Shan's POV
Andito kami sa bungalow nina Keith. Nilock niya pinto sa may sala at hinila niya ako patungo sa kuwarto. Itong bungalow nila ay may malaking sala at own kusina isang kuwarto lang. Umupo ako sa kama at nilock rin niya ang pinto at mga bintana. Natatawa naman ako sa kanya.
"Okey, okey na. Ano yun ulit?" tanong niya ng makaupo na siya.
"As I recall, highschool ako non nung na hospital si Papa and akala namin na mawawala siya then yun si Mama nag risk na mag abroad. Ang dalawa kong kuya college student at working student na din at ako lang ang nagkatuka kay Papa. Coma siya noon at wala, ako lang kaya na depress ako sa pangyayari then suddenly nag collapsed ako. Paggising ko andiyaan sina Kuya ko. Nakahiga ako tsaka ang narinig ko sa Doctor. She is having stress cardiopathy."
"Stress Cardiopathy?"
"Reaction daw to sa grabeng stressful na nangyari. Hindi kinaya ng puso ko."
"But is Stress Cardiopathy is very risky?"
"Ang sabi naman ng mga kuya ko. Iwas lang daw talaga ako sa sobrang stress yung involve ying emotions mo. May time nga non na sobrang saya ko ha. Tawa ako ng tawa then suddenly nahihirapan akong himinga. Pa check sa Doctor, sabi niya. Okey lang maging saya pero hindi sobra, okey lang masaktan pero hindi grabe."
"Balance lang?"
"Oo." bumuntong hininga si Keith.
"You mean na---"
"Natatakot ako Keith. Natatakot na maging masaya ng sobra at natatakot na baka masaktan rin ako ng grabe." Niyakap ako ni Keith.
"I can't imagine gaano ka hirap saiyo ito."
"Promise sa atin lang ito."
"Wait, if you have that illness. Why do you risk yourself working at the Cruise Ship?" pag alala na tanong ni Keith.
"Binabalance ko naman Keith. Kasi gaya nung nagtrabaho ako sa restaurant. Stress siya pero kaya ko naman. Di naman ako nagtatrabaho ng grabe at di ko naman grabe na pinapagod ang sarili ko. Tsaka---"
"Shandie? Hindi alam ni Shone?"
"Hindi kaya nga promise mo Keith na atin atin lang."
"You can't work without medical."
"I got a permission sa doctor na pwede akong magtrabaho sa Cruise Ship. But alam well-balance lang ako sa emotions ko, everything is fine."
Umiling si Keith. "We are bestfriends now especially I know your secret. Pero Shandie kasi mali. Mali na hindi mo sabihin kay Shone."
"Pano ko sasabihin?"
"Sabihin mo lang ang totoo at diretso." napayuko ako.
"Look, Shandie, hindi kita sini-stress. Alam ko ang unang inisip mo ang sarili mo and okey lang yan. I know hindi pa kayo ni Shone pero gusto niyo ang isat isa. Well as fair naman kung sasabihin mo rin sa kanya diba? Kasi kung magiging boyfriend mo siya. Dapat rin mj namang sabihin sa kanya yan eh." bumuntong hininga ako.
"Keith kasi alam ko naman na pagsinabi ko kay Shone alam ko naman na gugustuhin parin niya ako. Ang akin lang, baka he will treat me special lalo na sa trabaho at ayaw ko na---"
"Na may masabi iba." tumango ako.
"I understand and lets say. If alam ni Shone kung hindi bibigyan ng special treatment sa trabaho. Baka pahintuhin ka niya sa trabaho. Kasi kahit ako, honestly Shandie. You are in a stressful work of place lalo nasa kitchen ka. And it is not good for you."