Shan's POV:
Andito na naman ako sa University. Hays, bahay-eskwelahan lang talaga ako nito. Well, andito na ako nga ako sa building department namin ng pakiusapan ako sa isang teacher sa department namin na hanapin ko raw si Sir Mercado.
Jusko naman sa kalaki ng University na ito. Well, ito na nga naglalakad na ako ngayon at napadpad ako sa ground field. Dahil andito ako napadpad sa ground field. Naisip ko na pumunta nalang sa sports faculty baka andoon si Sir. Si Sir Mercado ay isa sa mga Professor namin sa isang subject namin at isa rin siyang coach ng table tennis dito sa University kaya baka andoon siya ngayon sa sports faculty.
Pumunta na ako sa sports faculty at sabi ng mga instructors doon na pumunta raw si Sir Mercado sa basketball gymnasium kasama raw niya ang coach ng varsity. Kaya ngayon naglalakad ako patungo roon. Medyo malayo layo pa naman ang basketball gymnasium.
Pagkarating ko sa gymnasium. Sa labas pa lang naririnig ko na ang mga ingay sa loob. Teka? Kung andiyan nga si Sir at ang ingay sa loob. It means, andiyan ang mga varsity sa loob. It means andiyan rin si Shone. Naku naman, bahala na si Sir Mercado ang pinunta ko.
"Tama Shandie, si Sir ang pinunta mo kaya pasok ka na." Sambit ko sa utak ko at pumasok na. Pagpasok ko, nakikita ko ang mga varsity player. Di ko naman nakita si Shone. Siguro wala siya.
"Ba't ba hinahanap ko siya eh si Sir nga ang pinunta ko." Sabi ko sa utak ko at naglakad na. Nakita ko naman si Sir sa di kalayuan na kausap ang varsity coach.
Bahala na, lakad ka lang Shandie.
Naglalakad ako na walang lingon lingon sa gawi ng mga varsity player. Nasa gilid lang ako dumaan. Malapit na ako kina Sir ng mapahinto ako.
"Arellano warm up na raw sabi ni Captain." Rinig kong sabi ng isa sa varsity player.
"Ge" boses niya iyon. So andito nga siya.
"Diba Shandie varsity player rin siya." Sabi ko sa sarili ko.
"Miss Quintos."
"Ay miss quintos" sabi ko dahil na piglat ako ng marinig ko ang boses ni Sir. Tumingin ako kay Sir.
"What are you doing here?" Takang tanong niya. Nakita ko sa peripheral vision ko na napatingin sa gawi ko ang mga varsity player. Di ko naman makita if tumingin rin siya. Naglakad ako patungo kina Sir.
"Good morning po mga Sir, excuse me ho Sir Mercado pinapatawag ho kayo at pinapapunta sa office ng department natin." Sabi ko ng mahinahon. Tumango naman si Sir at nagpaalam na kay Coach.
Naunang maglakad si Sir. Nakasunod lang ako sa kanya. Habang naglalakad kami palabas ni Sir. Dahan dahan naman akong tumingin sa gawi ng mga varsity player. Nakita ko na nagwawarm sila.
Tinignan ko siya. Napakaseryoso niya talaga tignan. "Ngumingiti ka ba Shone?" Sabi ko.
"Ano yun Miss Quintos?" Rinig kong tanong ni Sir. Di naman siguro niya narinig ano? Isip Shandie.
"Ah ang sabi ko Sir. Ngayon na time ang klase niyo sa amin, diba. May ipapagawa ba kayo o ano?" Tanong ko. Mukhang hindi naman narinig ni Sir ang sinabi ko kanina.
"Siguro attendance lang muna." Sabi ni Sir.
"Sige Sir."
"Pagkatapos mo magpaattendance. Ilagay mo sa mesa ko sa faculty okay?"
"Yes Sir." Sabi ko. Mabuti nalang talaga at hindi naman narinig ni Sir. Tinignan ko siya saglit. Nakayuko siya habang pinupunasan ang kamay niya. Nakalabas na si Sir at nakasunod lang ako sa kanya.