Epilogue

1.7K 39 24
                                    

"Mars! Mars!", sigaw ni Rachel mula sa napakalanking kitchen ng bahay nila Sarah at Bamboo. "Mars! Tulong naman dito, o! Di ko pa kase maperfect tong pagbebake, eh!"

Dali-dali namang tumakbo si Sarah sa kusina paratingnan ang progress ng pagbebake ni Rachel ng cupcakes, habang bitbit-bitbit niya ang babaeng anak na si Francine Iris.

Hinawi niya ang kanyang mahabang buhok na napipiglas na mula sa pagkaka-ponytail nito, kakahila narin kase ni baby Fran, na nakasaklang sa right hip niya.

"Eh diba, nakagawka nung first batch?", tanong niya sa ninang ng kaniyang anak.

"Eh, oo", sagot ni Rachel, "pero di ko lam kung pano matatantsa yung lasa, eh!"

Nangiti si Sarah sa kaibigan. Alam niya kung bakit ganoon nalamang kaabala na maperfect nitong si Rachel ang cupcakes. Bukod kase sa first birthdays ng kaniyang mga anak -- yes, may kakambal si baby Fran, ang baby boy na si Ashton Iris o baby Ash -- ay first time niyang ipapatikim sa mga tao ang kaniyang baking skills na tutunan niya sa kumareng si Sarah. At isa na roon sa mga guests na darating mamaya para sa kiddie birthday celebration, ay ang ninong naman ni baby Ash na si Christian. Aware si Sarah na may nanunumbalik between sa kaniyang mga matatalik na kaibigan, for the last several months na.

Ibinaba na muna ni Sarah si baby Fran sa highchair niya hang tinitignan ang gawang mixture ni Rachel ng bumukas ang pintuan sa likuran ng bahay.

"Mommy Serah! We're home!"

"Aba, eh nandiyan na pala mag ama mo, eh", sabi ni Rachel.

Sinalubong naman ni Sarah si Bamboo na may tulak-tulak na stroller, kung saan nakaupo si baby Ash.

"O, kamusta morning stroll?", sabay halik kay Bamboo at yumuko para kargahin na si baby Ash.

"Hay! Ang hyper ng batang yan!", sabi ni Bamboo, hang papasok na sila ng kusina. "Hi, Shin!", bati nito sa kumare.

"Hi, Bams!", sabay tungo kay Sarah at nagmake faces kay baby Ash. Natawa si Sarah.

Nilapag na niya si baby Ash sa tabi ni baby Fran sa highchair na pinasadya pang dalawahan.

"Eh kanino pa ba magmamana yang ka-hyperan ng anak mo", sai ni Sarah ng nakaturo kay Bamboo, "kundi sayo lang naman, hahaha!"

Bamboo raised both hands, palms up. "Guilty!"

Lumapit sa kaniya si Sarah at initkot g kanyang mga kamay sa leeg ni Bamboo. Nagtatawanan sila habang magka-nose to nose. Biglang tumili naman ang kambal.

"O, tama na kasweetan", bulyaw ni Rachel sa magasawa, "inaakyat nako ng langgam dito, mahirap na, at nagbebake pa naman ako."

Tumingin si Bamboo kay Rachel, habang magkayap parin sila ni Sarah. "Kase naman Shin, ikaw din magasawa ka na para may inaanak narin kame ng bestfriend mo dito, o.... Aaww!", nagulat siya ng kurutin siya sa nipple ni Sarah.

"Ikaw, talaga!", bulong sa kaniya ni Sarah.

"Hahaha!", natawa si Rachel. "Hindi ako nagmamadali, Bams!" Napatingin siya kay Sarah at ng ngumiti ng malaki ito, namula siya. Alam niyang alam ni Sarah ang score sa kanila ni Christian. Wala man talaga siyang maitatago dun, eh. Hohoho.

"Bams? Sars?", biglang may tumatawag sa kanila from the hallway.

"Panch! Over here, sa may kitchen!", sagot ni Bamboo.

"Mmm! Sarap ng amoy!", sabi ni Pancho ng bumungad siya sa pintuan ng kusina.

Akmang kukuha na sana siya ng cupcake ng hinampas ni Rachel ang kamay niya. "Mamya pa yan, kuya Pancho! Kaw talaga!"

"Ah, eh, akala ko kaya ako pinapunta ni Bams dito, para magtaste-test?", pagkukunyari niyang tanong.

Nangismid si Rachel. "Hindi, no! Andito ka para tumulong sa pagsasabit ng mga laruan dyan sa labas at magayos ng tables and chairs!"

Pancho tried to look very indignant habang tawa ng tawa sina Bamboo at Sarah.

Happy birthday to you, happy birthday to you!
Happy birthday, happy birthdaaaaaayyy
Happy birthday.... To youuuuuu!!!

Karga ni Bamboo si baby Fran at karga naman ni Sarah si baby Ash.

"O, blow the candles! Yehey!", sabay blinow ng magasawa ang two candles ng birthday cake para a kanilang kambal.

Nagpalakpakan ang mga guests. Families and friends in and out of showbiz.

Ang buong garden ay nakadecorate ng mga palamuting pambata. Ang kani-kilang mga kaibigan ay nagsipag dala rin ng sarili nilang mga chikiting.

Food and music were also dedicated to the kids, so ang mga adults ay pinapanood lang magsipaglaro ang mga bata.

After games of basagan palayok, palabitin, musical chairs, balloon popping, at matapos mag-consume ng katakot-takot na amount ng cotton candy, licorice sticks, popcorn, hotdogs with marshmallows and cupcakes, ay pagod na pagod na nagliligpit kasama ang nkanilang mga helpers sa bahay ang magasawa. Pareho ng nakatulog ang kambal and most of the guests ay nagsipag uwian na.

Nagliligpit ng dishes ang dalawa ng mapansin nilang parang may nagtawanan at naghahabulan sa garden.

Nagtinginan sila.

"May bata pa bang natira?", tanong ni Sarah.

Nagkibit balikat lang si Bamboo at sabay silang nagtungo sa french doors from the living room leading out to their massively manicured garden.

And there, they saw Rachel and Christian na naghaharutan na parang mga bata lang. Hinahabol kase ni Christian si Rachel ng may icing sa bawat kamay. Nagsisisigaw si Rachel, pero tawa nam sila ng tawa.

Nagkatinginan sina Bamboo at Sarah at nangiti.

"Alam na this!", sabay nilang sinabi, at ngtawanan sila.

Hinahanap - Hanap Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon