News spread like wildfire na nagsimula sa social media hanggang sa naibalita sa bawat news and current affairs shows sa kabi-kabilang mga tv networks. Laman ng lahat ng magazine shows pati na rin sa mga newspapers. Hanggang sa radyo ay patuloy ang pagbabalita.
Ang enggagement nila Bamboo Mañalac at Sarah Geronimo, na kapwa coaches sa napaka tanyag na franchise na The Voice of the Philippines at regulars sa longest running variety show na Asap.
Walang makapaniwala. Malaki man ang base ng kanilang fandom, mga taga-tangkilik at taga-suporta sa kanilang dalawa, ay hindi parin maipagkakaila ang gulat na reaksyon ng lahat sa nasaksihang public proposal ni Bamboo kay Sarah na ginanap nuong April 6th sa gitna ng trapiko sa Golden Gate Bridge, San Francisco.
Marami ang mga nakawitness, marami ang mga kakabayang Pinoy na taga roon ang nakakita at kumuha ng mga litrato at videos saka pinost sa mga social networking sites, gaya mg Twitter, Instagram, Facebook at Youtube. May iba pang nagsipag pahayag ng kanilang pagkagulat sa mga blogging sites tulad ng Tumblr at Wordpress. Top rated issue din sila sa Yahoo Philippines at maging sa mga search engines ay most searched issue din sila.
Hindi mahagilap ang dalawa upang kumpirmahin ang kaganapang ito. Walang nakakaalam kung nasaan sila ngayun matapos ang naganap na proposal. Wala paring nakukuhang impormasiyon sa mga panig ng kanilang mga mahal sa buhay. Tikom naman ang bibig ng mga nalalapit nilang kaibigan sa industriya na sinubukan ding hingan ng pahayag.
Matatandaang kamakailan lamang ng makipaghiwalay si Sarah sa huling naging karelasyon na si Matteo Guidicelli nitong taon lamang, matapos ang isang taong nakalipas ng umamin on national tv si Bamboo na hiwalay narin ito sa asawa.
Marami ng napagsamahang mga production numbers sina Bamboo at Sarah na siyang dahilan kung bakit namuo ang pagpe-pair sa dalawa ng kanilang mga fans. Marami ang nangarap na magkatuluyan sila dahil sa tinatawag nilang "chemistry" on stage ng dalawa. Bagay daw sila.
Ngunit ilang beses itong pinabulaanan ng kapwa sides nila Bamboo at Sarah at ni minsan ay hindi sila nagpakita ng motibo sa publiko na may naganap na panliligaw ni Bamboo kay Sarah, at kung kailan ito sinagot ng dalaga.
Kaniya laking gulat ang reaksiyon sa naging enggagement nila.
Ito nga ba ay isa lamang sa mga gimik ng kanilang mother network for a procject? Dahil di mapagkakaila na marami ang umaasang magakaroon sila ng collaboration concert. Pwede ring baka dahil sa marami silang endorsements na magkapareho ay magkakasama sila sa iisang tv commercial or print add.
Kung totoo naman na enggaged na nga ang Pop and Rock Royalties ng OPM, kailan naman ang kasal? Matutuloy kaya ito? Saan iyo ganapin? Sino-sino ang mga imbitado?
Hanggang kailan kaya tayo magaabang sa kasagutan ng mga tanong na iyan?
BINABASA MO ANG
Hinahanap - Hanap Ko Siya
FanfictionBamboo Mañalac and Sarah Geronimo's fictional love story set in an alternate reality world. No harm intended on both parties' family and friends. Written in Filipino and English. Caution on some dialogues and scenes that are not suitable for very y...
