Shone's POV
Bumaba na ako at nakita ko si Mom na nasa dining na kumakain.
"Hi Mom." Sabay upo.
" Congratulations pala sa inyu." Nakangiting sabi ni Mom.
"Thanks Mom." After sa game and nanalo kami. Nagtreat si Coach ng Tagaytay. Kaninang madaliang araw pa kami nakauwi.
"So, how's Tagaytay?" Tanong ni Mom.
"May mga girls na kasama." Sabi ko.
"Really?" Di makapaniwala si Mom.
"Yup, mga friend kasi ng girlfriend ni Captain."
"May girlfriend na si Lance?" Tumango ako.
"How about you Son?" Ngumiti ako.
"Wala pa yan sa isip ko Mom. Ang nasa isip ko ang tulungan ka sa company para di kana mag isa na nagta trabaho." Sabi ko. Ngumiti si Mom.
"And Mom, second semester na. Your promise." Sabi ko. Ngumiti si Mom at tumango.
"I know."
Kumain lang kami ni Mom at nag usap pa tungkol sa company dahil malapit na ako magsimula.
---
Airport
Shan's POV
"Mamimiss kita Shan" yumakap ulit si Martha sa akin.
"Hahahha nakailang yakap kana ba sa akin ngayon?" Natatawang tanong ko.
"Ehhh! Mamimiss talaga kita sobra."
"Wag kang mag alala Anak. Kung may pera lang ako na extra kung gusto mo magbakasyon rito. Pwedeng pwede " sabi ni Ninang kay Martha.
"Naku! Saglit lang tayu nagkasama inaanak ko." Sabi ni Ninang sa akin at niyakap rin ako.
"Promise Mama ha. Babakasyon rin ako rito" sabi ni Martha. Ngumiti naman at tumango si Ninang.
Nasa Korea kasi ngayon nagta-trabaho si Ninang. Nag apply siya ng student visa para kay Martha para magkakasama na sila roon.
Nagpaalam narin si Ninang kina Kuya, Papa at Ate. Sinamahan nila ako rito sa airport.
"Sa second semester. Wala ka nang kasama." Malungkot na sabi ni Martha. Ngumiti ako kahit naman ang totoo ay nalulungkot rin ako.
"Ayos lang ako. Tsaka wag kang lumimot mag commu sa akin ha. Baka makakalimutan mo na ako niyan." Sabi ko. Ngumiti naman siya.
"Gaga! Bakit ko naman gagawin yun hahhahaha. Sure naman ako na wala akong maging close na koreano o koreana." Sabi niya. Ngumiti rin ako.
"Shan, basta mag iingat ka ha. Alam mo na." Habilin niya sa akin.
Tumango ako. "Di ako magpro-promise pero tatandaan ko." Sabi ko.
"Si Shone mo diba sa second semester di mo rin siya makikita dahil Ojt na sila." sabi niya.
"Oo nga eh. Pero ayos lang diba sabi mo magkikita rin kami after graduation." Positive kong sabi. Inakbayan niya ako.
"Oo at sure na sure na mangyayari yan."
"Mag iingat ka ha." Sabi ko. Nagyakapan ulit kami at pumasok na sila sa loob. Nang hindi ko na makita si Martha ay tsaka naman ako umiyak.
"Tahan na bunso." Sabay yakap ni Kuya sa akin. Yumakap rin sina Dylan at Andrea sa akin.
"Wala na akong bestfriend" sabi ko. Pinunasan ni Papa ang luha ko.
"Simula naman ngayon ay hatid sundo na kita." Sabi ni Papa
"Talaga Pa?"
"Oo naman lalo na at wala na si Martha. Mas mabuti na yung safe ka." Sabi ni Papa.
"Kung nay boyfriend ka lang sana bunso." Sabi ni Ate.
"Wag muna." Sabay sabi nina Kuya at Papa. Ngumiti naman si Ate kaya napangiti na rin ako sa reaksyon nina Kuya at Papa.
"Mabuti at pumunta na tayo sa isang restaurant at kumain tayo. May pinadala naman ang Mama niyo." Sabi ni Papa.
"Yihey!!" Masaya ang mga dalawang pamangkin.
----
Martha's POV
Nasa loob na kami ng eroplano ni Mama. Umiiyak ako.
Mamimiss ko si Shan lalo na at nag aalala ako sa kanya lalo na at siya lang mag isa. Wala na siyang kasa-kasama sa school.
"Anak" tumingin ako kay Mama.
"Wag kang mag alala. Mag iipon naman ako para may ipang bakasyon ka sa Pilipinas." Sabi ni Mama.
"Ayos lang ako Ma. Alam niyo naman po si Shan diba. Nag alala lang po ako." Sabi ko.
"Natural lang yan anak. Lalo na at magkapatid na ang turingan niyo sa isat isa. Tsaka isa pa, andiyan naman ang parents ni Shan. Sure naman ako na di nila papabayaan ang bunso nila." Nakangiting sabi ni Mama. Tumango naman ako.
"Eh text mo si Shan pagkarating natin sa Korea" tumango ako. Pinunasan ko ang luha ko.
"Mabuti pa at matulog ka muna." Sabi ni Mama.
"Sige po Ma." Umayos na ako at pumikit na.