YAMH 6

47 3 0
                                    

Third Person's POV








Naglalakad ngayon si Shan kasama ang pamangkin na si Mika.

"Ate Shan, samahan mo rin ako sa faculty ng mga business Professors." Sabi ni Mika. Tumango naman si Shan.

Pumunta sila sa faculty ng mga business Professors. Pumasok si Mika at ilang segundo lang ay lumabas na siya.

"Ate Shan, nasa klase raw si Sir. Baka naman pwede samahan mo ako sa Business Building Department." Sabi ni Mika.

"Oh sige total vacant ko naman ngayon." Sabi ni Shan.

Naglakad na sila patungo sa Business Building Department.

"Alam mo ba kung saang room or floor si Sir?" Tanong ni Shan. Tumango naman su Mika.

Umakyat sila sa forth floor at tumingin tingin si Mika section. Nang makita na niya ang section ay nag excuse siya sa klase.

"Good Morning po Sir." Bati ni Mika. Lumabas ang Professor.

"Good Morning." Bati ni Shan.

"Good Morning. May I help you?" Tanong ng Professor.

"Yes Sir, Can you sign my clearance Sir." Sabi ni Mika sabay lahad ng clearance form niya.

"For transfer?" Tanong ng Professor. Tumango naman si Mika.

"Why?" Takang tanong nito.

"Siya po yung na bully ni Trixie second day ng klase Sir." Sabi ni Shan.

"I see."

"Ayaw na po kasi ng parents ko po Sir na maka encounter o ma bully ulit." Sabi ni Mika.

"Sorry to hear that. Don't worry the Dean is already do something about this Trixie's bullying."

Habang nasa hallway sina Shan at kausap ng Professor. Nasa loob naman ng classroom si Shone.

Tumingin siya sa may bintana at parang tinitignan niya ng maigi.

Tapos ng mag usap at mag sign ang Professor sa clearance ni Mika. Pumasok na ang Professor at naglakad na sina Shan. Nakatingin lang si Shone ng maigi. Napangiti naman siya ng makita niya si Shan na lumampas sa may pinto.

"Siya nga." Sambit ni Shone sa sarili niya. Continue naman sila sa klase nila.








----








"Ate" tawag ni Mika kay Shan.

"Oh Mika."

"Ate wala na akong klase. Uuwi na ako. Salamat pala pagsama kanina."

Ngumiti si Shan. "Wala yun. May pamasahe kaba?" Tanong ni Shan. Tumango naman si Mika. Nagpaalam na ito kay Shan.












-----












Shone's POV











"Bro, sasabay kaba sa akin?" Tanong ni Chen sa akin. Nakapark ang kotse niya dito sa labas ng University. Hinihintay pa namin si Lou.

"Hazel, paano na ito. Uuwi na ako."

"Hala paano yan di pa bumabalik yung si ate?"

"Eh hinahanap na ako ni Mommy."

"Makisuyo nalang tayu sa iba."

"Sige sige" yan ang naririnig ko.

Nakasandal lang ako sa labas ng kotse at may isang headset na nakasuksok sa kaliwang tenga ko. Nang may kumalabit sa akin.

"Hi po Kuyang guwapo. Pwede makisuyo?" Tanong ng mga highschool student. Tingin ko sa uniform nila. Students sila ng Lex Academy – pag aari parin nila Captain pero nasa kabilang kanto ito naka locate.

"What is it?" Tanong ko at inilagay na ang headsit ko sa bulsa.

"Ah kuyang guwapo. Pwede makisuyo. Pag may makita kang ate na maganda,  matangkad, sobrang puti at naka ponytail siya. Ikaw nalang magbigay sa kanya nito oh. Hinahanap na kasi ako ng mommy ko eh di pa siya bumabalik." Sabi niya habang nakahawak sa box na may cake sa loob.

"Asan ba iyong ate na sinasabi niyo?" Tanong ko.

"Nag C.R po doon oh" sabi niya sabay turo sa di kalayuan. "Eh di naman namin ito pwede dalhin dahil project niya ito at ngayon ang submission nito. Pwede po ba kuya?"

"HRM student ba siya?" Tanong ko. Tumango naman silang dalawa.

"Akin na, ako nalang bahala dito. Uwi na kayo hapon na"

"Salamat kuyang gwapong" tumango lang ako. Kinalabit ko si Chen.

"Bro, wait for me. I'll be quick" sabi ko. Tumango naman siya.

Naglakad na ako ulit papasok sa University. Patungo ako sa building ng HRM. Paano ko nga pala ito ipapasa di ko naman alam kung asang room at sino ang Professor na papasahan. 

"Excuse me?" Tanong ko sa lalaki na nakaupo sa bench sa hallway.

"Idol Shone, bakit po?" Sabi niya. Ibang mga lalaki dito sa University, Idol ang tawag nila sa aming mga Lions.

"Are you an HRM student?" Tumango naman siya. " Sinong Professor ba ang nagpaproject ng cake?"

"Ah sa baking subject iyan Idol sa mga third year. Si Mrs. Lee, nasa 2nd floor siya sa pastry laboratory." Sabi niya.

"Pagkaakyat mo sa hagdan nasa left side lang ito." Sabay turo niya sa direksyon.

"Thanks" at nilampasan ko na siya.

"Your welcome Idol" rinig kong sabi niya.

Habang paakyat ako ng hagdan nagpapacute naman ang mga ibang babae at ang iba ay kinikilig.

"Nako mabuti tinanggap pa ni Mrs. Lee."

"Oo nga muntikan na tayong malate."

"Oo nga di pa naman tumatanggap iyon ng late." Sabi ng mga babaeng nakasalubong ko.

"dahil project niya ito at ngayong ang submission." sabi ng mga highscho student kanina.

Tinignan ko ang wrist watch ko. It's 4 pm already. I knock the door once at binuksan ko na ito.

"Mr. Arellano? What brought you here?" Takang tanong niya.

"I have this cake to be submitted." Sabi ko sabay pakita ang dala ko.

"Sorry Mr. Arellano but I don't accept late."

"Are you like that? Doesn't accept late. It is better to be late than never. And also, do you want me to fire you?" Masungit kong tono. Nanlaki naman ang mata niya.

"N-no Mr. Arellano. Kanino po ba iyang cake?" Nauutal niyang tanong.

"It's from--" tinignan ko ang box ng cake ng makita ko ang nakasulat. "It's from Shandie Quintos." Sabi ko at palihim na napangiti.

"She is my girlfriend. So, don't make me fire you Mrs. Lee" seryosong sabi ko.

"Ye-yes Mr. A-arellano" kinuha niya ang cake kaya lumabas na ako. May nakasalubong pa akong babae na papasok lang din.

Paglabas ko ng University. Naabutan ko pa si Chen at Lou na hinihintay ako.

"Saan ka galing bro?" Tanong ni Lou.

"May ginawa lang bro" simpleng sagot ko. Tumango naman sila at sumakay na sa kotse. Pasakay na ako ng makarinig ako ng nagsalita.

"Hoy, Shan bat umiiyak ka?" Boses ng isang lalaki.

Lilingunin ko sana kaso nagmamadali ang dalawa.

"Huhuhu, di ko na submit yung project kong cake huhuhu bagsak ako nito." Yan ang narinig ko hanggang sa tuluyan na akong makasakay. Binalewala ko nalang ang narinig ko.

"Bat nakangiti ka Arellano?" Tanong ni Lou. Umiling lang ako.

You Are My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon