Chapter 48 : Last Battle

368 21 1
                                        

CHAPTER 48 : THE LAST BATTLE

Sky Pov's

Sunod sunod na latigo ang naramdaman ko sa aking likuran,masakit. Sobrang sakit pero pinigilan ko ang aking sarili na sumigaw.


"Ang tibay mo naman Sky bravo!!"she laughed and smirked.


Hindi parin ako makapaniwala na nakaya niya kaming traydorin.



"We trusted you Chyska,tinuring kitang parang kapatid kona.. a-anong nangyari sayo?"seryoso at diin kong saad,tumawa siya at nanlilisik na tumingin siya sakin,nababaliw na siya psh!



"Noon pa man gusto ko na kayong patayin,gusto kong maranasan ninyo ang naranasan ng pamilya ko"galit niyang saad,nakagat ko na lamang ang ibabang labi ko dahil sa patuloy na paglatigo niya sa likuran ko.


Ilang segundo bago siya tumigil,madiin niyang hinawakan ang mukha ko.

"Pasalamat ka may ilang minuto ka pa bago mamatay,kailangan sa harap mismo ni Luna kita patayin."nakangisi niyang saad,lumabas siya at pumasok naman si Raven. Ang adviser ng B-7 noon pa man,ang taong hindi ko akalain na tatraydor din.



"Isa ka na pa lang puppet ngayon ,sunod sunuran sa gusto ng iba!"



natawa siya sa sinabi ko "I'm not a puppet Mr. Moontelio,It's just that I need to do this for the sake of my wife"he said na ikinakunot noo ko.I was about to asked him ngunit may biglang pumasok,mistesang babae ito,nang magtama ang paningin namin pareho ay biglang lumakas yung tibok ng puso ko.


"Meet Zoe A.k.a Sandra,my wife"he said




Nanlaki ang mga mata ko.



"S-Sandra?"mahina kong saad,mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko, Ngunit agad akong nagtaka.Impossible! Iba yung mukha niya.



She smirked "Long time no see"



"N-Naguguluhan ako panong nangyari na buhay ka? Bakit nagbago a--"



She laughed "hanggang ngayon slow ka parin Sky,duh! It was all just an act para mapaaway si Cloud at ang B-7 tsk! malaki atraso ng mga hayop na yun samin,nabago pa mukha ko psh! buti nalang worth it yung kunyare pagkamatay ko"saad niya





"W-What?"




Lahat ng ito plinano nila.. Damn it! ilang taon na naghirap yung kapatid ko dahil sa pekeng pagkamatay niya tangina!!





Gusto kong magwala,gusto kong ilabas itong galit ko ngunit nakakadena yung mga kamay ko. Tangina!




Lumapit siya sakin at hinawakan ang mukha ko. "Why sky? Do you still love me till now?"mapang akit niyang saad,matalim ko siyang tinignan. I can't believe na nagustuhan namin pareho ni Cloud ang ganitong babae psh!



Iniwas ko ang mukha ko at seryosong tumingin kay Raven "See? yan ba yung babaeng nagustuhan mo? masyadong ilusyonada at..malandi"natatawa kong saad,she slapped me.



Akmang hahampasin niya ako ng latigo ng pigilan siya ni Raven.



"Enough! we still need him"


She smirked "Kong nahihirapan ka ngayon mas mahihirapan ka sa makikita mo mamaya"saad nito bago lumabas. Naalala ko bigla si Zin. Damn! S-Sana naman hindi siya pumunta dito ng mag isa.



"Kumilos ka sa sarili mong kagustohan wag mong hayaan na pati ikaw ay lamunin ng galit,itama mo ang alam mong mali SIR Raven"saad ko bago siya makalabas.sinadya kong diinan ang salitang 'Sir' upang ipaalala sakanya kong gaano siya naging mabuting guro ng Moonlight.


The Class B-7 : Worst Section (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon