Shone's POV
Kakatapos lang ng grand opening ng Star Cruise Ship Philippines. On-boarding na ang mga tao sa Cruise at sobrang busy. I'm with my Mom and other friends ni Mom sa business.
"Mom, I would like you to meet our Cruise Chef and our Sous Chef." sabi ko. Nagtungo kami sa kitchen. Una kung pinakilala ay ang Head Chef and Second Chef then I look at her.
"Mom." nagtungo kami sa station niya.
"Have a section" sabi ko. Napatingin siya sa akin at huminto sa ginagawa niya.
"Hi Mr. Arellano." bati niya sa akin.
"Mom, this is one of our top Sous Chef. Miss Quintos meet the one and only Queen of A Cruise." pakilala ko sa kanilang dalawa.
"Glad to meet you Ma'am." nakangiting sabi niya kay Mom.
"You too Chef Quintos and goodluck on your first day." sabi ni Mom sa kanya. Ngumiti si Mom sa kanya tsaka na kami nagtungo sa ibang staff.
Sumulyap ako sa kanya at ayun binalikan na niya ang ginagawa niya kanina.
"Yan ba?" napatingin ako sa bumulong sa akin. Si Marco pala.
"Nakarating ka"
"Well, partner tayo diba at nangamusta lang ako sa mga tauhan ko na ni-recruit mo." sabi niya sa akin. Sumulyap ako sa kanya ulit tsaka na kami tuluyang lumabas sa kitchen.
"Tita" bati ni Marco kay Mom sabay yakap.
"Jude, asan ang mga Lions?" tanong ni Mom.
"For sure andito lang din yung mga iyon. Di lang nagpapakita sa daming tao. Congrats po."
"Thank you Hijo but this is Shone's hard work." sabay kiss ni Mom sa pisngi ko.
"I will greet everyone, excuse me boys." pumunta na si Mom sa mga tao. Kami naman ni Marco ay pumunta kami sa upper deck kung saang walang tao.
"Ayun na nga, so siya yun?" tanong niya ulit niya sa akin. Ngumiti ako.
"Aysus ngumiti ka eh. Okey, I got the answer." sabi niya. May tumawag sa kanya.
"Gago, asan ka? Talaga, oh asan na kayo? Andito kami sa upper deck. Ge na punta na kayo rito. Magtatampo na si Arellano sa inyu. Bye" Tumingin si Marco sa akin.
"Si Hilton kasama ang mga gago." Sabi niya. Naghintay lang kami ng ilang sandali at ito na ang mga Lions.
"Congrats Arellano." bati ni Stanford sa akin. Nag brother hug kami.
"Arellano, success ha." sabi ni Samson. Nag brother hug kami ng mga Lions.
"Congrats Kuya Shone." napatingin ako kay Xandro. Nakasunod sa kanya si Scherzinger.
"Thank you Xandro." sabay fist bump sa kanya.
"Congrats Pre." nag brother hug kami ni Scherzinger.
"You go to Mom and Dad." sabi niya kay Xandro. Tumango ito at bumaba na.
"Are you happy Pre?" tanong ni Lawrence sa akin.
"Happy naman di lang 100% kasi di kompleto ang Lions. Pero tumawag na si Hawkins sa akin, si Lou naman nag text, si Chua naman tumawag lang din di raw siya makakarating." sabi ko. Napatingin kami kay Hilton.
"Oh, nakatingin kayo sa akin. Busy yun." sabi ni Hilton. "Teka nga lang, wag sa akin ibaling ang storya. Matanong nga sa inyu. Wala pa rin ba kayong communicate kay Captain?" Tanong niya at lahat kami napailing.
"We are very worried kay Insan pero andito tayu para mag celebrate sa first Star Cruise Ship Philippines and Arellano's success." sabi ni Scherzinger. Tumango naman kami.
"Oo pala Lions, alam niyo bang nagbibinata na si Arellano." biglang sabi ni Marco. Napatingin ang mga Lions sa akin.
"In love ka Pre?" tanong ni Chen.
"Kailan?" tanong ni Stanford.
"May alam ako." sabi ni Anderson sabay taas ng kamay niya.
"Ang alam ko nung college tayo may crush yang si Arellano eh, diba Pre? Di mo nga lang maamin." sabi ni Anderson.
"Bakit di namin yan alam?" tanong ni Lawrence.
"Pano eh bakit tuwing nag uusap tayo ng mga girls. May shine-share ba to." sabi ni Marco.
"Meron noh. Bukang bibig nito ay Shidley diba?" sabi ni Anderson. Napailing naman ako at napatingin ang mga Lions kay Lawrence.
"Concern lang siya kay Shidley pero wala namang gusto si Arellano sa kanya." sabi naman ni Chen at binatukan si Anderson.
"Okey, okey, ito nalang. Change topic na. Hint, andito ang girl na gusto ni Arellano." sabi ni Marco. Napainom naman ako bigla.
"Asan?" sabay tanong ng mga Lions at tumingin tingin sa paligid.
"Wala diyaan. Nasa Kitchen. Sous Chef kasi siya." sabi ni Marco. Inakbayan naman ako ni Hilton.
"Aba lupit mo rin Pre. Namomonitor mo siya kasi empleyado mo." sabi niya.
"Di lang, mapapalapit ka sa kanya." sabi ni rin Samson. Umiling ako at ito na naman si Marco. Kinuwento sa Lions ang storya.
"Pre, walang masama doon." sabi ni Samson.
"Oo nga tsaka isa pa. Masama bang magkagusto kahit empleyado mo." - Anderson.
"Teka, she is the one who you give an opportunity sa New York, right? Cycy mention it to me." tanong ni Chen. Tumango ako.
"And walang masama diyaan Pre. Di mo naman alam na siya pala yung babaeng gusto mo na ni-recommend ni Cycy." - Chen.
"Chen's right." sabay sabi ng mga Lions.
"Pre kahit naman empleyado mo siya. Kung gusto mo siya, gusto mo siya eh." - Lawrence.
"Agree and tsaka as I said. Since college ka pa naman nagka gusto sa kanya eh and you didn't know nga sa laki ng mundo. Siya yung empleyado ni Cycy na ni recommend niya at bibigyan mo ng opportunity." - Marco.
"Arellano Pre, I understand how you feel and your worried if you open up yourself to her and tell her that you like her. Worried ka sa sasabihin ng mga tao and I'm sure siya ang inaalala mo. I experience that kay Mien. She is my employee in D'1 and yes. Advantage mo, nakakasama mo, nakikita mo and nasu-sure mo na ayos siya. Disadvantage, yan nga ang sasabihin ng mga tao, amg comment nito. Pero why naman di pwede or masama. May batas ba na ang amo bawal makagusto sa empleyado niya? Wala naman diba? Tsaka yang mga sasabihin ng tao. Lilipas rin yan eh and pagtapos ng mga comment nila. Tatahimik na yan at ikaw at siya wala go on lang. Maaapektuhan kayo pareho pero if you trust your feelings. Wala lang yan. Trust me Arellano." sabi ni Stanford sa akin. Tumingin ako lay Scherzinger.
"Stanford got a point. Your feelings that only matter." sabi ni Scherzinger. Ngumiti ako at bumungtong hininga.
"Glad you're here mga Pre." sabay taas ng wine glass ko at nag cheers kami.