CHAPTER 6 : FAVOR
Luna Pov's
"Ano ba tigilan niyo si K--ahhh!!"nabaling ko ang tingin ko kay Zoe nang sumigaw ito.
Hawak ng mga alipores ni bubuyog ang buhok niya psh!
"San kayo pupusta?"
"Sa pula ako"
"Sa blue corner ako kay Zin"
"Isasalang ko ang kotse ko paniguradong panalo ang manok ko"
"Isasalang ko Hacienda namin kay Zin ako pupusta"
"Pasensya na pre ayaw namin sa kabayo"
Inis naman akong tinignan ang mga kaklase ko na pinapalibutan na kami.imbes tulungan ako,nagpupustahan pa ang mga loko,psh! anong akala nila sabungan to?
"BITCH!!BITIWAN MO ANG BUHOK KO"buzz na saad ni bubuyog.
napapikit ako sa sakit ng sinuntok niya ako sa sikmura pero hindi ko ininda yun.
ginamit ko ang tinuro ni Kuya sakin na pandepensa sa sarili.
hinawakan ko ang kamay niya at mapwersang pinilipit ito patalikod tsaka ko siya sinuntok sa mukha.
"AYAN QUITS NA TAYO!!"sigaw ko dito
"Oh my God! My nose"taranta niyang saad
tss! retokada.
akmang tutulungan ko na si Zoe ng may biglang sumigaw na nakapagtahimik samin lahat.
"LAHAT NG SANGKOT SA GULO NA ITO,GO TO THE GUIDANCE OFFICE NOW!!"
Patay!
Yung adviser namin.
Nakita ko naman na bumalik na sa pagkain ang mga loko kong kaklase.
Bwesit! painosente,parang di mga nagsipustahan kanina.
Pasimple sanang tatakas si bubuyog at mga alipores niya kaso mahigpit ko itong nahawakan sa braso,tinignan pa ako nito ng masama ngunit mapang asar ko siyang nginitian.
"Sige po maam,isasama ko na din ang bubuyog na ito,nagalaw ko kasi ang honey niya kaya sumugod siya sakin,kasama ang mga alipores niyang bubuyog din"innosente at pabiro kong saad,dinig ko naman ang mahinang tawa ng mga tao sa cafeteria ngunit si maam seryoso lang nakatingin samin at senenyasan kaming sumunod.
-GUIDANCE OFFICE-
"Sino ang nagsimula ng gulo?"tanong samin ng principal
tinuro namin ni Zoe yung mga bubuyog.
"Excuse me!! hindi kami ang nagsimula ng gulo"hirit ni bubuyog
"Shut up Miss Gomez"principal
"Natanong kona kanina kong sino-sino ang nag umpisa at sinabi ng iba na si Miss Gomez ang nag-umpisa,pinahiya niya si Miss De Leon at umawat naman si Miss Moontelio kaya sila nagkagulo"mahabang salaysay ni Maam.
Napaayos naman ako ng upo ng seryoso kaming tinignan ng principal.
"Miss Gomez at sa mga kaibigan mo 2 weeks niyong lilinisin ang gym"
napatayo naman si bubuyog.
"But hindi--"
"Susuwayin mo ba ako?"seryosong saad ng principal.
Ngunit hindi nagpatinag si bubuyog at nagpapadyak pa.
"This is unfair,how about her? siya ang may kasalanan,pakialamera kasi!!"diin na saad nito at pinandilatan pa ako,inirapan ko lang siya.
Masama naba ako? kong sasabihin ko ang salitang BUTI NGA SAKANYA.
"May ipapagawa din ako sakanya kaya patas kayong dalawa Miss Gomez"
BINABASA MO ANG
The Class B-7 : Worst Section (Completed)
ActionKilalanin si Luna Psykeia Zin Moontelio isang babaeng hinahangaan ng lahat dahil sa taglay nitong kabaitan,kagandahan at katalinuhan. ngunit pano kong mapunta siya sa isang section ng bagong school na papasukan niya? Hindi lang basta ordinary sectio...
