Shan's POV:
Kinaumagahan ay same routine parin. Ngayon na andito na ako sa University at hindi na ako late. Nakaupo ako ngayon sa may bench dito sa labas sa may building ng HRM.
"What's with the face ha?" Tanong ni Martha sabay umupo sa tabi ko. "Di mo nakita ang Shone mo ngayon?"
"Oo" walang gana kong sabi. Tumango siya.
"Ayun, kaya pala"
"Hindi!" Mabilis kong sabi.
"Anong hindi? Sabi mo oo" taas kilay niyang sabi.
"Oo , dahil hindi ko nga nakita siya ngayong umaga. Pero ang talagang dahilan ay si Mama." Malungkot na sabi ko. Miss na miss ko na kasi si Mama eh.
"Uuwi rin yun."
"Nakakainggit ka. Kasama mo na si Ninang ngayon."
"Oy hindi ah. Mas nakakainggit ka." Napatingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Wag mo nga akong tignan ng ganyan pwede." Sabi niya.
Bumuntong hininga siya. "Alam mo Shan. Wala namang kainggit-inggit sa akin eh. Ako ang mas inggit sa iyo. Alam mo kung bakit?" Umiling ako, ngumiti siya.
"Kasi ikaw, andiyan yung mga kuya mo, yung papa mo. Yung mama mo nasa malayo pero kung babalik yun o kahit nasa malayu ang mama mo ay di magbabago na kompleto parin ang pamilya niyo. Eh ako." Nalungkot naman ako dahil nalungkot siya.
"Oy wag kanang malungkot. Sorry na nag emote ako di ko naisip na ganyan pala ang---." Sabi ko.
Tumawa naman siya. "Hahhahahha sira nag emote ka eh mabuti ng mag emote rin ako diba?"
Napatawa na rin naman ako. "Hahhah mas sira ka. Eemote tapos tatawa." Sabay iling ko.
"Hahahha mas mabuti ng ganyan kaysa mag emote tapos iiyak ang sakit kaya dito." Sabi niya at tinuro ang may puso ko. Tinignan ko naman siya.
"Kung sabagay may point ka." Sabi ko. Nagngitian lang kami. Tumingin siya sa relo niya.
"O halika, kailangan na natin pumasok." Sabi niya. Tumayo na kami at naglakad patungo sa second floor kung saan ang klase namin.
---
Kakatapos lang namin mag lunch ni Martha ngayon andito kami sa ground field. Umupo kaming dalawa sa bermuda ng field. Nag aaral kami ngayon sa susunod na subject namin dahil may quiz kami mamaya.
"Shan" tawag ni Martha sa akin. Nakahiga siya sa bermuda grass habang nakaunan sa bag niya.
"Hmmm" sagot ko habang nagbabasa ng notes.
"Uulan ba?" Tanong niya. Tumingala naman ako sa langit.
"Siguro, makulimlim eh." Sabi ko at nagbasa na ulit.
"Shan" tawag niya ulit.
"Oh?" Yan lang ang sagot ko dahil nakafocus ako sa notes ko.
"Diba mga 3pm pa ang next class natin. Chika muna tayu." Sabi niya. Tinignan ko naman siya at nakangiti ang loka.
"Bakit? Tapos ka nang mag aral?" Tumango naman siya.
Tumaas ang kilay ko. "Pumasok ba sa utak mo yang mga inaral mo?"
"Oo naman. I'm smart kaya." Sabi niya. Napangiti naman ako. Pero totoo naman na matalino siya.
"Kaso ako di pa tapos mag aral." Sabi ko at nagbasa ulit. Bigla niyang kinuha ang notes.