CHAPTER 13 : USAPANG LOVELIFE
Luna Pov's
Nandito ako ngayon sa mini park,nagpapahinga sa isang bench dahil kakatapos ko lang magjogging,kasama ko ang aking cute na cute na aso.
Hindi kasi ako masyadong nakatulog kaya maaga akong nagising para makapagjogging ako.
Habang nakaupo may biglang lumapit sakin na puting aso,aww ang cute naman niya.
hinimas ko ang ulo nito at sininghot singhot naman niya ang aso ko.
"SNOWBALL!!"
napalingon naman ako sa sumigaw.
"Keiaa"
Sila Kiro at Calyx,kumaway naman ako,tumakbo naman yung puting aso kay Calyx.
"Hey,masaya akong makita kita"nakangiting saad ni Kiro,ngumiti lang ako sakanila pero si Calyx iniignore ako,hmp!
Bigla naman lumapit sakin yung aso ni Calyx at yung aso ko naman pumunta sakanya.
"Aso mo?"biglang tanong ni Calyx,tumango lang ako,bigla naman itong ngumiti at hinimas ang ulo ng aso ko.
"Mahilig yan sa aso kaya tignan mo nagmukha na din aso"bulong na saad ni Kiro sakin.
"Tarantado! naririnig kita"singhal ni Calyx sakanya,napatawa ako ng mahina nang nagtago sa likuran ko si Kiro,babatukan kasi sana siya ni Calyx.
*Kruuu Kruuu*
Palihim akong ngumiti ng tumunog yung tiyan ni Calyx.
"Badtrip!!"
"Tara sa bahay,dun na kayo magbreakfast"
dali-dali naman tumango si Kiro samantalang nakapoker face lang si Calyx,hinawakan ko ang braso nito.
"Tara na,wag kana mahiya tutal wala ka namang hiya"I said,natawa si Kiro sa sinabi ko samantalang tinignan naman ako ni Calyx ng masama,awsus hindi na uubra sakin yan.
Hinila ko na siya,kaya wala siyang nagawa kundi sumama.
NANG MAKARATING sa bahay binati agad ako ng mga maids.
"Ang laki naman ng bahay mo Keia"Kiro
"Hindi naman akin to,sa magulang ko"saad ko
"Bakit nandito ang lalaking yan?!"bungad agad ni Ella at tinuro si Calyx,tinignan ko naman si Calyx at masama itong nakatingin kay Ella.
"Kasama mo sila dito?"bulong ni Kiro tumango lang ako.
"Ah dito siya kakain Ella since kaibigan ko sila"saad ko,nag what look naman siya sakin.
"Hi sa inyoo"bati ni Chyska,tumango lang si Kiro at ngumiti samantalang sila Calyx at Ella nagpapatayan sa tingin.
"The more you hate,the more you love"biglang sulpot ni Yuki.
"HINDI AKO MAIINLOVE SA PANGIT NA YAN!!"sabay na saad nila Ella.
napangiti ako,oww! Nakakaamoy ako ng "Loveteam"
"Anong pinagsasabi niyo?binasa ko lang naman yung nakasulat dito"Yuki said at pinakita ang librong hawak niya,napatawa nalang ako.
Inilagay na ng mga maid ang lahat ng pagkain sa lamesa,kita ko ang paglunok ni Calyx.
"Mamaya na yung lambingan--este awayan niyo,magsikain muna tayo"saad ko at umupo na,ganun din ang ginawa ni Kiro at Calyx.
"Bakit kayo magkagalit sa isat-isa?"biglang usal ni Chyska.
BINABASA MO ANG
The Class B-7 : Worst Section (Completed)
ActionKilalanin si Luna Psykeia Zin Moontelio isang babaeng hinahangaan ng lahat dahil sa taglay nitong kabaitan,kagandahan at katalinuhan. ngunit pano kong mapunta siya sa isang section ng bagong school na papasukan niya? Hindi lang basta ordinary sectio...
