CHAPTER 41 : HEARTBREAK
Yuri Pov's
Mag i-isang araw na hindi parin nagigising si Ella.
Hindi ko na alam yung gagawin ko,iniisip ko palang na pag nalaman to ni Luna ,namomoblema nako hayys!
"Chys labas lang ako,papahangin,ikaw na muna bahalang magbantay kay Ella"tugon ko
tumango lang siya at tumingin ulit kay Ella,nakahawak parin siya sa kamay nito. Kagabi pa lang ay hindi na niya iniiwan si Ella kagabi parin siya iyak ng iyak dahil matagal magising si Ella.
Nagbuntong hininga na lang ako at lumabas na,kumuha ako ng isang pirasong sigarilyo. Pag ganitong sitwasyon mas gusto kong manigarilyo upang marelax yung isip ko.
Lalabas na sana ako patungong harden nitong hospital nang may nakaagaw ng atensyon ko dahil sa isang pamilyar na boses.
"TANGINA NIYO!! PAG HINDI NIYO INASIKASO YUNG KAIBIGAN KO MAWAWALAN KAYO NG TRABAHO!!"
Bumalik ulit ako sa loob upang makita kong kanino galing ang pamilyar na boses na yun.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa bumungad sakin.
Duguan si Sir R-Raven
AT WALANG MALAY SI LUNA?!
"PUTANGINA ARIC!! ANONG GINAWA NIYO SA KAIBIGAN KO?!!"malakas na sigaw ko dahilan upang maagaw ko ang atensyon ng lahat,agad akong lumapit kay Aric at kinwelyuhan siya.
"P--argh!! Pwede bang kumalma ka?!"nahihirapan niyang saad dahil sa pagkakasakal ko sakanya
diniinan ko yung pagkakahawak ko sa kwelyo niya pero malakas niya akong tinulak.
"*cough* W-Wala akong ginawa kag Luna,bigla nalang siyang nahimatay"saad niya
"WHAT?!"
Hindi niya ako pinansin at masamang tinignan yung mga doctor na nasa likuran niya na hindi parin lumalapit at chinicheck si Luna.
"Gusto niyo ba mamatay ng maaga?!"madiin niyang saad kaya dali daling kumilos ang lahat upang asikasuhin sila Sir Raven at Luna.
Dinala sila pareho sa ER,susunod na sana si Aric ngunit hinawakan ko yung kamay niya.
"Anong nangyari?!"mariin kong saad
"Si Sir Raven may nakalaban siyang kalaban ng B-7 at si Luna bigla nalang siyang nahimatay at hindi ko alam ang dahilan"saad niya na ikinakunot noo ko.
"May sinasabi ba siya nung nahimatay s--"
"Oo,sinasabi niyang marami siyang dugong nakikita sa paligid pero walang nagkalat na dugo sa lumang building"saad niya ,dumoble ang kaba sa puso ko.
P-Pano kong babalik na yung ala-ala niya?
Nakaramdam ako ng saya dahil isang malaking good news kapag sakaling bumalik na ang ala-ala niya.
"Hoy babae,anong klaseng reaksyon yan? Nakangiti? Tangina nakakatakot ka!"
Nagising naman ang diwa ko dahil sa boses ni Aric,inirapan ko lang siya at umupo upang hintayin si Luna dito sa labas ng E.R
BINABASA MO ANG
The Class B-7 : Worst Section (Completed)
БоевикKilalanin si Luna Psykeia Zin Moontelio isang babaeng hinahangaan ng lahat dahil sa taglay nitong kabaitan,kagandahan at katalinuhan. ngunit pano kong mapunta siya sa isang section ng bagong school na papasukan niya? Hindi lang basta ordinary sectio...
