Shone's POV:
Weekend ngayon. Walang pasok at walang basketball practice. Ano naman ang gagawin ko? Bumangon na ako sa kama ko at bumaba. Pagkababa ko ay pumunta ako sa kusina.
"Good morning Sir. Nakaluto na ho ako. Kain na ho kayo." Sabi ni Manang. Tumango ako lang ako sa kanya at umupo na sa dining. Ito ako nakatunganga na nakaharap sa lamesa. Ilang saglit ay andito na rin si Mom. Nakabihis siyang pang office. Aalis na naman ito.
"Good morning mom." Bati ko sa kanya. Umupo na siya sa right side ko.
"Good morning Son, ba't ganyan ang mukha mo?" Tanong ni Mom sa akin. Nilalagay naman ng mga maid at ni manang ang mga pagkain.
"Wala akong magawa eh." Bored kong sabi. Pinaglalagyan na ako ni Mom ng pagkain sa pinggan ko. Yes, so sweet of her.
"Gumala ka kasama ang mga kaibigan mo. " Sabi ni Mom sa akin ng maglagay rin siya ng pagkain sa pinggan niya.
"Mom naman eh.wala na nga akong ibang ginawa kundi gumala." Reklamo ko. Ngumiti naman si Mom sa akin. Panigurado, sanay na siya na lagi ganito ang sinasabi ko sa kanya pero totoo naman eh. Gala lang ako ng gala and hangout ng mga Lions. "Mom bakit hindi nalang kaya ako sumama sa inyo sa company, ngayon." Sabi ko. Napatingin na naman si Mom sa akin.
"Anong gagawin mo roon?" Takang tanong niya sa akin.
"Syempre, tutulong and turuan mo na rin ako sa mga dapat at hindi para sa company." Sabi ko. Total, ako rin naman ang magiging CEO, someday.
"Son, wag na muna iyan ang isipin mo sa ngayon." Sabi ni Mom. Kahit kailan talaga ito si Mom oo, 'di ako pinapatrabaho.
"Mom, isang semester nalang ay gagraduate na ako. Kaya dapat nagtre-train na ako ngayon sa company natin." Sabi ko. Ningitian lang ako ni Mom bilang sagot niya.
Bumuntong hininga ako. "Mom, please" pakiusap ko.
"Soon" iyan lang ang sabi niya. Anong soon? Soon pa, hays.
"Mom naman, lagi ka nalang pagod. Tulungan na kasi kita eh " sabi ko. Ayaw na ayaw kasi niyang tutulungan ko siya. Lagi niyang sinasabi sa akin na soon nalang raw. "Mom" matigas rin ulo nitong ina ko na ito.
Umiling siya. "Ngayon na sem ay magpaka enjoy ka muna. Gumala ka, hangout sa mga friends mo and focus on studies."
"But Mom---"
"Promise, sa second sem. E tre-train na kita sa company. Kaya sa hindi ka pa nagtre-train, sa ngayon. Enjoy ka muna dahil pag on-train kana sa company. Baka konting time nalang ang maibigay mo sa mga ibang gagawin mo." Sabi niya. Lagi naman 'yan ang sinasabi sa akin ni Mom eh. Na kailangan enjoy muna ako ngayon dahil pag on-train na ako ay mabubusy na ako dahil kailangan ko na magfocus sa company.
"Okay mom, pero please pag kailangan mo ng tulong. Feel free to ask me, okay." Sabi ko. Hinaplos naman ni Mom ang kabilang pisingi ko at ngumiti siya.
"Sure Son, thank you." Sabi niya. Tumango lang ako at kumain na.
Nagmamadali pa si Mom na tapusin ang kinakain niya dahil kailangan na raw siya sa company. Kaya ito ako tunganga ulit. Pagkatapos kung kumain. Pumunta ako sa sala at doon umupo at tunganga na naman ulit. Ano bang kailangang gawin?
"Yow, what's with the face Arellano?" Napalingon ako sa tatlong itlog na andito sa loob ng pamamahay ko.
"Tsk, anong ginagawa niyong tatlo rito?" Tanong ko. Umupo sila sa sofa na para bang feel na feel at home sila.
"Hehhehe may pagkain kayo bro? Gutom ako eh." Sabi ni Hilton. Sabi ko na nga ba eh. Kung hindi magyayaya ng inuman or magtambay sa Lions bar. Pupunta rito 'yan para makikikain.