Pinagmamasdan ni Sarah ang mga magulang at mga kapatid. Kaniya-kaniya silang kabisihan. Minsan may kinakausap sa cellphone o di kaya'y nagtetext, tapos pag may tumawag naman sa telepono at sa tuwing sasagutin niya ay inuunahan nila siya. Na para bang ayaw nila siyang pasagutin ng telepono. Maski sa pintuan. Di nila siya pinapabukas ng pinto pagmay kumakatok dito. At para bang ang dami nilang inaasikaso.
Bakas sa mga mukha nila ang pagkakaabala. Ni hindi nila siya kinakausap maliban nalang kung paghihintulutan nila siyang sumagot ng telepono at pigilan magbukas ng pintuan.'Hay, anu ba nangyayari?', tanong niya sa sarili. Uuwi na dapat si Bamboo sa bansa pagkatapos ng last show niya sa Perth, kaso nga lang nagpaalam ito sa kaniya na kailgan niyang pumunta ng San Francisco para sunduin ang pamilya dahil magbabakasyon daw sila sa Pinas for summer. Pero nagrequest din ito sa kaniya na i-clear niya ang buong sked niya for the week para makapagbonding sila at maipakilala na siya sa pamilya nito. So pumayag naman siya.
Napagusapan nila yun nung huli silang nagkausap sa skype nuong isang lingo. Pero ang hindi niya sinabi kay Bamboo ay nakabili na siya ng ticket papuntang SanFo. Balak niyang surpresahin ito duon. Nangiti siya sa sarili ng may naramdaman siyang kumakalabit sa kaniya. Napatingin siya kay Sunshine.
"O, ate, ano po yon?", tanong niya sa nakatatandang kapatid.
"Ash, natatandaan mo yung sketch mong wedding gown?", tanong ng ate niya.
"Huh?", napaisip siya bigla. "Naku, antagal na nun, ate! Bakit?"
"Eh, kase gusto ko kunin sa project ko", sabi ni Sunshine. "Syempre ike-credit ko naman name mo dun. Gusto ko lang na mapasama iyun sa runway ko, kase gandang ganda ako dun, eh!"
Si Sunshine ay sinusoportahan ni Sarah na makapagtapos ng kursong Fashion Designing. Kaya naman namulagat ito ng masambit ng ate niya na magkakaroon ng chance na ma-feature ang dream wedding gown niya sa runway event na project ni Sunshine sa college.
"Naku ate Shine!", naeexcite na sambit ni Sarah. "Nakakatuwa naman yun! Thank you! Thank you! Teka kunin ko yung sketch ko na yun sa kuwarto!", sabay nagmamadaling umakyat ng hagdan.
Hinalungkat niya ang drawer ng isang kabinet sa kuwarto niya kung saan niya itinatagao ang mga sketches niya. Isa rin kase yun sa mga talento ni Sarah. Ang sketching.
Napatitig siya sa isang sketch ng wedding gown na mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Natatandaan niya nuong 10yrs old pa lamang siya ng maidrawing niya iyun. Gaya kase ng mga batang babae, nangarap siyang maikasal sa kaniyang prince charming someday. At naiguhit niya ang pinapangarap niyang susuotin sa araw ng magiging kasal niya.
Heart-shaped ang tube bodice ng gown na fitted sa top and then pa-ball ang full skirt nito hanggang talampakan. Napaka simple nito. Walang kolorete. Walang flowers, walang sequins, walang rhinestones, pearls o kung anu mang beads and studs. Hindi rin siya lace. Ang nasa isip ng batang si Ash ay isa itong gawa sa napaka lambot na puting tela. Puting puti lang siya na walang ka-accent-accent. Parang isa itong gown na gawa sa clouds. Ganun ka-dreamy ang naiimagine niya. Kanya ayaw niya ng kung anu-ano pang koloreteng nakasabit sa tela nito.
Napaisip siya sa sarili kung kailan kaya niya maisusuot ang dream wedding gown niya? Kay Bamboo kaya siya ikakasal? Kumabog ang dibdib niya sa ideang iyon.
Agad siyang bumaba ng hagdan bitbit - bitbit ang papel ng sketch niya at inabot ito kay Sunshine.
"Ayan ate Shine, ha", sai niya, "please, ingatan mo, isa lang copy ko niyan, eh."
"Naku! Syempre naman, Ash", tugon ni Sunshine, "malay mo, ikaw pa magsuot nung gown pagnaiproduce na!"
"Naku, ate!", sambit ni Sarah, "ayoko! Gusto lang po yan maisuot pagtalagang ikakasal nako."

BINABASA MO ANG
Hinahanap - Hanap Ko Siya
FanfictionBamboo Mañalac and Sarah Geronimo's fictional love story set in an alternate reality world. No harm intended on both parties' family and friends. Written in Filipino and English. Caution on some dialogues and scenes that are not suitable for very y...