2* GALA WITH THE BEASTFRIEND

57 2 0
                                    

Kath's POV

Good morning tropapits! Haha. Saya naman ngayon oh. Bakasyon pa kasi. Bumangon na ko ng kama at ginawa ang aking mga morning rituals pagkatapos bumaba na para kumain ng almusal. Aba, pagbaba ko ! Nakakita agad ako ng halimaw. Anakng! Bat yan andito?!!

" ANONG GINAGAWA MO DITO ESTRADA??!!" Napasigaw na lang ako ng di oras. Kasi naman, anong oras lang ba? 8:30 ng umaga mambubulabog agad siya? Sumbong ko kaya siya kay tita K.

" Ano bang problema mo Kacha?! Makasigaw ka naman parang ang layo layo ng kausap mo sa kinatatayuan mo! Nandito ako kasi ako lang naman ang nagluto ng kakainin mo ngayong umaga! At makikikain na din ako! " Hindi ako makapaniwalang siya pala ang nagluto ng lahat ng yan? May fried egg, hotdog, at bacon. Sabagay, basic lang naman yan eh.

Umupo nalang ako sa tabi niya.

" Sino ba kasing nagsabi sayo na ipagluto mo ako? Wala di ba? Tsaka ang kapal mo naman DJ! Dito ka pa talaga nakikain samin! Dun ka sa inyo! Sarap sarap magluto ni tita Karla tapos inaayawan mo?! " sabay inom ko ng mainit na kape.

" Si Tito lang naman ang nag bilin sakin na ako muna ang makaksama mo buong araw dahil may pinuntahan sila ng mga kuya mo! Oh ano angal ?! Tsaka hindi makapal mukha ko noh! Natural ako nagluto eh alangang di ako makatikim man lang? Tsk. Dami mo pang sinasabi kung kumain kanalang kaya. " sabi naman niya. Kahit kelan talaga ang sungit sungit niya! Nakakainis na. Ewan ko ba kung bakit yan ganyan! PMS ata lagi eh. Wahaha!

After namin kumain ng breakfast eh sinipag naman ako kaya ako nagpresinta na mag linis ng pinagkainan namin. Nakakainis lang tingnan na habang ako ang naghihirap dito sa lababo eh siya naman tong ang sarap ng buhay na nanonood ng PBA sa tv lang naman namin. Bwisit! Binilisan ko na ang paglilinis ng pinggan at tinuyo ko na ang kamay ko pagkatapos tumakbo papunta sa kung san siya nakaupo.

" Oh anong problema mo? " tanong naman niya.

" Tinatanong mo kung anong problema ko? Eh alam mo namang pareho nating paborito yang panonood ng basketball game tapos ni hindi mo man lang ako inayang manood ? " kunwariang pagtatampo ko.

" Sus. Nagtampo pa. Eh ikaw eh, nagpapaka sipag ka dun sa may lababo, hinayaan na lang kita. Haha. "

" Ang sama mo talaga ! BEAST KA TALAGA!BEAST! HALIMAW! GRRRR. " sabi ko naman.

Hindi kami nagkibuan ng matagal hanggang sa matapos yung game. Pero hndi rin ako natiis nitong beast na to at siya ang unang nagsalita.

" San mo gustong pumunta? Bored na ko eh. " sabi naman niya.

" So pinapansin mo lang ako pag bored ka? Ang lakas ng hangin mo tol ah? Babagyuhin ata ang buong kabahayan namin. " Ako.

" Alam mo ndi na kita maintindihan minsan? Ano ba talagang tumatakbo sa isip mo? May psychological disorder ka ba? Tara pacheck up na kita. Lumalala na eh. " Siya.

" Kung magbibiro ka siguraduhin mo namang nakakatawa kasi lugi ka eh. O sige na, may pa check up check up ka pa diyan. Umpog kita sa pader eh. Oo na, sama na ko . magbibihis muna ko diyan ka lang. Wag kang aalis. Pag ako tinakasan mo, iuumpog talaga kita pramis. " pagbabanta ko at umakyat na sa taas.

Naligo na ko at nagbihis. Naka Acid Wash Pants ako tapos Black Converse Shoes tapos nag Sando na Black na pang TOP tapos.... Syempre di pa yun tapos, di ako ganun manamit noh. Mau patong pa rin yung Hang In na Shirt, Floral siya then may nakadrawing na Infinity. Tapos kinuha ko na yung Black Round Cap ko na may nakasulat na GAP.Nakalugay lang ang buhok kong pagka haba haba dahil ayaw pa ipaputol ni Papa pero may dala akong pamuyod para isasalapid ko nalang pag binanas ako mamaya. Chineck ko muna ang phone ko kung may nagtext and meron nga.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon