YAMH 21

48 2 0
                                    

Shan's POV














Last day na namin rito bukas ng umaga departure na kami ulit.

Tapos na ako sa morning routine ko at nakabihis na ako ng short at sleeve less.

"Shandie mamayang gabi pala may live band at inuman."

"Talaga? Ang saya naman kung ganun"

"Naku iinom talaga ako at mag eenjoy ako este tayo. Last day na natin hays."

"May next time pa naman."

"Next time, stop over nalang daw ng mga ilang oras then departure agad. Ito kasi celebration ng first launching ng Star Cruise Ship Philippines kaya bongga."

"So dapat pala sulitin."

"Dapat lang kaya tayo mamayang gabi. Mag eenjoy tayo ng bonggang-bongga."

"Di ka halatang excite ha."

"Heheh may eh shi-share ako saiyo." sabi niya. Andito pa kami sa loob ng room namin.

"Ano yun?"

"May na meet akong guy kahapon. Nakipagkilala and usap usap ganun."

"Talaga?"

"Oo at ano. Isa siya sa mga pasahero natin." sabi niya.

"Walang namang problema doon diba?"

"Wala naman."

"Wala daw tapos ang mukha di ma ipinta."

"Anak mayaman eh. Sa bagay halos mga pasahero natin at nga ibang guest kung di mayaman lang nga multi-mayaman na talaga." sabi niya.

"Eh ano naman diba? Tao lang."

"Hindi rin Shan."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Para sa akin. Kung nagkagusto ka sa isang tao. Tunay ka talaga na nagkagusto sa kanya. Sure ako na hindi mo yun nagusto sa physical o yaman niya eh. Nagustuhan mo siya kasi siya. Simple!" napayuko naman ako sa sinabi niya.

"Kaya ako, kahit ano pang sabihin ng mga tao lalo na yung nga kapamilya ko. Kahut sabihin nila na mukha akong pera kasi ambisyosa ako. Che nila! Lakas maka judge eh hindi nila alam ang hirap ko." sabi niya.

"Hindi mo rin naman ma iiwasan makagusto sa isang tao kung ka gusto-gusto rin."

"Apir" nag apir kaming dalawa at napangiti ako.

"Oh siya lets go gutom na ako." tumango ako. Pumunta na ako sa kainan at ito ako nakatingin sa paligid. Oo, hinahanap ko siya.







---







Tapos kaming kumain pero nagpaiwan ako rito.

"Hi miss." napatingin ako sa lalaki. Friend ito ni Shone.

"I'm Drake Hilton. We meet sa Cruise Ship. Pinakilala ka ni Arellano sa amin remember?" sabi niya.

"Oo nakilala nga kita."

"May we seat here?" tanong niya sa akin.

"We?" takang tanong ko. We pero siya lang mag isa. Kasama ba niya si Shone.

"Hi." bati ng isang magandang babae sa amin. Teka ito yung babae na nakita ko na kasama ni Shone. Tumayo si Drake at pinaghila ng upuan yung girl.

"Nag breakfast kana ba? Uhm... Shandie Quintos, right?" tanong ni Drake sa akin.

"O-oo tapos na. Nag paiwan lang ako para wala upo lang."

"Ow by the way. Love, this is Shandie Quintos." sabi niya at binulungan niya ang girl at ngumiti ang girl sa akin.

You Are My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon