CHAPTER 18 : STALKING HER
Luna Pov's
"Ito pa pagkain Princess"
"ayaw mo nitong fries binibini?"
"Luna gusto mo chocolate?"Naiilang na ngumiti at tumango lang ako sakanila.
Mixed emotion yung nararamdaman ko ngayon,may pagkailang,masaya,pero naninibago dahil hindi nila ako sinusungitan.
"Baby ang tipid mo naman kumain,hindi ba masarap? gusto mo ako nalang kainin mo c--aray!! problema mo dre?!"singhal ni Aric,pinalo kasi siya ni Caleb sa braso.
Napatawa nalang ako ng mahina.
"Isantabi mo yang kalandian mo,wag mong paglaruan yung prinsesa ko"
Nasamid ako dahil sa sinabi ni Caleb,parang ibang dating kasi yung pagsabi niya ng prinsesa "ko".
>__________< nakakailang!
"Okay ka lang?"Kiro asked at inabutan ako ng tubig,tumango lang ako sabay inom.
"Tumigil nga kayo sa kakausap kay Keia,hindi siya makakain ng maayos"may pagka-iritang saad ni Kiro sakanila.
tumahimik silang lahat at tinignana ako.
"Sorry princess,sige kain kana"
"ubusin mo yung fries ah"
"Ubusin mo din yung itlog ko"
"Tarantado! Anong itlog pinagsasabi mo?!"
"Yung niluto ko kamo,dumi ng mga utak niyo che!"Napakamot batok nalang ako at sumubo ng cheesecake.
pero
>\\\\\\\\\\\\< bwesit! naiilang ako dahil bawat subo ko ay tinitignan nila ako,inshort pinapanood nila ako habang kumakain aishh!
"B-7!"
napatingin naman ako kay Haze ng magsalita ito,ang talim ng tingin niya sa B-7.
"Tigilan niyo ang pagtitig sakanya or else!"diin niyang saad.
napaubo lahat ng B-7 at umayos ng upo sabay nagsikainan na sila.nginitian ko naman si Haze pero inirapan lang niya ako,hmp! hindi na talaga magbabago yung kasungitan niya sakin.
Napatingin naman ako kay Ashton na nakaheadphone lang at natutulog.
Dito kasi sa cafeteria may sariling pwesto ang B-7,may dalawang sofa din dito na pwedeng higaan,may malaking table at maliit na flatscreen tv,malayo-layo din samin ang ibang studyanteng kumakain.
kunot-noo ko naman tinignan si Haze ng bahagya niyang sipain yung inuupuan ko.
"Bakit?"
"Wag kang tumunganga lang diyan at bilisan mo kumain,pandak!" singhal niya sakin,may binulong pa siya pero hindi ko narinig,minumura niya ba ako?!
A-At tinawag niya akong pandak?!
"P-Pandak? Ako?!" saad ko at tinuro yung sarili ko,he smirked. Bwesit na unggoy na to! kong may apoy lang na lumalabas sa bibig ko kanina ko pa to binugahan.
"Ang lakas ng loob mong laiitin yung height ko eh CUTE size ang tawag dito!!" singhal ko sakanya
"Pareho lang din yun,pinaganda mo lang yung sayo pero panda ka parin"mapang asar na saad niya
Bwesit!
magsasalita pa sana ako ng sinalpak niya sa bunganga ko yung burger.walanghiya!
"Hmmpp! Hmpppp!"
"Tsk!"
"Enemy to lovers ang ending niyan"mapang asar na saad ng B-7,sabay pa silang lahat nagsalita.psh!
BINABASA MO ANG
The Class B-7 : Worst Section (Completed)
ActionKilalanin si Luna Psykeia Zin Moontelio isang babaeng hinahangaan ng lahat dahil sa taglay nitong kabaitan,kagandahan at katalinuhan. ngunit pano kong mapunta siya sa isang section ng bagong school na papasukan niya? Hindi lang basta ordinary sectio...