Chapter 5 : Troubles

710 42 2
                                        

CHAPTER 5 : TROUBLES

Luna Pov's

"Get.the.hell.out of here"diin na saad nito

nanghina bigla ang tuhod ko sa matalim at malamig na tingin nito sakin,parang umurong yung dila ko at hindi ako makapagsalita.

Nakaramdam ako ng takot at hindi ko alam kong bakit.

Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko at sobrang sakit nito.

"Haze tama na yan"rinig kong saad ni Aric at hinila ako at tinago sa likuran niya.

"What the hell are you doing?!"galit na tugon ni Haze.

Ikinalma ko ang sarili ko at pinigilan wag matakot.

Huhu bakit ganito kahalimaw ang tao na ito? Wala naman akong ginawa sa--ay oo nga meron,sinampal ko nga pala siya ng putek.

pero kasalanan naman niya yun bwesit!! bakit nga ba natatakot ako?!

"Babae parin siya Haze"saad ni Aric,Kaya pala familiar ang pangalan niya dahil siya yung sinasabi sakin ni Zoe na parte ng OT7.buti naman nandito ang preskong babaero na ito kundi wasak na buto ko sa braso.

Sinilip ko yung mukha ni Haze ngunit napaiwas ako ng tingin nang tinignan ako nito.

"TUMIGIL KANA MR. MADRILEJO!! UTOS NG PRINCIPAL NA DITO SA SECTION NIYO SI MISS MOONTELIO AT WALA NA KAYONG MAGAGAWA DUN"

gulat naman akong napatingin sa adviser namin ng bigla itong sumigaw jusko! yung boses niya parang megaphone sa lakas.

"Shut the fvck up!!"sigaw niya sa adviser namin ay hala walang respeto ang isang ito.

ano bang kinagagalit niya?! yung pagsira ko sa side mirror ng kotse niya? Eh tama naman yun eh hindi niya masabi yung salitang "sorry" tapos tinawag pa niya akong stupid like sa ganda kong ito? tapos hinila pa niya braso ko at ang sakit nun plus sinisigawan niya ako at pati na din si maam.

Huminga ako ng malalim upang humugot ng lakas ,naikuyom ko din ang kamao ko.

mabait ako sa mabait pero ayaw ko sa mga taong walang modo at walang respeto sa nakakatanda,kumukulo dugo ko psh!

"HOY IKAW!!" Sigaw ko at dinuro siya.

hindi ko na siya hinintay magsalita at lumapit ako sakanya tsaka siya tinadyakan sa ano niya basta yung ano.

"W-WHAT THE--"daing niya

"ANONG KARAPATAN MONG SIGAWAN AKO?! IKAW YUNG MAY KASALANAN KAYA SINAMPAL AT SINIRA KO YUNG SIDE MIRROR NG KOTSE MO KAYA WALA KANG KARAPATAN NA SIGAWAN AT SAKTAN AKO!!"sigaw ko na dahilan ng pagtahimik ng mga kaklase ko tanging pag daing niya lang dahil sa pagtadyak ko sa ano niya.

"I FVCKIN KILL Y--"

"Shut the fvck up!!"ginaya ko yung sinabi niya kanina,kala niya ha!

"Itatak mo ito sa utak mo,hindi mo ako mapapaalis dito dahil hindi ka PRINCIPAL at hindi ka din guro dito,kong gusto mo ikaw nalang umalis isama mo yang mga galamay mo!!"sigaw ko at tinuro yung mga kaklase ko kita ko ang pagkagulat sa mga mukha nila.

Pagkatapos ko yun sabihin dali-dali akong lumabas at nang makalayo ako patakbo akong nagtungo sa harden ng school.

"Wahhhhh ginawa ko ba talaga yun?Pano kong saktan niya ulit ako? Owemjii baliw kana Luna alam mo naman na mga takaw gulo yun diba"sermon ko sa sarili ko.

napatampal nalang ako sa aking noo at napaupo sa damuhan.

"Pero kasalanan naman niya yun,anong karapatan niyang sigawan ako?! Eh siya itong may kasalanan sakin hmp"usal ko

The Class B-7 : Worst Section (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon