Chapter 11 : Red Stain

493 33 2
                                    

CHAPTER 11 : RED STAIN

Luna Pov's

"GOOD MORNING GUYSSS"masiglang bati ko sakanilang dalawa,maganda yung mood ko ngayon dahil maganda yung tulog ko kagabi.

"Good mood ka ata?"

"Dahil siguro yan kahapon,nung pinasan siya ni sino nga ulit yun? Haze? Yieeee"

Napaismid naman ako dahil sa sinabi niya.

"Tumigil nga kayo,maganda lang talaga tulog ko"saad ko at inirapan sila pero nandun parin yung mapang asar na tingin nila sakin psh!

"Btw hindi paba bumababa si Chyska?"Usal ko

Umiling sila

"Kanina pa nga ako katok ng katok hindi naman sumasagot,baka puyat na naman yun kakanood ng k drama"

"Puntahan ko nalang para sabay sabay tayo magbreakfast"saad ko

"Aysus,umiiwas ka lang sa topic"

tinignan ko ng masama si Ella "Che!"

Pagdating ko sa kwarto ni Chyska,kumatok muna ako at ilang segundo muna bago ito bumukas.

"Hindi ako papasok bes"mahinang saad nito at humiga ng kama.

"Why?"

Hindi siya umimik kaya hinawakan ko ang noo nito... ang init!

"May lagnat ka,bakit hindi mo sinabi? teka! sasabihan ko si manang na ihanda ka ng makakain para makainom ka ng gamot"saad ko tumango lang ito at nagtalukbong ng kumot.

"Oh,nakaready naba si Chyska?"tanong ni Yuki pagkababa ko.

"Hindi siya papasok may lagnat eh,tsaka kayo nalang muna siguro ang pumasok ngayon,babantayan ko si Chyska"I said,umiling naman si Yuki.

"Hindi ako nalang magbabantay sakanya"

"Nah,hindi pwede yun sige na pumasok na kayo"saad ko at pumunta na sa kusina,wala silang nagawa kundi umalis nalang.

NANG maihanda ko na ang pagkain ni Chyska,nagtungo agad ako sa kwarto niya.

"Bes,bat hindi ka pumasok?"

"Ayaw kitang iwan kaya hindi muna ako papasok"saad ko,bumangon naman siya at umayos ng upo.

"Bes kaya ko ang sarili ko"

Umiling naman ako "hindi pwede,dito lang ako,ako magbabantay at mag aalag--"

"Tangek! ginagawa mo akong bata,sige na pumasok kana,nandyan naman si manang"saad nito,napabuntong hininga nalang ako.

"Pero inumin mo gamot mo okay? pagaling ka"

She nodded

Lumabas na ako sa kwarto niya at napatingin sa relo ko.

Omg! late na ako.

nagmadali akong lumabas at tinawag ang butler ko.

-

PAGDATING ko sa worst kong section,as usual ganun parin sila.

Ingay dito,Ingay doon

May nagbabaraha sa gilid at may naglalaro ng ML sa likod.

"Wala ba tayong prof ngayon?"tanong ko kay Kiro.

Umiling ito "kanina meron,pero umalis nang batohin nila ng basang papel"

Napasimangot naman ako

"Nila? Hindi ka kasali?"

nagpeace sign sabay sabing "kasali hehe"

The Class B-7 : Worst Section (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon