CHAPTER 43 : WEIRD
Luna Pov's
Kanina pa ako palinga linga sa paligid habang naglalakad ako patungong school dahil pakiramdam ko may sumusunod sakin.
Napagpasyahan ko kasing maglakad para makalanghap ng sariwang hangin kaya maaga akong nagising para lang maglakad lakad,pero naweweirduhan ako dahil nararamdaman kong may sumusunod sakin ngunit pag lumilingon naman ako ay wala akong nakikitang tao.
"Psh! Guni guni ko lang siguro"tangi ko na lamang saad at binilisan yung paglalakad.
May nadaanan naman akong isang matandang nakaupo sa isang bench ,ang putla putla ng mukha niya at halatang nagugutom ito.
Nalungkot naman ako dahil sa kalagayan nito,bakit kasi kailangan may pulubi pa? diba pwedeng pantay pantay nalang lahat ng tao sa mundo? May tirahan,may pagkain. Yung hindi naghihirap,Hayys!
Pumunta nalang muna ako sa 7/11 since malapit lang naman ito,bumili ako ng mga pagkain at inumin para kay lola.
Paglabas ko ay sakto naman na tumingin ito sakin,ngumiti ako at lumapit sakanya.
"Hi po lola"bati ko at tsaka inabot sakanya yung mga binili ko,lumiwanag naman bigla yung mukha niya at nakangiting tumingin sakin.
"N-Nako maraming salamat dito iha,ang dami naman nito"tugon niya at tinignan yung binili ko.
Umupo naman ako sa tabi niya "Lola san po kayo nakatira? nasan po mga apo't anak ninyo?"I asked
Bigla naman naging malungkot yung mukha niya "H-Hindi na nila ako naalala iha"
Mas lalo akong nalungkot nang marinig ko ito,grabe naman yun. May anak ba talagang hindi iniisip yung mama niya? yung taong bumuhay at nag alaga sakanya?!
"Gusto niyo po sa condo kayo tumira?"tugon ko "Don't worry po lola libre lahat,kong gusto niyo naman po mag negosyo ako po bahala sa'inyo"saad ko ulit
"N-Nako ineng nakakahiya naman sayo,binilhan mo na ng--"
Hinawakan ko yung kamay niya at ngumiti "Lola.. walang bayad ang pagtulong ko,mas malulungkot po ako pag tatanggihan niyo yung offer ko sa inyo at mas lalo akong malulungkot pag dito kayo matutulog sa kalye"tugon ko.
Bigla naman niya akong yinakap "S-Salaamat iha" saad nito,dinig ko pa ang paghikbi niya na ikinalambot ng puso ko.
"S-Salamat talaga ineng,ayy nako! nadumihan ko pa yang uniporme mo"saad niya at pinagpagan pa yung balikat ko.
"Ehh lola okay lang po yun"saad ko at binigyan siua ng matamis na ngiti.
Tinawagan ko yung butler ko para asikasukin si Lola papuntang condo,sinabi ko din na pasamahin yung dalawang maid samin para may kasama si Lola.
Nagkwentuhan din muna kami ni Lola,napag alaman kong Rose pala yung pangalan niya. Oh diba? kasing ganda ng bulaklak si Lola,62 years old na pala si lola,may dalawa siyang anak lalaki at babae ito. parehong nag-asawa na at hindi na siya nabibigyan ng pansin. Anim na taon na siyang palaboy laboy ngunit ang mas masakit hindi talaga siya hinanap ng mga anak o kamag anak man lang niya.
"Iha alam mo ba na marunong din akong manghula"saad niya "Sige nga lola,hulaan niyo ko"sagot ko naman.
Nakangiting hinawakan niya yung kamay ko at tinignan niya ito,ngunit nagtaka naman ako ng biglang nagbago yung ekspresyon ng mukha niya.
BINABASA MO ANG
The Class B-7 : Worst Section (Completed)
ActionKilalanin si Luna Psykeia Zin Moontelio isang babaeng hinahangaan ng lahat dahil sa taglay nitong kabaitan,kagandahan at katalinuhan. ngunit pano kong mapunta siya sa isang section ng bagong school na papasukan niya? Hindi lang basta ordinary sectio...
