Chapter 3 : About Class B-7 and OT7

690 36 12
                                    

CHAPTER 3 : ABOUT CLASS B - 7 AND OT7

Luna Pov's

-CAFETERIA-

"Nakapagtataka nga bakit ka napunta sa section na yun?takaw gulo ka din ba?like may ginawa ka bang kasalanan kaya napunta ka dun?"sunod-sunod na tanong niya habang kumakain.

Napailing naman ako

"ang clean kaya ng records ko at hindi pa ako nasangkot sa gulo,sabi ni maam napunta ako sa section na yun dahil wala ng bakante sa ibang section"saad ko

Napailing naman din siya sabay sabing "nah girl pwede ka naman ilipat at pwede yun gawin ng principal"

W-What?!

"Seriously?eh bakit hindi nila ginawa ako lang ang nag iisang babae dun at worst section pa,nababaliw na ata yung principal sa school na ito,ang clean clean ng records ko tapos mapupunta ako sa worst section na yun t---"

"Hey easy,kalmahan mo lang,baka may iba pang rason kaya hindi ka nilipat"saad niya

Napasimangot nalang ako,ano naman kaya yung pesteng rason na yun?!

"actually may mga babae din ang sumubok na piliin yung section na yan,at alam mo kong anong nangyari?ayun pinahiya lang naman ng mga walanghiyang OT7 na yun"she said.

"so may mga babae talaga sa section na yun?"

"Yep pero hindi din nagtatagal,hindi kinaya yung pangbubully sakanya so ang ending wala na talagang naglakas loob na maging section ang B-7 dahil lahat sila takot"saad niya ulet

"Teka may sinabi ka kaninang OT7,sino sila?"kunot-noo kong tanong.

Sumimangot naman siya

"Sila yung nag-uumpisa ng gulo,OT7 stands for one true seven,meaning that all of them are equally important for each other,Kong may kalaban ang isa kalaban na ng lahat yan.pito silang lahat sakanila sumusunod ang section B-7 pero ang pinaka-kinatatakutan nilang lahat ay ang kapitan nila."saad niya

"And speaking of OT7"

tumingin naman ako sa tinitignan niya.

"Yung nauunang maglakad parte sila ng OT7,yung dalawang matangkad na nag-uusap magkapatid yang mga yan sila Calyx Vaughn and Caleb Vaughn,mag iingat ka sa dalawang yan."turo niya sa lalaking nagsalita kanina na mga blanko ang expression,si Calyx yung kaninang malumanay magsalita at si Caleb naman yung blanko lang ang ekspresyon kanina.

"at yung maputi na yun si Aeros Leon Yu,walang pake sa mundo at walang pake sa ibang tao,parang pasan niya lahat ng problema sa mundo sa pagiging seryoso hmp!"saad niya.

Napailing nalang ako.wow ha! Kung sa palabas meron F4 dito sa paaralang pinapasukan ko meron naman F7,psh!

"Yung nakangiti naman si Kiro Zeck Zee Falcone,kung gaano ka seryoso yung iba,siya naman yung todo yung ngiti parang lahat ng kasayahan sa mundo ay pasan niya well for me mas mabait naman siya kumpara sa iba,ang sabi sabi is minsan lang siya masangkot sa gulo at may mga tinutulungan siya dito na binubully ng mga kasama niya"nakangiting saad ni Zoe,yeah agree ako ramdam kong mabuti siyang tao.

"Yung tatlo,wala na naman sila dito sa cafeteria,always kasi silang magkasama"saad niya.

"Tatlo?"I asked

"yep tatlo,apat lang yung OT7 ngayon,yung tatlo kasi always silang magkasama,si Ashton,Aric,at yung kapitan nilang si Haze"saad niya,naalala ko naman si Ashton nung sinalo niya ako kanina pero nainis ako sa pagtawag niya saking tanga psh!

ANG DAMING sinabi si Zoe tungkol sa B-7 at OT7 pero isa lang ang nagmarka sa isip ko "Mapanganib silang lahat".

Kung ano man rason ng principal kong bakit ako hindi nilipat pwes hindi ako papayag,ayaw kong ilagay yung buhay ko sa gulo hindi bagay sa beauty ko psh.

Saktong natapos sa pagkain si Zoe at nagbell naman kaya tumayo na kami.

"Luna nice too meet you ulit ahh,bukas sabay naman tayong mag lunch"nakangiti niyang saad,ngumiti naman ako tsaka tumango.napakakomportable talaga ng loob ko sakanya.

"Sige alis na ako,pupunta na ako sa worst section na yun haist"buntong hininga kong saad tsaka siya tinalikuran ngunit tinawag niya ako ulit.

"Luna mag iingat ka,wag kang magtitiwala sa kahit isa sa kanila"seryong saad niya,nakaramdam naman ako ng kakaiba,dahil sa sinabi niya para bang may alam siya na hindi ko alam,weird!

tumango nalang ako bilang sagot sa sinabi niya at nagpaalam na umalis

---

PAGDATING ko sa classroom as usual sobrang kalat psh! Hindi ba uso sakanila ang maglinis?

Nandidiri nalang ako na tinignan yung mga supot ng pagkain sa gilid at yung basurahan na hindi nakaayos aish!

pagtingin ko sa upuan ko yung bag ko nasa sahig na at ang dumi,bwesit!

Tinignan ko naman yung mga kakapasok ko lang na kaklase,inirapan lang nila ako at yung iba binangga pa ako sa balikat.

mga gwapo nga wala namang modo!

Si Kiro naman pinulot yung bag ko at binigay sakin

"Pasensya kana Zin"He said,ngumiti nalang ako bilang sagot,buti pa to,mabait! sana naman saniban din sila ng kabaitan sa katawan.

"Ano ba dre,bat ka humihingi ng tawad sa babaeng yan"sabat ni Aeros.isa pa tong maputi na to.

"Kung ako sayo lumipat ka nalang hindi ka welcome dito"sabat ng naka eyeglass na lalaki.
"Yeah,baka magsisi ka kapag inumpisahan na namin yung laro"Aeros

Tinignan ko naman silang lahat at sobrang seryoso nila,Oo medyo natatakot ako pero lamang yung pagkainis ko sakanila.wala parin silang karapatan pakialaman yung gamit ng iba!

haist! Ano pa nga ba aasahan sa worst section.

"Tumigil na kayo"Kiro said

Magsasalita na sana ako ng may magbato sakin ng papel and worst,basa pa ito.

napatingin ako sa likuran ko sila Calyx at Caleb.

Dahil sa ginawa nila sunod-sunod na yung pambabato nila ng papel sakin.

"ANO BA TUMIGIL KAYO?!"sigaw ko but still binabato parin nila ako.

Wala akong ibang nagawa kung hindi patakbong lumabas ng classroom.

pinagtitinginan pa ako ng mga studyanteng nadadaanan ko dahil basa yung uniform ko psh! Ikaw ba naman batohin ng basang papel.

Nakakainis!!

tinawagan ko nalang yung sundo ko.

at pagdating sa bahay walang kuya na bumungad sakin.

bwesit ka kuya! Ang ganda ganda ng buhay ko sa Korea tapos ipapasok moko sa school at mapupunta pa ako sa worst section.

at yung mga lalaki na yun

"HUMANDA KAYO SAKIN PAG AKO NAPUNO,IPAPASALVAGE KO KAYO!!"sigaw ko dahilan para magsiatrasan yung mga maid na kasama ko.

Nakakainis!!Nakakaasar!!

END OF CHAPTER 3

A/N: This story contains
grammatical,typos and errors.
If you're looking for a story with
correct wording,grammar and
spelling,this story is not for you.

The Class B-7 : Worst Section (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon