CHAPTER 4 : THEY MEET
Luna Pov's
Pano ko ba ededescribe ang araw na ito?
Nakakaasar,Nakakabadrip,Nakakainis at sobrang nakakainis.
Psh!
"Nandito ako ngayon sa Korea dahil may inaasikaso ako,stress ako ngayon kaya ayaw kong makarinig ng reklamo mula sayo,diyan ka mag-aaral no buts or else!!"
naalala ko na naman ang sinabi ng walang awa kong kapatid.
Iniwan niya ang maganda niyang bunso dito sa Pinas at enenroll pa sa abnormal na paaralan na yun.psh!
Pero kahit ano man reklamong gawin ko,o tawagan ko pa ang mga parents ko.wala akong magagawa kundi sundin si kuya,walang epekto yung pagmamakaawa ko sakanya kahapon.
Kaya here i am,naglalakad patungo sa abnormal na school na yun.
Wala ako sa mood magpahatid at sinadya ko talagang maagang pumasok para maenjoy ko din ang sariwang hangin at para mahimasmasan ang utak ko.
Ngunit napatigil ako sa paglalakad ng may madaanan akong isang bar,napailing nalang ako na kahit maaga na ay may nag iinuman parin.
akmang lalakad na ako ng bigla ang harangin ng apat na lalaki at sa tansya ko'y mga lasing ito.
"Hi miss ang sexy mo naman"
"Sali ka naman samin"
Bahagya akong napaatras at pilit ngumiti sakanila.
"Pasensya na po,may pasok pa kasi ako"mahina kong saad.
Akmang hahawakan ako ng isa sakanila nang may biglang humawak sa kamay ko.
"Sa lahat ng babastosin niyo napili niyo pa talaga ang girlfriend ko?"rinig kong saad ng lalaking may hawak sakin,kita ko ang pagka-takot sa mukha ng mga lasing na lalaki at dali-daling kumaripas ng takbo.
kunot-noo ko naman tinignan ang lalaking may hawak sa kamay ko.
"Hi I'm Aric,your boyfriend"preskong saad nito at kinindatan pa ako.
napangiwi naman ako sa asal playboy niya,psh! gwapo nga ngunit babaero naman.
Familiar ang pangalan ng lalaking to,hindi ko alam kong san ko narinig yung pangalan niya pero siguro dahil isa siyang playboy o model ang isang to.che!
"Una,salamat sa pagligtas mo sakin pero kong kapalit naman ng pagligtas mo ay maging boyfriend kita? wag ka ng umasa"usal ko sakanya at akmang tatalikuran na siya ng hilahin niya ako bigla at akbayan.
"HOW DARE YOU ARIC?! BINIGAY KO LAHAT SAYO TAPOS IPAGPAPALIT MO LANG AKO"
Napamaang at gulat akong napatingin sa babaeng parang clown ang mukha sa sobrang kapal ng make up.
"Iniligtas kita kaya makisabay ka nalang sa sasabihin ko"bulong nito sakin.
taas kilay ko siyang tinignan,aangal na sana ako ng magsalita ulit yung babaeng nasa harap ko.
"WALANGHIYA KANG BABAE KA,SLUT!! NILANDI MO YUNG BOYFRIEND KO"biglang usal nito.
mas lalong tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi ng clown na ito.
mabait ako ngunit hindi ko hahayaan na sabihan ako na malandi at nanggaling pa talaga sa maruming bunganga ng clown na ito.
huminga ako ng malalim at tinignan siya paa hanggang mukha niya.
"Una sa lahat hindi ko kasalanan na ako yung pinili niya dahil di hamak na mas maganda ako sayo,look at yourself pinipilit mong maging maganda kaya ang kinalabasan katawa-tawa.pangalawa ang halimbawa ng isang slut ay nababagay sayo at hindi sa tulad ko"I said then smirked.
BINABASA MO ANG
The Class B-7 : Worst Section (Completed)
AkcjaKilalanin si Luna Psykeia Zin Moontelio isang babaeng hinahangaan ng lahat dahil sa taglay nitong kabaitan,kagandahan at katalinuhan. ngunit pano kong mapunta siya sa isang section ng bagong school na papasukan niya? Hindi lang basta ordinary sectio...
