YAMH 11

51 3 0
                                    

Third Person's POV











Nasa loob ng kotse si Shone at naka park sa di kalayuan sa may Sunshine Restaurant. Nakatingin siya kay Shandie na kakalabas lang ng Sunshine Restaurant. Nag ring yung cellphone niya and he answered it. Habang may katawag siya ay nakatingin lang siya kay Shandie hanggang sa nakasakay na ito ng taxi.

"Alright, bye." then he end the call at umalis na siya roon.










----














Nakauwi na si Shandie sa kanila.

"Oh nak, kumain na ako. Kumain kana ba ng tanghalian kung hindi pa kumain kana." sabi ng Papa niya na nasa may bakery nito.

"Sige po at pagkatapos ay matutulog po ako Pa."

"Sige nak."

Nang makapasok siya sa loob ng bahay nila ay pumunta siya sa kusina at kumain na. Pagkatapos niyang kumain ay pumunta na siya sa kuwarto niya at bumuntong hiningang humiga sa kama niya.












---










Naghihiwa ng mga kailangan si Shandie para sa lulutuin ng Chef sa araw na ito. Napatingin ang Chef sa kanya.

"Shandie may sakit kaba?" tanong nito.

"Wala po, sorry po Chef."

"Matamlay ka kasi. Nakakapanibago." sabi nito habang nag prepare ng mga kawali.

"Pwede ho bang magtanong?"

"Oo, Sige ano yun?"

"Nasabi kasi ni Miss Cy sa akin na noon po nag alok po ng opportunity para sa mga Chefs na makapagtrabaho sa cruise ship?"

"Ah Oo, si Sir Shone. Anak siya ng may ari ng isang Cruise Ship International at dahil mas naging popular ang cruise ship nila. Mas lumago ang business at kinakailangan ng mga Chefs. Mga Pinoy ang gusto niyang mga empleyado. Ni recommend kami ni Miss sa kanya kaso ako hindi ko tinanggap. Hindi ko rin alam sa ibang Chef na kasamahan ko lalo na doon sa Chen-licious Restaurant na Chef"

"Bakit ho?"

"Kasi biglang Chef sa 5 star restaurant katulad nitong Sunshine Restaurant or sa Chen-licious Restaurant. Para sa akin sobra na at sobrang pasasalamat ko. Dahil madami at maganda ang mga benefits, mabait na amo, malaking suweldo at may mga extra-extrang pabigay pa. May pamilya rin ako rito at wala eh. Nasa maayos naman ang pamilya ko dahil sa trabaho ko ay nakapagpatapos na ako ng tatlong college ko at sa magagandang Unibersidad pa gumaduate. Ano pa ba ang hahanapin ko diba?"

"Di ho ba kayo nasasayangan?"

"Sa edad kong ito. Hindi, lalo na may pamilya ako. Pero kung binata pa ako or may pamilya ako na sinisimulang binubuo. Oo naman, eh ga-grab ko ang opportunity pero sa desisyon kong iyon. Wala naman akong paghihinayang." Napangiti ako.

"Nasabi ni Tina sa akin na pumunta raw rito si Sir Shone kahapon. Hindi naman pupunta rito yun kung walang opportunity na ibibigay."

"About po doon."

"Nasabi rin ni Tina sa akin. Nag offer ng opportunity para sa iyo?" tumango si Shandie.

"Yang si Miss Cy. Kahit gaano ka pa ka mabuti at ka galing na empleyado niya. O kahit na sobrang sarap mong mag luto o masipag kang magtrabaho at sinasabi niya. Dahil sa atin raw ay lumago ang restaurant niya pero kung may mas magandang opportunity raw. Hinding hindi raw niya ipagdadamot ang opportunity na ibibigay sa atin o di kayay pwede naman para sa atin."

You Are My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon