tumingin siya ng diretso sa camera.

BM: Could be.

Hindi parin makapaniwala si Sarah. Kahit na limang oras na ang nakalipas mula ng tapusin nilang panoorin ang exclusive interview na yon. Ang daming bumabagabag sa isip niya. Hindi niya malaman anu ba ang nararamdaman niya matapos malamang single na ulit si Bamboo. Eh ano nga ba dapat niya kase maramdaman? Saya? O panghihinayang?

Naupo siya sa may kama pero hindi siya makatulog kahit pa alam niyang maaga ang call time kinabukasan.

Maski ang kaniyang parents ay hindi rin makapaniwala. Bakit ba kase pati sa kaniya inilihim ito ni Bamboo? Ibig - sabihin ba nito ay wala talag siyang gusto kay Sarah? Kase kung may gusto siya eh di sana matagal na siyang niligawan nito, gayung malaya naman pala siyang gawin iyon.

Ang sakit lang isipin para kay Sarah. Na all those times na pinapantasya niya si Bamboo, to the point na muntikan pa niyang hindi bigyan ng chance si Matt, falsely knowing na hindi malaya si Bamboo, na nagpipigil siya ng kaniyang damdamin, all the while ang kaniyang pakasisikretong dasal ay totoo naman pala. Yun nga lang, hindi rin naman siya gusto nito. Kaya siguro mabuti narin na hindi siya umamin sa damdamin niya para dito.

So wala siya dapat ikahinayang diba? Sinagot niya si Matt dahil nahulog naman na din ang loob niya dito. Oo, sinagot na niya. Kait hindi pa nila inaamin sa publiko. Pero lingid sa kaalaman ng iba ay open si Sarah sa kanyang mga magulang tungkol sa relasyon nila ni Matt. Lumigaw ng harapan si Matt sa kanyang mga magulang at inakyat siya ng ligaw nito sa mismong bahay nila. Kaya't legal ang kanilang relasyon.

Hinahanap - Hanap Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon