Shan's POV
Naayos ko na ang lahat ng requirements ko. Nakita ko ang company card na binigay niya sa akin. I grab it at nag dial.
"This is A Cruise Ship. How may I help you?" boses ng isang babae.
"Hi, This is Shandie Quintos. Mr. Arellano said that I call this number if I'm done preparing all my requirements for the Culinary School."
"Yes, Hello Miss Quintos. I'm Debby. Mr. Arellano already inform me and assign me to assist you. If you have any questions Miss Quintos. Just feel free to call me."
"Thank you Debby. May I just ask if what will I have to wear?"
"You need to wear and also bring winter clothes Miss Quintos because it is a Winter season in New York."
"That is the problem. I don't have a winter clothes."
"It's not a problem Miss. I will take a shop for you. Just give me your body size and your shoes size, please."
"Ah okey."
Pagkatapos kung tumawag ay napailing naman ako.
"Grabe." reaction ko. Habang wala pa ang date ng flight ko ay nagtatrabaho parin ako. Pero before ako umalis ay may three days akoang free time para sa family ko.
---
At the Airport
Hinatid ako ng dalawang Kuya ko kasama ang asawa nila. Kasama rin ang dalawang pamangkin ko at si Mama at Papa.
"Oh mag iingat ka doon ha." sabi ni Ate asawa ni Kuya Deil.
"Shan, wag iwan na hindi nakalock ang pinto at bintana mo. Lalabas ka man o hindi." bilin ni Ate asawa ng isang Kuya ko.
"Opo mga Ate." yumakap ako sa kanilang dalawa.
"Auntie Shan, video call tayu ah." sabi ni Dylan.
"Oo naman Kuya."
"Auntie pakita mo ang snow sa akin ha." sabi ni Andrea. Natawa naman kami.
"Oo naman baby." yumakap ang dalawa sa akin.
"Oh wag munang mag boboyfriend ha." sabi ni Kuya Deil.
"Wag sasama sa lalaki. Lalo na sa foreigner." sabi ng isang Kuya ko.
"Opo mga Kuya." yumakap sila sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Ma, Pa."
"Noon ako ang hinatid niyo ito. Ngayon ang baby ko na." sabi ni Mama. Ngumiti ako.
"Tatawag ka ha. Tsaka mag iingat ka roon. Wag kang magpapabaya sa pagkain at sa pahinga." bilin ni Mama.
"Mag dasal at mag enjoy ka lang doon ha." sabi ni Papa. Niyakap nila ako at humalik ako sa kanila at hinalikan rin nila ako. Tinawag na ang flight ko.
"Alis na ako." nag last yakapan pa kami at nag boarding na ako. Naglalakad na ako ngayon patungo sa gate ko at nakikita ko na ang eroplano na sasakyan ko.
----
New York
Nag landing na ang eroplano at naglalakad ako patungo sa kuhanan ng mga maleta. Nang makuha ko na ang maleta ko ay lumabas na ako at may nakita akong lalaki na may hawak na papel na may nakasulat na pangalan ko. Lumapit ako sa kanya.