CHAPTER 25 : LAGNAT
Luna Pov's
"Pstt butler george,gising!"mahina kong tinapik ang butler ko dito sa kwarto niya,It's already 12 midnight kaya tulog na lahat ng tao dito sa mansion,pero ako hindi makatulog dahil iniisip ko yung kwentas ni Haze na nahulog ko sa sapa.
"Hmm--young lady?"tugon nito sabay balikwas ng bangon ng makita ako.
"Samahan mo po ako"tugon ko
"Po? pero young lady dis oras na ng gabi,san niyo balak pumunta?"kunot noo nitong tanong,napabuntong hininga ako.
"Babalik tayo sa lugar na pinuntahan namin kanina"I said
"PO?!! PERO YOUN--"
"Shhh hinaan mo lang boses mo,baka magising sila Yuki.tsaka sandali lang tayo dun may hahanapin lang akong importante"saad ko,hindi ako makatulog dahil naguguilty ako sa nangyari kanina,hinanap namin ang kwentas kanina ng mahulog ito pero biglang umulan kaya hindi natapos ang paghahanap namin,kaya ngayon ipagpapatuloy ko yung paghahanap.
>___________< Dahil hindi ako makatulog nang hindi ko nasasauli yung kwentas kay Haze!
Hindi sana papayag yung butler ko pero wala siyang nakagawa dahil sa kakulitan ko.
—
"Hayys nasan na kaya yun?---butler Goerge may nakita ka ba dyan?"sigaw ko
"Wala po young lady"
Isang oras na kaming naghahanap dito pero hindi ko mahanap yung kwentas.
PERO HINDI AKO SUSUKO!!
T___________T dapat mahanap ko yung kwentas para mabalik ko kay Haze!
"Young lady,bukas nalang natin hanapin yung kwentas dahil balita kanina na uulan ng malakas ngayon,baka kong mapano kapa"saad nito habang papalapit
Umiling ako"Hindi po pwede,kailangan mahanap ko yun ngayon para bukas maibigay ko na ito sakanya"
napabuntong hininga na lamang yung butler ko at nagpatuloy sa paghahanap.
Habang lumilipas ang oras nakaramdam na ako ng pagka antok pero nilabanan ko parin ito.
Hanggang sa.. "WAHHHH! NAKITA KO NA YUNG KWENTAS"tumatalon na sigaw ko at biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"YOUNG LADY!! PASOK NA SA KOTSE"sigaw ng butler ko
agad naman akong nagmadaling pumunta.
Pero dahil sumapi ata sakin ang kamalasan napatid pa ako sa bato.
At ang sakit ng paa ko huhu!
-KINABUKASAN-
×__________× ako yan,ang sakit ng paa ko plus inaantok pa ako.
Ang laki din ng eyebags ko,psh! kong may charity lang ng eyebags magdodonate talaga ako.
"BAKIT KA KASI PUMUNTA NG MAG ISA DUN? SANA GINISING MO KAMI!! AYAN,TIGNAN MO NANGYARI SAYO? PAIKA IKA KA NGAYON MAGLAKAD"sermon ni Yuki sakin,opo! kanina pa niya ako sinesermonan ng makita niyang paika ika ako maglakad.
"Sorry na sista,tsaka nangyari na naman eh wala ng magagawa yang sermon mo hehe"saad ko at nagpacute sakanya.
"Ouch!!"
pinitik na naman niya ako sa noo,jusko! bakit ba hilig niyang pitikin yung noo ko?!
Akmang magsasalita pa siya ng inunahan ko na "OH MY GOD! MALALATE NA TAYO DALII!!"saad ko sabay paika ikang nagmadali na lumabas.
BINABASA MO ANG
The Class B-7 : Worst Section (Completed)
ActionKilalanin si Luna Psykeia Zin Moontelio isang babaeng hinahangaan ng lahat dahil sa taglay nitong kabaitan,kagandahan at katalinuhan. ngunit pano kong mapunta siya sa isang section ng bagong school na papasukan niya? Hindi lang basta ordinary sectio...
