YAMH 1

167 8 2
                                    

Shan's POV:







Hi, everyone. I'm Shandie Quintos. Lahat ng pamilya ko. Ang denidescribe nila sa akin ay pusong mamon. Paano ba naman, ang dali ko lang kasi paamuhin eh. Ang dali kong maawa. Di kami mayaman, di rin kami mahirap, average lang. Si papa ko nasa military siya dati pero nagretire na siya nung muntikan na siyang mamatay nung nabaril siya sa may puso. Si mama ko naman isa siyang nurse na nasa canada ngayon. Tatlo kaming magkakapatid. Ako lang ang babae at ang dalawang panganay kong kapatid ay puro lalaki. Sina Kuya Deil, may asawa na at may dalawang anak. Si Kuya Ron naman ay bagong kinasal lang. Ako nalang ang nag aaral ngayon.

"Shandieeeee ano pa ba ang ginagawa mo diyan sa kuwarto mo? Wala ka bang pasok ngayon?" Sigaw ni Kuya Deil, andito muna sila sa bahay nakatira habang naghahanap pa sila ng malilipatan. Speaking of, ano pa nga ba ang ginagawa ko may pasok pa ako ngayon ng alas otso.

"Nako naman" madali na akong bumangon sa kama at kinuha ang tuwalya at lumabas ng kuwarto ko at pumunta sa banyo. Pagpihit ko ng doorknob nakalock ito.

"Sino ang nasa loob?" Tanong ko habang kumakatok. Isang banyo lang kasi ang meron.

"Umuuo ako Auntie Shan."  Sigaw ni Andrea sa loob ng banyo. Bunsong anak ni Kuya Deil, 4 years old na siya.

"Bilisan mo baby maliligo pa si Auntie mo malalate na ako nito." Sigaw ko habang kumakatok. Napatigil ako ng may sumapok sa ulo ko.

"Aray" paglingon ko si Kuya pala. "Bat ba nanapok ka kuya?". Mahina lang naman wag kayong O.A

"Yan, ano ba kasi ang ginagawa mo sa kuwarto mo ha at nakalimutan mo na may klase ka pa." Sabi niya habang sinusuklay ang buhok ni Dylan. Panganay niya.

"Yan kasi Auntie nagpupuyat ka siguro kaya ka nagigising ng sobrang maaga." Sarkastikong sabi niya.

"Manahimik ka Dylan ha para kang matanda magsalita." Sabi ko. 7 years old na siya pero kung magsalita parang 15 lang.

Kumatok ako ulit. "Baby Andrea. Di ka paba tapos? Malalate na si Auntie sa school."

"Taposh na po Auntie. Babanwan na po." Nabubulol na sabi niya.

"Baby buksan mo nalang ito ang pinto. Si Auntie na magbabanlaw sa iyo." Sabi ko. Binuksan naman niya ang pinto.  Pumasok ako sa banya at binanlawan siya at ako na rin ang nagflash ng itinae niya (pasintabi po)

"Auntie shakit tummy baby." Sumbong niya habang nakahawak sa tiyan niya.

"Go ka kay mama mo ha. Maliligo muna si Auntie." Tumango naman siya at tumakbo na patungo sa mama niya.

"Mama" sigaw niya. Sinarado ko na ang pinto at nagsimula ng maligo. Pagkatapos kong maligo, pumunta na ako sa kuwarto ko at nagbihis. Pagbaba na ako ng...

"Hala kuya saan na ang bag ko? Nawawala ang bag ko." Sigaw ko.

"Ano ka ba ba't ba sumisigaw ka?" Sigaw rin ni Kuya. Lumabas ako ng kuwarto na habang nagsusuklay ng buhok.

"Ito ba bag mo Auntie?" Nakangising sabi ni Dylan na hawak ang bag ko. Naglakad ako patungo sa dining table.

"Ano na naman ang kinuha mo sa bag ko aber?" Lagi kasi yan nangunguha ng singko pesos sa pikata ko eh.

"Hehheh, wala naman akong nakuha eh. Inilagay ko na pala ang baong pagkain mo auntie." Kahit naman ganyan yan ang sweet rin ng pamangkin kong ito.

"Hmmm.. talaga. Good boy talaga si Kuya Dylan ha." Sabi ko. Ngumiti naman siya.

"Oh ito na ang sapatos niyo." Sabi ni Ate Tery, asawa ni Kuya Deil. Mabait yan at maalaga sa amin. Sinuotan niya si Dylan ng sapatos.

"Shan ito sapatos mo. Nilagyan ko yan ng pampakinang." Sabi ni Ate.

You Are My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon