CHAPTER 39 : LEGAL BATTLE
Luna Pov's
Napalinga ako sa paligid,sobrang dilim at natatakot na katahimikan.
N-Nasan ako? At anong lugar?
"T-Tulonggg,Yuki,Chyska,Ella? Kuya Sky?"natatakot kong sigaw ngunit wala ni isang sumagot sakin.
Sisigaw na sana ako ulit ngunit isang pagsabog ang nagpagulat sakin.
Sunod sunod na putukan,sigawan at ang daming naglalaban laban marami din ang nagkalat na dugo sa paligid at k-katawan ng mga taong walang buhay.
Gusto kong tumakbo at umalis sa lugar na ito ngunit nanghihina yung tuhod ko.
"Ano ba hindi tayo pwedeng umalis dito!!"
naagaw ng pansin ko ang isang grupong nag aaway,lahat sila nakamaskara at may mga dugo ang sandatang hawak nila,nakasoot sila ng itim na damit na may nakaburdang korona.
"NANDUN SILA SA LOOB HINDI TAYO PWEDENG UMALIS,PUTANGINA!"sigaw ng babaeng nakasoot ng pulang maskara.
Bakit pakiramdam ko pamilyar sakin ang mga taong ito?
Akmang lalapit na ako ng may lalaking lumapit dun sa nakapulang maskara, hindi ko makita kong anong mukha nung lalaki dahil malabo,malabo yung mukha niya.
"Z u-umalis kana dito"saad nito
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib,hindi ko alam pero hindi ko mapigilan yung sarili ko na umiyak.
Akmang lalapitan ko na sila ngunit sunod sunod na putok ang narinig ko.
parang nagslowmo ang lahat at sa isang iglap lang natamaan ng bala ang grupong nasa harap ko.
Unti-unting nagsibagsakan yung luha ko ng makita kong wala na silang buhay.
"Z,m-mahal na mahal kita wag mong k-kakalimutan yan"
"Hindi! w-wag kang mamatay"bigla ko na lamang tugon.
napahawak ako sa dibdib ko,B-Bakit sobrang sakit? Bakit nasasaktan ako?
"Z hanggang sa muling pagkikita n--"
*BANG*
"HINDI!!!"napabalikwas ako ng bangon at napalinga sa paligid,
P-Panaginip?
"Sis okay ka lang? buksan mo yung pinto"dinig kong saad ni Yuki.
Malakas na napabuntong hininga ako at hinimas himas yung dibdib ko,napahawak din ako sa mukha ko.
H-Hala! Umiyak talaga ako?
"SIS ANO BA?! CHYSKA KUNIN MO YUNG SUSI DUN"dinig kong saad ulit ni Yuki
"Ano nangyayari?"Ella
Pinahid ko muna yung luha ko at tsaka pumunta sa pinto.
"Ayos ka lang?may masakit ba sayo?bakit ka sumigaw?"sunod sunod na tanong ni Yuki
napakamot batok nalang ako.
"Okay lang ako,may napanaginipan lang "saad ko
BINABASA MO ANG
The Class B-7 : Worst Section (Completed)
ActionKilalanin si Luna Psykeia Zin Moontelio isang babaeng hinahangaan ng lahat dahil sa taglay nitong kabaitan,kagandahan at katalinuhan. ngunit pano kong mapunta siya sa isang section ng bagong school na papasukan niya? Hindi lang basta ordinary sectio...
