Chapter 22

926 28 23
                                    

Flashback Mid - January 2015:

Rrriiing.... Rrriiing.... Rrriiing....

Namulat bigla ang mga antok na antok na mata ni Sarah ng marinig niyang may tumatawag sa kaniyang cellphone.

Inilabas niya ang kaniyang kaliwang kamaya mula sa ilalim ng comforter at dinampot ang telepono na nakapatong sa gilid ng bedside table niya.

Calling: 0927+++++++
(Unknown number)

Time: 2:50 a.m.

'Huh?', parang naalimpungatan si Sarah. Sinong tatwag ng ganitong oras?

Habang tinititigan pa niya ang cellphone ay umupo na siya ng tuluyan mula sa pagkakahiga niya sa kama, sabay hawi ng buhok paiwas sa mukha, nang tumigil ang tawag.

One missed call 0927+++++++
(Unknown number)

Time: 2:54 a.m.

Napabuntong hininga si Sarah at napakamot ng ulo. 'Anu ba yan? Namiss call pa', sabi niya sa sarili.

Rrriiing.... Rrriiing.... Rrriiing....

Calling: 0927+++++++
(Unknown number)

Time: 2:56 a.m.

Muntikan ng mapatalon si Sara sa gulat ng biglang maring ang telepono. Sinagot niya naman agad ito.

"H - hello?", marahan niyang bati. Ngunit walang sumasagot sa kabilang linya. "Hello? Sino to?", and she cleared her throat. Wala paring sumasagot. Nagsimula na siyang isipin na prank call lang ito. "Anu ba, sige bababa ko ito. Sino ba to?", madiin niyang tanong.

Naririnig na niyang may humihinga sa kabilang linya.

"Hi", sagot finally ng napakahinang boses na parang babae.

"Hello, sino nga to?", madiin paring tanong niya rito.

"Isa", sagot ulit nung boses. Babae nga. At parang bata. Yung tipong batang bata talaga. At napakahina!

"Huh? Isa?", tanong niya, "Sinong Isa? Anu kailangan mo? Bata ba kausap ko?"

"Ti - tita Serah?", sabi nung parang bata na si Isa,  para bang nahihiya pa.

Napatigil ng hininga ng saglit si Sarah. Kilala siya. And did she just pronoiunced her name as "Serah"? Parang familiar ah.

Ngunit bago makapagtanong ulit si Sarah ay biglang umiyak yung boses bata sa kabilang linya. Mukhang bata nga. Sabay singhot - singhot pa bago nagsalita ulit ito.

"If - if you're my tita Serah", sabi nito habang parang sinisinok na, "why did you leave my daddy? He's - he's lonely. He needs his happy ending", biglang hagulgol ulit. "Just like mom.... she found tito Robert. She's happy! But daddy's not!", sabay hagulgol ulit. "You need to go back to him! You're supposed to be my mommy Serah!"

Napahawak si Sarah sa dibdib niya. Dyos ko po, parang may masama siyang kutob kung sino itong batang ito. Hinaplos niya kaniyang noo at leeg. Di naman siya nilalagnat so malamang hindi siya nadidiliryo. Kinurot - kurot pa niya pisngi niya. Pero di naman siya nananaginip. Ngunit bakit parang isa itong malaking bangungot?

"Isa? Isa", sabi niya, na naagpatigil bigla sa hagulgol ang bata. "Who's your daddy?"

"Huh? Anu po?", pagtatakang sagot ng bata.

"Tell me your daddy's name", sabi niya.

"My daddy's your partner", sagot ng bata na para bang sinasabi na nahihibang na ba si Sarah para di niya alam yon? O baka nga nahihibang na siya? "His name's Francis. I - I - I.... I really don't know his full name. It's too long", she continued, matter of factly.

Napikit ng madiin si Sarah at napahawak ulit sa kaniyang dibdib na kumakabog ng mabilis. Dyos ko, bakit siya tinatawagan ng panganay ni Bamboo? Paano nito nalaman kung paano siya matatawagan? Itong Isa, siya si Isabel. May mangilang beses na naikukuwento siya ni Bamboo sa kaniya, dati.

Bago pa man siya makapagsalita ulit ay may narinig na siyang boses ng isa pang babae ngunit halatang matandana na.

"Hello?", sabi nito agad na parang nagpapanic. "Is this Serah Geronimo?" Slang lang si ate. Anu to, buong maganak ni Bamboo slang?

"Ah.... Yes", simpleng sagot niya.

"Oh my gosh, I'm so sorry", nagpapanic na nga ang ateng slang, "I'm so sorry! My daughter, Isa here, I have no idea how she got your number.... She doesn't have her own phone, yet.... This is mine.... But don't get me wrong! I didn't have your number as well! I really don't know how she was able to call you.... And sorry for the bother, oh my just look at the time! I'll just talk to Bams about this.... Really, really sorry....", she took a deep breath. "Oh, by the way.... Didn't I introduced myself? I'm Cecil."

Parang umiikot ang mundo ni Sarah. Lumilindol ba? Gusto niyang sabihin na yes, she already knew who the woman was, but nahihilo talaga siya sa mga pangyayari. Tumango nalang siya, belatedly realizing na di naman siya nakikita ni Cecil. Sensya na, naalimpungtan, eh. Hohoho.

"Uhm, ok lang yun", sagot niya. "Okay lang talaga."

"Sorry Serah, ah, I'll talk to Bams about this", nahihiyamg sabi nito, "I'm really sorry."

"It's alright."

"Thank you for understanding. Have goodnight."

Himingang malalim si Sarah. Ang sikip ng dibdib niya. Ang bigat pa ng ulo niya. Magkakasakit ata siya!

Nagkabalikan ba sila ni Bamboo? Obvious na local yung call so ibigsabihin nun andito ang pamilya ni Bamboo sa Pinas. So nagkabalikan ata sila. Hindi siya nahintay ni Bamboo.

Sinuntok - suntok niya ang unan niya ng bigla niyang naalala ang umiiyak na si Isa. Sabi nito ba't daw niya iniwan and daddy niya. At may nabanggit pa atang tito Robbert ba yun? Anu pa nga ba? Ah, he needs his happy ending daw. Si Bamboo ba yung tinutukoy ng bata?

Hay, ang gulo - gulo! Bakit pa naman kase halos magalas tres na ng umaga ng magdesisyong tawagan siya ni Isa, eh. Tuloy wala siya sa ulirat. Ang masama neto, bakit nagi - guilty siya? Bakit parang pakiramdam niya pinaiyak niya yung bata dahil di niya pinili ang daddy nito?

Napakagat labi na lamang si Sarah habang nakahilata sa kama at nakatitig lang sa kawalan sa kisame sa loob ng madilim niyang kuwarto. Hindi na siya makatulog.

"Isa! Isa!", tawag ni Sarah. Nakatayo siya sa may bintana ng kusina. "Isa tawagin mo na si Lucio sa taas para bumaba! Kakain na tayo!"

Maya - maya pa ay nakita niyang bumungad sa may likurang pinto ng bahay si Isa. Lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Amoy pawis kang bata ka", suway niya rito, "kakatakbo kase sa labas! Sige, umakyat ka na at magpalit ng damit at ng matawag mo na si Lucio."

"Opo, mommy Serah", tugon ng bata sa kaniya.

Nakalipas ang ilang minuto ay nakapaghada na ng tanghalian si Sarah. Narinig nyang may mga nagsisipagbabaan  mula sa hagdanan.

"Mommy Serah! Mommy Serah!", tawag sa kaniya ng isang maliit na batang lalaki. "Look! Iris is awake!"

Iris? Pagtataka niya sa sarili. Sinong Iris?

Biglang bumungad sa harapan niya si Bamboo na may dala - dalang babaeng sangol. Nakangiti ito sa kaniya at asa likuran niya sina Isa at Lucio. Lahat sila ay nakangiti.

Lumapit si Bamboo sa kaniya hanggang asa harap na niya mismo ito.

"There's mommy!", lambing nito sa sangol na hawak niya. "Oh, there's mommy, oh! Hello mommy!", sabay halik nito sa kaniyang noo at iniabot ang sangol sa mga bisig niya. "Mommy, tamang tama, gising na si baby Iris!", Bamboo beamed. Napatingin siya sa mala - anghel na mukha ng maliit na sangol na karga - karga niya.

"Whaaaaaaaaaaaatttttttt??!!!", sigaw bigla ni Sarah na napaupo pa sa kama. Pinagpapawisan siya ng malamig. Napahawak siya sa dibdib. Ang lakas ng kabog ng puso niya. Nanlalaki parin mga mata niya. Hinihingal hingal pa siya. Nakatulog din pala siya.

It's only a dream. It's only a dream.

Iris. Yun ang magiging pangalan ng anak nila ni Bamboo?

Hinahanap - Hanap Ko SiyaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon