Flashback Early 2014:
Asap day once again and wala mang prod number na magkasama sina Bamboo at Sarah, eh pareho naman silang nakasched ng appearance for the show that Sunday afternoon. Kasalukuyang nasa "summer" theme ang naturang show. Nagdaan ang buong maghapon at mangilan - ngilang performances narin ang natpos ng hindi manlang nagpapansinan ang dalawa. May iilan sa kanilang mga kasamahan sa trabaho ang nakapansin ng pagiging distant nila sa isa't isa, ngunit hindi naman ito binigyan ng ibang kahulugan, sapagkat wala namang alam ang mga ito sa kanilang personal na pinagdaraan.
Maski si Pancho na nakawitness nuong pagiyak ni Sarah sa may parking lot matapos siyang kausapin ni Bamboo nuong nagka presscon ang TVOP Kids, a week ag, ay hindi parin malinaw sa kaniya ang buong nangryari.
Matatandaang mabilis na nagayang umalis nalang bigla ang alaga at iniwan si Sarah na nakaluhod at umiiyak. Hindi naman makapaniwala si Pancho sa mga nasaksihan niya, ngunit hindi niya kase narinig ang mga pinagusapan nito.
"Pare, anu ba kase nangyari?", pagtatanong niya matapos makalayo - layo ang kanilang sasakyan. "Akala ko ba itinatama mo ang lahat sa inyo ni Sarah?"
Hindi naman kumibo si Bamboo. Napansin ni Pancho na pasinghot - singhot lang siya habang nakadungaw sa car window at nakashades. Sinulyapan niya ito at napansing namumula ang ilong nito at kagat - kagat pa ang lower lip, na para bang nagpipigil ng emosyon.
Umiiyak siya? Si Bamboo? Umiiyak? Pagtataka ni Pancho.
Ngunit ng makarating sila sa bahay ni Bamboo ay akmang tatanongin pa sana niya ito, kaso nagtungo agad si Bamboo sa kaniyang kuwarto at inilock ang pinto. Nagdadalawang isip naman si Pancho kung kakatok ba siya para sundan ito sa loob ng marinig niya mula sa labas lamang ng pinto ang paghiyaw ng malakas ni Bamboo, na para bang nagwawala sa luob. Naalarma naman si Pancho sa kaniyang narinig, subalit maya - maya lamang ay narinig na nyang humahagulgol ito ng iyak.
Nanatiling nakatayo lamang sa labas ng pintuan si Pancho ng mga ilang minuto, nang magpasiya na umuwi narin at huwag na munang pakialamanan ang alaga, kung kaya't di narin niya ito inistorbo pa.
Hanggang sa mga sandaling iyon ay humahagulgol parin si Bamboo.
A week later:
Kapansin pansin naman na parang wala nang iniinda si Bamboo ng makarating sila ni Pancho sa rehearsals niya para sa Asap sa darating na lingo.
Nanahimik nalamang si Pancho kahit pa gustong gusto na niya kulitin ang alaga, ay napagpasiyahan niyang kailangan ni Bamboo siguro ng panahon muna at hayaang kusa na magopen - up.
Matapos ang reheasals for Asap ay tinawagan siya nito nuong Biyernes ng gabi at nagayang lumabas, mag - bar at uminom... kahit sagot pa daw niya. Aba! Edi siyempre game naman si Sir P! Hahaha!
Nagtungo sila sa pinaka - malayong bar na alam nilang walang pakialam ang mga taong nagpupunta roon kung ika'y artista man o hindi.
Ang paalam ni Pancho sa asawa ay libre ni Bamboo ang gabi at sisiguraduhin lamang niyang safe ang alagang makakauwi, lol.
They wasted the night away. Nakainom silang pareho pero si Bamboo lang ang nalasing. He danced with a lot of women in the bar and to the naked eye, you might think he was enjoying himself. But Pancho knew better.
So malamang isa ito sa mga paraan ni Bamboo para makamove on kay Sarah. Dahil kahit na wala pa ring ikinukuwento ito kay Pancho, alam naman niyang hindi maganda ang lagay ng situation ng dalawa sa ngayon.
He's aware na hindi sulusyon ang paglalasing or even a one night stand para makalimot si Bamboo, but it's one step to forgetting. At least even for just a night. So hinayaan niya nalamang ang alaga na makipagflirtan at magpakalasing. He needed a break.
BINABASA MO ANG
Hinahanap - Hanap Ko Siya
FanfictionBamboo Mañalac and Sarah Geronimo's fictional love story set in an alternate reality world. No harm intended on both parties' family and friends. Written in Filipino and English. Caution on some dialogues and scenes that are not suitable for very y...