YAMH 5

55 1 0
                                    

Shan's POV:









Kasama ko si Ate ngayon. Papunta kami ngayon sa palengke.

Sumakay kami ng tricycle.

Nang makarating na kami sa palengke ay nagbayad na kami ng pamasahe.

"Ate ano pala ang bibilhin natin?" Tanong ko kay Ate.

"Bibili tayo ng sangkap para sa paksiw." Sabi ni Ate.

"Sos parang alam ko na ang nag request." Sabi ko. Ngumiti si Ate.

"Oo tama ka. Si Dylan nga. Sabi niya sa akin. Ma may perfect score ako. Lutuan mo naman ako ng paksiw." Napangiti naman ako.

"Si Dylan talaga. Oo pala Ate. Matanong ko lang. Si Mika ba sure na talagang magta-transfer?" Tanong ko kay Ate.


Si Mika ay anak sa kapatid ni Ate at tinuring ko na rin itong pamangkin. First year college siya ngayon at sa Lex University siya nag aaral. Pero masama yung unang week ng pasok niya nung pasukan. Dahil na bully siya non Trixie at natakot na siya. Kaya nakiusap siya sa parents niya na magtransfer siya ng school.



Andoon ako non sa cafeteria kung saan siya binully pero di ko naman siya nakita at di ko alam na siya pala yun. Eh malayu lang naman ako. Dahil umiiwas ako sa mga ganyan.





Nalaman ko nalang pagkauwi ko. Tumawag yung parents ni Mika kay Ate na kung pwede raw ay samahan ko si Mika sa registral para mag request ng transfer.






"Oo sayang nga eh. Napakaganda pa naman ng Unibersidad pero kung ganyan lang din naman at na bully siya o di kayay mabubully siya ulit. Mabuti ng umiwas at mag transfer nalang." Sabi ni Ate. Tahimik lang naman ako.





"Wag mo ng isipin. Nangyari na at tsaka pa. Kung binully si Mika nung time na iyon at umiksena ka. Mabuti dahil pinagtanggol mo si Mika. Pero ang worst masasali ka pagbully nila at tandaan mo. Si Kuya mo at si Papa, magagalit pagnalaman nilang di ka umiiwas sa mga extreme nga situation." Sabi ni Ate sabay tingin.



Oo pala, ayaw na ayaw nina Papa at nina Kuya, lalo na si Mama na ilagay ko o mapunta ang sarili ko sa isang situation na grabe.



"Andiyan naman si Martha, Ate. Siya ang bahala sa akin." Sabi ko. Ngumiti si Ate.



"Alam namin pero alam mo naman siguro na di lahat ng oras nakabantay si Martha sa iyo." Sabi niya. Tumango naman ako.



"Alam ko po Ate. Iiwas naman po ako." Sabi ko. Tumango naman si Ate.




Bumili na kami ng mga sangkap para sa paksiw na lulutuin ni Ate mamayang hapunan.






Pagkatapos ay dumaan muna kami sa isang bakery para bumili ng slice bread para sa baon ng mga bata sa school.





Naghihintay lang ako kay Ate ng may makita akong bata na nakaupo sa gilid ng bakery. Nakatingin lang siya sa mga tinapay.





Tumingin-tingin ako sa paligid. Wala ba siyang magulang?





"Halikana Shan" tapos na pala si Ate.






"Ate may barya ka pa diyan?" Tanong ko.






"Ito pamasahe natin pabalik." Sabi niya sabay pakita sa akin. Tumango ako at napatingin ulit sa bata.




"Te, slice bread lang ba ang binili mo?" Tanong ko. Umiling si Ate.





You Are My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon