YAMH 9

54 3 1
                                    

After two years












Star Cruise Ship







Shan's POV









Nakatingin ako sa magazine kung saan may picture ni Shone. Isa na siyang CEO at nagmamay-ari ng isang sikat na cruise ship sa bansa. Especially internationally ang Star Cruise Ship.

"Anak! Shandie may pasok ka pa" tawag ni Papa sa akin. Kakagraduate ko lang last year.

Bumaba na ako. Nakabihis narin. Umupo ako at kumain na.

"Ikaw talaga baka malate ka sa unang trabaho mo." Sabi ni Papa.

May isang sikat na restuarant ako kung saan ako nag OJT. Doon ako nag apply at natanggap naman ako bilang isang assistant ng Chef.

"Pasensya na Pa."

"Kumain na diyan at nakapagtawag na ako ng taxi." Sabi ni Papa. Kami nalang dalawa ni Papa ngayon sa balay. Last year lang nakakita na ng bahay sina Kuya at Ate kasama ng dalawang pamangkin ko.

Di na ako mahahatid at masusundo ni Papa kasi may bakery shop kami at si Papa ang nagbantay roon.

"Basta mag iingat ka ha." Sabi ni Papa. Ngumiti ako.

"Malaki na ako Pa."

"Basta mag iingat ka pa rin." Tumango na ako. Pagkatapos kung kumain at nagpaalam na ako kay Papa.

Kakarating lang din ng taxi na tinawagan ni Papa. Sumakay na ako at pumunta na sa trabaho.


Sunshine Restaurant




Bumaba na ako sa taxi at nagbayad. Pumasok ako sa loob at nakita si Miss Tina.

"Good morning po Miss." Bati ko.

"Oh andito kana. Ikaw si Shandie Quintos?" Tanong niya. Siya ang Manager rito sa restaurant.

"Opo" ngumiti siya.

"Ito ang susi sa locker mo at alam mo ba na maaga ka pang dumating kaysa sa Chef natin hahhahah." Napangiti naman ako. Mabait siya at sobrang friendly.

Pumunta na ako sa locker room at inilagay ko na roon ang bag ko. Nakapagbihis narin ako ng aking uniform at nag apron. Pumunta na ako sa kusina at maya maya lang ay dumating na ang Chef.

Mabait rin naman ang Chef kaso nga lang ang daming utos heheh but kayang kaya naman. Nagprepare na kami sa mga ingredients.


Hanggang gabi ang duty ko at mga 8 pm ay tsaka pa ang out ko. Sikat ito na restauarany at sobrang busy nito lalo na pag gabi.

8 pm na nagpaalam na ako sa Chef at kay Miss Tina. Naglalakad ako at napapatingin sa billboard na may picture niya.

"May asawa kana siguro." sabi ko ng mahina lang naman.

Huling kita ko sa kanya at nung graduation nila. Pumunta ako at may picture pa nga ako non nung umakyat siya sa stage.

Since non hindi ko na siya nakita. Ito lang ang nakikita ko. Picture niya na nasa billboard kundi nasa mga magazine.

Pumara na ako ng taxi. Nang makauwi na ako ay nadatnan ko naman si Papa na kakasara lang niya ng bakery.

"Pa" sabay mano kay Papa at humalik sa cheeks niya.

"Pumasok kana sa loob. Nakahanda na ang hapunan." Sabi niya.

Ang bakery shop namin ay katabi lang ng bahay namin. Di pa yan kumakain si Papa ng hapunan dahil hinihintay niya ako na para sabay kami. Magsasara lang din yan ang bakery namin pag dating ko.

Pumasok na ako sa loob. Nilagay ko ang bag ko sa upuan. Kumuha ang ng pinggan at kutsara. Kinuha ko ang takip ng ulam at kumuha narin ako ng kain.

Pumasok na si Papa at kumain na kami. Pagkatapos namin ay ako na ang maghuhugas konti lang naman. Ni lock na ni Papa ang pinto at pumunta na sa kuwarto.

Pumunta na rin ako sa kuwarto ko at nagbihis pambahay. Humiga ako sa kama at napatingin ako sa picture ni Shone na nasa magazine.

"Goodnight." Sabi ko at nagkumot na. Tsaka pumikit na ako.

You Are My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon