Shone's POV
Kakarating ko lang sa University. Vacant ko ngayong umaga at mamayang hapon pa ang practice namin.
Naalala ko naman ang nangyari nung isang linggo.
Naglakad ako patungo sa HRM Building Department ng mapatingin ako sa nagsalita.
"Tingin mo Shan. Sino ang nagsubmit nung cake mo?"
Nakatingin lang ako sa dalawang babae na nakaupo sa bench sa tapat ng HRM building. Ang isa ay nakatayo nasa harap niya ang isa pang babae na hindi ko nakikita kung sino.
"Ewan, tinanung ko si Mrs. Lee. Ang sinabi lang niya wag nalang raw ako magtanong ang mahalaga ay nakasubmit ako." Napangiti naman ako ng umupo na ang isang babae. Nakita ko siya na nakaupo.
"Alam mo Shandie. Impossible naman kasi kung ang mga high school student na iyon ang nagsubmit." Sabi ng isa. Tumango naman siya. Ang ganda talaga niya.
"Basta kung sino man siya. Nagpapasalamat talaga ako sa kanya kasi makakapasa talaga ako sa semester na ito." Nagkangitian sila sa babaeng kasama niya.
"Tara pasok na tayo." Sabi niya. Tumayo na sila at pasimple naman akong tumalikod. Napansin ko na nakalampas na sila sa akin. Tumingin ako sa kanya na naglalakad paakyat ng hagdan.
"Your welcome." Sabi ko na nakangiti. Para akong timang rito. Naglakad na ako patungo sa Business Building. May klase rin pa pala ako.
-------
Fastforward.
Championship na ngayon at ito ako nagjojogging muna ako rito sa may field. Hindi pa naman nagsisimula ang game.
Jogging lang ako ng jogging ng makita ko siyang nakatayo sa may sports faculty.
Nag jogging ako patungo roon at nagkunwari na huminto para mag exercise. Kahit naman ang totoo para lang masulyap-sulyapan ko siya.
Nakadress siya ngayon at may suot rin siyang jacket.
"Ang ganda talaga niya." Sambit ko sa utak ko. Ngayon ko lang din siya nakita ulit. Kasi naman halos everyday at whole day pa kaming nagpa-practice.
"Shan tara na para makahanap pa tayo ng mauupuan." Sabi ng babae na kakalabas lang galing sa loob ng sports faculty.
"Sige"
"Yiehh! Excited na ako sa game."
"Ako rin. Goodluck sa team Lex." Nakangiting sabi niya. Napatingin ako sa kanya ng makalayo na sila.
"Thank you " sabi ko at tumakbo na ng mabilis.
Pagkatapos kung tumakbo ay pumunta na ako sa locker room.
"Bihis na Arellano." Sabi sa akin ni Lou.
"Oo nag warm up lang ako saglit." Sabi ko at hinubad na ang sweat shirt ko. Nagbihis na ako ng jersey ko at sinuot na rin ang Lions Jacket tsaka ang jogging pants ng Lions.
Nag goodluck si Coach sa amin at nagkulitan muna ang mga Lions tsaka na kami pumunta sa gym.
Nagsisimula na ang game. Hinahanap ko siya.
"Kanina ka pa may tinitignan sa paligid." Sabi ni Anderson.
"Hinahanap ko siya." Sabi ko.
"Eh ang daming tao eh."
"Kahit na" sabi ko. Patuloy lang ako sa pagtitingin-tingin sa paligid.
-----
Shan's POV
"Shan ayun pumasok na siya." Sabi ni Martha sa akin.
"Martha nakita ko ang ingay mo."
"Hahahha sorry naman." Nakangiting sabi niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Naglalaro na siya.
"Oy baka matunaw hahahhahah." Sabi ni Martha.
"Alam mo ikaw mabuti at maingay rito kung hindi baka narinig na nila ang mga sinasabi mo." Sabi ko.
"Gusto mo pati name niya eh mention ko?"
"Martha naman eh " tumawa siya.
"Hindi na hahahhaha joke lang. Ayun nakapoints siya." Napatingin ako sa kanya ng mag apir sila sa mga ka team niya. Nakangiti siya kaya napangiti na rin ako.
---
Shone's POV
Tumatakbo ako habang tumingin-tingin sa crowd.
"Asan kana?" Tanong ko ng mahina lang.
"Arellano." Tawag ni Chua. Tumango ako at sinalo ang bola. Nagdri-drible ako at tinutulungan naman ako nina Chua na malinlang ang kalaban.
Huminto ako at parang eh sho-shoot pero nag fake ako at tumakbo pa palayo sa may ring. Tumingin-tingin ako ulit sa crowd habang nagdri-drible hanggang sa makita ko siya.
Nagkatinginan kami sa mata. Ngumiti naman ako at huminto tsaka tumalon.
"3 points!!!!!" Announce ng mc.
"Yeahhh!" Sigaw ko. Naghiyawan ang crowd.
"Nice Arellano." Sabi ng Lions at tinapik ako. Tinignan ko siya. Nagkatinginan ulit kami at umiwas na ako ng tingin at ngumiti.
Tumingin ako kay Anderson. Sumenyas ako na kung saan siya nakapuwesto. Nagets naman ito ni Anderson at ngumiti.
"Iba talaga pag may inspiration ano." Sabay lapit ni Anderson sa akin. Ngumiti lang ako at tumakbo na at pumosisyon.
----
Shan's POV
Tapos na ang game. Ito kami ngayon ni Martha naglalakad na palabas ng University.
"Masaya kana?" Tanong ni Martha sa akin. Ngumiti ako.
"Aysos! Nagkatinginan kayo eh. Ayiehhh!"
"Pero ako ba yung tinignan niya?" Tanong ko. Inakbayan ako ni Martha.
"Sure ako. Ikaw ang tinignan niya. Kahit ang daming tao sa paligid natin. Ikaw lang ang tinignan niya."
"Hahaha ewan ko sa iyo Martha." Ngumiti ako tapos napayuko namanako.
"Oy napaano ka?" Tanong niya sa akin. Huminto kami sa paglalakad.
"Nalulungkot lang ako kasi ga-graduate na siya. Tapos ako maiiwan. Di ko na siya makikita at di ko na rin siya makikitang maglaro." Malungkot na sabi ko.
"Ipagdasal nalang natin na sana magkita kayo ulit after graduation." Positive na sabi ni Martha. Ngumiti naman ako at tumango.
"Hopefully."
"Anong hopefully? No magkikita kayo." Insist niya. Tumawa naman ako ng mahina.
"Oo na, mami-miss kita." Sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Oy Shan naman ang engot nito." Siya naman ang lumungkot. Napangiti ako.
"Sasama ako sa paghatid promise." Sabi ko. Yumakap siya sa akin.
"Dapat lang kasi kung hindi. Naku di na ako babalik talaga." Sabi niya. Ngumiti naman ako.
"Promise yan." Sabi ko. Naglakad na kami ulit hanggang sa sakayan ng jeep.