Chapter 15 : Reason

439 35 16
                                    

CHAPTER 15 : REASON

Yuki Pov's

"Lunch break na,pero bakit wala si Luna?Tsaka wala din yung b-7"saad ko sakanilang dalawa.

hindi ko alam pero masama yung kutob ko,kinakabahan ako na para bang may mangyayaring masama,kanina pa namin siya tinatawagan pero ayaw niyang sagotin.

"Ah hi,nakita niyo ba si Luna?"tanong ni Ella sa padaan na estudyante ngunit umiling lang ito.

"Hayss,san na naman ba nagsosoot si bestie?"

"Mabuti pa,hanapin nalang natin siya dito sa buong school"suggest ni Ella.tumango lang kami

Pinuntahan namin ang garden,field,restroom,mini park,at hanggang sa rooftop. pero hindi namin siya makita.

Kinakabahan na ako,malakas ang kutob kong may nangyaring masama.

Huli namin pinuntahan ang clinic at nanlaki ang mga mata ko ng makitang may bugbug saradong estudyante dito.

"N-Namumukhaan ko siya,part siya ng B-7"tugon ni Ella,dumoble naman ang kaba ko dahil sa sinabi niya.

"A-Anong nangyari sakanya?"tanong ko sa isang naka unipormeng estudyante habang may kausap ito sa phone niya,at sa tingin ko nasa B-7 din siya.

"K-Kayo yung friends ni Luna?"he asked

Tumango lang kami "Anong nangyari sakanya?t-tsaka nasan ang kaibigan namin?"Ella asked

Sumeryoso naman ang mukha nito na ikinakunot-noo namin "Nasa lumang building si Luna"

"WHAT?!! ANONG GIN--"

Hindi ko na pinatapos magsalita si Chyska at hinila kona sila palabas ng clinic.

"Ella samahan mokong pumunta sa lumang building at Chyska tawagin mo ang principal,masama ang kutob ko dito,may mangyayaring hindi maganda"seryoso kong saad na ikinaseryoso din nila.

DALI-DALI KAMING pumunta ni Ella sa lumang building,may mga nababangga na kaming studyante ngunit hindi namin ito pinansin,kailangan makadating kami agad sa likod ng school.







*BANG*







napatigil kaming dalawa,dahil sa putok na narinig namin.

"A-Anong p--"

"P-Putok ng baril"saad ko.

"A-At sa likod yun ng school"

Ikinalma ko ang sarili ko

sana walang masamang nangyari sa kaibigan ko,lord please!

Nang makarating kami sa lumang building agad kaming pumasok dito.



Ngunit nanghina at nanlamig ako dahil sa bumungad samin.

Mga taong walang malay,may mga dugo.at si Ashton habang may binubugbug na isang tao,duguan at hindi na ito makakilos ngunit walang tigil parin ang pagsuntok niya.

ngunit ang mas naagaw ng pansin ko ay si Luna,wala itong malay at may n-nagkalat na mga dugo.

"A-Anong nangyari dito?"Ella asked,lahat sila napayuko at nag-iwas ng tingin.

naikuyom ko ang kamao ko "ANONG GINAWA NIYO SA KAIBIGAN NAMIN?!"

Hindi sila sumagot at nanatili lang nakayuko.


HINDI!!!


binuhat ni Haze si Luna at napansin ko agad ang dugo nito sa likuran niya.

Napatakip ako ng bibig

The Class B-7 : Worst Section (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon