Shan's POV
Nagbihis ako ng Sous Chef uniform ko pero sa pa ako pumunta sa kusina. Pumunta muna ako sa office ni Miss Cy. Sana andito siya. Kumatok ako pero walang sumagot at pagpihit ko sa doornob nakalock. Nakita ko si Miss Tina.
"Miss Tina si Miss Cy po ba---."
"Nasa Chen-licious Restaurant siya."
"Hindi po ba siya pupunta rito?"
"Mukha hindi kasi busy siya mag prepare para sa event doon."
"Ah sige po."
Nagtrabaho na ako at makalipas ang oras ay uwian na. Tumingin ako sa relo ko. Baka naman bukas pa ang Chen-licious Restaurant. Sumakay ako ng taxi at nagpahatid doon pero pagpunta ko ay pasara na sila. Lumapit ako sa isang lalaki.
"Excuse me."
"Yes?"
"Sir Mico ikaw pala." ngumiti siya sa akin.
"Your name is Andie right?" ngumiti ako. Yan kasi ang tawag ni Miss Cy sa akin.
"Si Miss Cy andiyan ba?"
"Naku, kakaalis lang."
"Ganun ba." nadismaya naman ako.
"Bukas nalang puntahan mo siya rito mga 4pm."
"Eh nagpaalam na ako kanina kay Miss Tina na aabsent ako bukas."
"Ganun ba. Importante ba ang sasabihin mo kay Miss Cy?"
"Oo eh at sabi ni Miss Tina busy raw si Miss Cy para sa event rito. Eh baka hindi ko siya makausap."
"Tungkol ba ito sa Cruise Ship job opportunity ni Sir Shone?"
"Ah oo yan." ngumiti siya.
"Wow! Nice so kukunin mo?" Tumango siya.
"Great and mabuti pa puntahan mo lang si Sir Shone mismo."
"Ha?"
"Oo siya naman ang nag offer eh. So siya nalang ang puntahan mo. Wala naman siyang company rito pero may lugar kung saan siya."
"Saan?"
"Sa Lions Bar."
"B-bar?" tumango si Sir Mico.
"Sarado ko lang to at ihahatid kita roon." sabi niya at nilock na ang glass door ng Chen-licious at naglakad na kami patungo sa kotse niya.
Pagkarating namin roon. Nasa labas palang ako pero namangha na ako sa structure ng bar. Sobrang ganda at elegante. Bar ng pangmayaman.
"Pagpasok mo may mga waiter kang makikita o di kayay bartender. Kahit kanino diyan pwede mong tanungin. Pero mas mabuti kung tatanungin mo kung asan si Jude Marco."
"Jude Marco?"
"Owner ng Lions Bar at kaibigan ni Sir Shone."
"Sige, thank you Sir." tumango naman siya at naglakad na ako papasok sa loob ng Lions bar.
"Wow!" yan ang reaction ko ng makapasok ako. Pumunta ako kung saan ang may bartender.
"Good evening Ma'am. What drinks you like?" tanong niya nag malakas kasi may music.
"I'm looking for Jude Marco."
"Si Boss?"
"Oo, kaibigan raw siya ni Mr. Shone Arellano. May business kasi ako kay Mr. Arellano and ang sabi andito raw siya?" tanong ko.
"Wait lang Ma'am." sabi niya at umalis siya.
"Good evening Ma'am. Babalik yun Ma'am. Tinatawag lang niya ang manager namin. Di kasi kami pwede magpaakyat sa L.V.R or sa office ni Boss pag walang consult sa manager namin." sabi ng isang bartender.