CHAPTER 34: MISUNDERSTANDING
Luna Pov's
pinahid ko yung luha ko at napalinga sa paligid.
Ang layo na pala ng tinakbo ko haha para akong tangang nakatayo dito malapit sa sea side.
huminga ako ng malalim at pilit kong pinigilan na umiyak uli.
ganito ba talaga dapat magmahal? nakakaramdam ng sakit? Yung tipong pinipiga piga ng paulit ulit yung puso ko pag naalala kong hinalikan yung taong hindi ko naman dapat minahal.
"Psh! Bakit ba kasi sa lahat lahat sakanya ka pa nahulog?"tanging bulong ko nalang at umupo sa may bench.
Akala ko talaga mas magiging masaya pa yung mangyayari kanina...hindi pala
*sigh*
"Luna?"
Nanlaki naman ang mata ko ng may marinig akong boses. S-Sinundan ba niya ako?
Dali dali naman akong tumayo at lumingon.
"A-Aric? Ano ginagawa mo dito?"dismayado kong saad
He chuckled "sa itsura ng mukha mo parang may tao kang hinihintay"
"Yeah.hinihintay ko sila Ella"pagsisinungaling ko.
ngumiti lang siya at umupo sa tabi.
"Umiiyak ka ba?"he asked
taas kilay ko naman siyang tinignan "B-Bakit naman ako iiyak?aber"
Tumawa lang siya na kinainis ko,psh! "Hindi ka talaga magaling magsinungaling"saad niya na ikinaiwas ko ng tingin. Psh!
"Bakit kaba nandito?"I said
"Magpapahangin"he replied
Hindi nalang ako umimik at tinanaw yung dagat. Ang peaceful dito nakakagaan sa pakiramdam.
"Gusto mo siya,right?"Biglang saad niya na ikinalingon ko
"W-What do you mean?"
"You know what I'II mean Luna"he said
hindi ako sumagot.
"Silence means yes"saad niya pero this time parang seryoso yung boses niya.
"Y-Yeah I like him,pero kakaumpisa pa lang nito,pwede pang pigilan"saad ko ng hindi tumitingin sakanya.
ilang segundo siyang hindi umimik ngunit pinakiramdaman ko lang siya.hindi ko alam kong anong nasa isip niya since magkaibigan sila ni Haze.
w-wait!!
Tama magkaibigan sila,baka pwede ko itanong kong sino yung babaeng kahalikan ni Haze?
"Aric/Luna"sabay na saad namin.
napatawa nalang kaming dalawa "Ladies first"he said
"Nah,ikaw na"saad ko din
Ngumiti lang siya,ayan nawawala na naman yung mata niya.
"Why do you always look at me like that?"bigla ko na lamang naitanong sakanya
"Like what?"kunot noo niyang saad
"Yan,lagi ka nalang nakangiti tss! nawawala tuloy yang mga mata mo,sana all intsik!"saad ko na ikinatawa niya
"Simple..because you're the reason why I'm smilling right now so How can I look at you na hindi nakangiti?"saad niya
BINABASA MO ANG
The Class B-7 : Worst Section (Completed)
ActionKilalanin si Luna Psykeia Zin Moontelio isang babaeng hinahangaan ng lahat dahil sa taglay nitong kabaitan,kagandahan at katalinuhan. ngunit pano kong mapunta siya sa isang section ng bagong school na papasukan niya? Hindi lang basta ordinary sectio...
