Flashback TVOP S1 Finale:
For the first time, parang nagaalangan si Bamboo na puntahan si Sarah sa dressing room niya, matapos niya malaman na nadedevelop na ang dalaga sa kaniya. Ewan ba niya, parang di siya kumportable. Dapat nga actually matuwa siya, ang kaso matapos niyang makausap si Pancho, parang bumagabag sa konsensiya niya mga sinabe nito.
"Coach, Bamboo!", narinig niyang tinawag siya ni Sarah. Just before makaiwas siya, nahabol na siya nito.
"Oh, Serah", bati niya sabay ng may ngiti. Ngumiti rin ito sa kaniya ng napaka - sweet.
"Coach, kape muna tayo", pagaya nito sa kaniya, "maaga pa naman, eh."
He checked his watch. 8:30am. Meron kase silang early meeting with the management para sa nalalapit nitong pagtatapos ng kanilang programa.
"Okay", he agreed and lead her out the building. Sarah beamed happily. She seemed to be in a good mood that morning.
They went to Starbucks and settled in one of the sofas in a quiet corner, sipping their hot coffees. Good thing that they came in early, wala pa masyadong tao nung mga oras na iyon.
"Coach, kamusta po pagrerehearse ninyo ni Myk?", tanong ni Sarah.
"Ayun, okay naman", he replied, "handa na daw siyang magpasikat sayo", sabay tawa.
"Aysus, talaga yang si Myk, oo", said Sarah, "palabiro talaga yan."
Bamboo was shaking his head. "Hindi. Hindi talaga. I believe he really likes you, though."
"Naku coach, at naniwala ka naman dun", sabi ni Sarah.
"Why, mahirap bang paniwalaan na may gusto siya sayo?", tanong naman ni Bamboo.
Namumula na mukha ni Sarah and hindi na siya makatingin ng diretso kay Bamboo.
"You know what", he said, "aware ka ba na maraming nagkakagusto sayo?"
Di sumagot si Sarah. Yumuko lang siya at para bang may fascination siya sa cup niya na may nakalagay na SANA dito. As usual, nagkamali nanaman yung barista ng Starbucks sa pagspell ng name niya. Kahit naman obvious na kung sino siya.
"Hey, look at me", Bamboo said. "You're beautiful, very talented, plus ambait bait pa, di malabong maraming magkakagusto sayo."
Sarah could swear that her face must've turned litterally red by then. Iniikot ikot niya yung cup niya, at di parin makaimik.
"Sa totoo lang", pagpapatuloy pa ni Bamboo, "marami akong kilala na nagtatanong how was it daw working with you? Sinasabi kase nila na ang swerte ko daw na nakakatarbaho daw kita. And yes, I do feel lucky." He then chuckled.
'Eh ikaw, may gusto ka rin ba sakin?', tanong ni Sarah sa isip. Pinagmasdan niya ulit ang cup na may nakalagay na SANA. Pero alam naman niyang imposible yun! Naku, eh pano mangyari yun, eh may asawa na tong onstage boyfriend niya. Suntok sa buwan ang pagpapantasya na masusuklian nito ang nararamdaman niya para dito. Kase naman eh! Ba't ang clumsy niya? Ayan tuloy, nahulog siya! Wala naman sa usapan na seryosohin niya ang pagiging onstage couple nila, eh! Naku, naku Sarah, di ka kase nagingat! Kita mo, di lang nadapa, nahulog pa! Anu ba yan! At bakit nga ba niya inaya si Bamboo na magkape? Para magkuwentuhan? Eh lagi naman nilang ginagawa yan, eh. Wala ng bago dun. Pero bakit nga ba? Dahil nagaantay siya na may i - confess ito sa kaniya? At anu naman ang ineexpect niya? Na nagkakagusto narin siya sa kaniya? Gayung pamilyado itong tao. Tsk, tsk, tsk. Hay, Sarah. Bakit ba naman kase siya pa? Anu ginagawa nila dito sa cafe, kung alam naman niyang wala siyang aasahan. Pero bakit ganun? Kahit alam niyang malabo masuklian ni Bamboo ang pagmamahal na nararamdaman niya para dito, eh meron parin kakaunting hope na buhay na buhay sa puso niya. Yung totoo Sarah, umaasa ka? Talaga? Hay. Bakit di niya parin magawang iwasan ito?
At si Matteo. Si Matteo na single at mas close sa age niya, na masugid na nanliligaw sa kaniya. Bakit ni minsan ay di niya nagawa manlang banggitin ito kay Bamboo, sa dinarami rami ng pagkakataon na nagkakausap sila. Kahit yung tipong pabahagya manlang. Dapat siguro pagisipan niyang bigyan ito ng chance. Para narin sa ikabubuti niya. Tama. Pagiisapan niya iyon.
Hindi namalayan nilang dalawa na nakalipas na pala ang isang oras, sa dami nilang napagkuwentuhan. Buti nalang at they still got enough time for the managent meeting.
Nang matapos ang lahat ng gawain nila nung araw na iyon, it was close to 5pm na. Naabutan ni Bamboo na nagliligpit na ng gamit si Sarah. Nagdalawang isip siya muna bago ito ayain na lumabas.
He approched her at last. Di rin nakatiis.
"Serah", he began, "you wanna go somewhere?"
Akmang sasagot sana si Sarah ng sumabat si Ana bigla. "Ay, pasensya na po, sir Bamboo, pero kase po nakasched na magdidinner si Sars kasama po si Matteo", sabi nito na napatingin kay Sarah. "Katunayan po ay susunduin siya bahay kaya kailangan na po namen umuwi para makapagprepare din si Sars, diba, Sars?"
Alam kase ni Ana ang nararamdaman ni Sarah para kay Bamboo nang nagconfess siya sa kaniya nuong isang araw pa. At napagusapan nila kanina na mas makakabuti kung iiwas ng konti muna si Sarah dito at bigyan ng chance si Matteo.
"Matteo?", nagtatakang sambit ni Bamboo habang hindi iniaalis ang tingin kay Sarah.
Si Sarah naman ay napatigil sa emosyon na lumalabas sa mga mata ni Bamboo. Gulat? Pagtataka? Nasasaktan? Nagagalit?
"Ah, eh opo, coach", she finally replied. "May dinner po kami ni Matt mamaya, eh. You've met him na ba?
Bamboo recalled a young man na nagguest sa birthday concert ni Sarah out of the country, a year ago ata yun. So siya si Matteo.
"No", he replied, "I don't think we've met."
Sino ba si Matteo sa buhay ni Sarah? Bakit bigla siyang sumulpot sa picture, gayung mundo nilang dalawa ni Sarah ito. Nanliligaw ba ito sa kaniya?
Lingid sa kaalaman ni Bamboo ay sinadya ni Sarah na tawagn si Matteo kanina during their break para makipagdinner. Gusto niya kaseng subukang ienjoy ang company ng iba maliban kay Bamboo, para makaiwas narin siya sa nararamdaman niya para dito. Tutal masugid nga naman niyang manliligaw ang binata.
Bamboo watched Sarah leave with her crew. He was still standing by the exit of the buildng long after Sarah's van had vanished from sight.
Bakit kase ni minsan hindi naikuwento ni Sarah sa kaniya ang tungkol dyan sa Matteo na yan. Tapos ngayun, bigla biglang susulpot. He can't help it. He felt threatened all of a sudden.
He belatedly realized na halos magthi - thirty minutes na siyang nagmumuni - muni. He felt a giant headache burning his temples. He decided to go home and drink by himself. He could get drunk there, anyway he'd just be home. Eh bakit nga ba siya maglalasing? Haynako. Bahala na nga.

BINABASA MO ANG
Hinahanap - Hanap Ko Siya
FanfictionBamboo Mañalac and Sarah Geronimo's fictional love story set in an alternate reality world. No harm intended on both parties' family and friends. Written in Filipino and English. Caution on some dialogues and scenes that are not suitable for very y...