Flashback December 2014:
Pasko nanaman
Ngunit wala ka pa
Hanggang kailan kaya
Ako maghihintay sa iyoBakit ba naman
Kailgan lumisan pa
Ang tanging hanggad ko lang
Ay makapiling kaNatigilan si Sarah kumanta, habang naktitig sa mga nagkikisalapang christmas lights ng kanilang christmas tree sa bahay, ng mapaisip siya na dalawang pasko na nga naman na ang nakakalipas simula ng umibig siya kay Bamboo.
Buti na lamang at may oras siyang makapagpahinga nuong araw na yon, kung kaya't nakasama siya sa pagdedecorate ng kanilang bahay para sa darating na pasko nung taon na yon.
Masaya siya kani - kanina lamang, syempre kase namiss niya ng sobra ang kaniyang pamilya, dahil sa lagi siyang busy sa trabaho. Kaya kahit pa pagod siya, ay hindi niya ininda ang nararamdaman at nakisalo sa pagdedecorate ng bahay. Yuon na lamang kase ang pagkakataon na buong araw niyang makakasama ang pamilya niya.
Nang matapos at mapagod ang lahat ay nagpaiwan siya sa kanilang living room, pinatay niya ang lahat ng ilaw maliban sa christmas lights ng christmas tree at nagmuni - muni magisa.
Noong nakilala niya si Bamboo, akala niya ay isa lamang paghanga ang nararamdaman niya. Hindi niya lubos na inakala na lalalim ang kaniyang paghanga dito.
Nuong araw ay inakala niyang may asawa pa ito, kaya't ingat na ingat siya makitungo dito. Natatakot siyang may makahalata ng kaniyang nararamdaman at mas higit siyang natakot para sa sarili.
Natawa siya bigla. Ayun. Di niya nagawang protektahan ang sarili, nahulog na nga siya ng tuluyan.
Kahit anong gawin kase niyang ingat, ay lalo lang lumalalim ang pagmamahal niya kay Bamboo. Kapag iniiwasan niya ito, tiyak mamimiss niya agad ito, ng kahit wala pang isang oras ang dumadaan. Kapag di niya pinapansin ito, lalo lang niya napapansin ang bawat kilos, tawa, pati pananalita nito, kahit sa mga pagkakataong di siya ang kausap o kaharap. Kapag naman magkukunwari siyang kaya niya pakitunguhan ito ng casual, ay nasasaktan lamang siya, pakiramdam niya nakasuot - suot siya ng maskarang nakangiti, ngunit walang nakakaalam na sa likod pala nito ay tagatak na ang pawis niya sa mukha kakatago ng nararamdaman niya.
Kung bakit pa kase kailan na nasagot na niya si Matt ay tsaka lang niya nalamang single na pala si Bamboo at may gusto rin siya sa kaniya.
Naiintindihan naman niya ang mga payo sa kaniya nila Sir Gary at Sir Martin na mas piliin niya ang nakahihigit sa puso niya, at walang duda na si Bamboo yun, ngunit sa kabilang banda, kumbaga madaling sabihin na piliin niya si Bamboo, pero sa totoo lang ay mahirap gawin ang iwan ng basta - basta nalamang si Matt. Kahit saan niya kaseng angulo tignan ay lalabas at lalabas na ipinagpalit niya si Matt kay Bamboo. Kilala niya ang kiyang sarili. Hindi niya kayang unahin ang pangsariling kapakanan at kaligayahan nang may nalalamangan o naaapakang iba.
Pero paano naman din si Bamboo, diba? Hindi ba nasasaktan lang din niya si Bamboo? Ayan din ang bumabagabag pa sa kaniya.
Bigla na lamang niya napansin na may katabi na siya sa sofa. Paglingon niya ay nakita niya ang kaniyang ina.
"Ma, kanina ka pa po ba dyan?", tanong niya.
"Hmm, medyo", pagamin ni Divine ng may ngiti. "Kanina pa nga kita pinagmasdan na iyak tawa dyan ng magisa, eh." Napahinga ng malalim si Divine. "Anak, alam mong pinalaki ka namin ng Daddy mo ng buong buo ang pagmamahal at pagaaruga namin sa iyo. Iyan ay walang kapantay. Kung kaya't siyempre hinahangad namin na makatuluyan mo ang isang lalaki na buong buo ka rin mamahalin at aalagaan, di man mahigitan o mapantayan ang aming pagmamahal sa iyo. Sa kabilang banda, amin din hinihiling na maranasan mo ding magmahal at magaruga ng buong buo sa lalaking tunay mong iniibig. Anak, walang masama na pagbigyan mo ang sarili mong lumigaya. Mas masama ang magpaasa ka ng taong hindi mo kailan man mamahalin ng buong buo, dahil may mas nakahihigit sa kaniya sa puso mo."
Hindi na napigilan ni Sarah ang paghagulgol at niyakap siya ng mahigpit ng kaniyang ina. Maya - maya ay napansin niyang nakayakap narin sa kanila ni Divine sina Daddy Delfin, Sunshine at Gab. Nang magkalas sila sa kanilang pagkakayakap ay nagtawanan silang lahat.
Gumaan kahit papaano ang nararamdaman ni Sarah.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"So did Pandada talked to Biddie, yet, Papa?"
"Not yet, my princess. Not yet."
"But did they saw each other that day?"
"They will, darling. Pandada planned on making Biddie realize that he loves her so much, she wouldn't think twice of no longer flying away..."
"So she will no longer leave him, and she could stay with Pandada!"
"Yes, princess. That is what Pandada is hoping for. Hopefully Biddie will realize his love for her."
"Then he needs to pofess his undying love for Biddie, Papa!"
"You think so?"
"I know so!"
"Haha, smart kid! Let's see what will happen next, okay?"
"Yes, Papa! Don't forget to let me know next time, please?"
"But of course, my princess! Papa has to go now, okay?"
"Alright, Papa! I love you and Lucio and I miss you so much!"
"I love the both of you, as well. Please tell Lucio I miss you, guys. You behave always, ok? Talk to you soon once again."
BINABASA MO ANG
Hinahanap - Hanap Ko Siya
FanfictionBamboo Mañalac and Sarah Geronimo's fictional love story set in an alternate reality world. No harm intended on both parties' family and friends. Written in Filipino and English. Caution on some dialogues and scenes that are not suitable for very y...