26* Can you be my Date?

14 0 0
                                    

Kath's POV

Hey guys! Goodmorning! Ang bilis lumipas ng mga araw no? Kailan lang, nag aacademic awarding palang tapos ngayon naman, malapit na mag Prom. Haaaayyy. February 12 na kasi ngayon. Feb. 14 naman yung Prom namin. Grabe nga eh, kasi tinapat talaga sa Valentines Day. Psh. -_-

Nandito kami ngayon sa school, kasi nga general dance rehearsal na namin para dun sa Intermission Number namin sa Promenade. Nakakaramdam na nga ako ng kaba kasi hindi naman ako sanay sa mga ganyan ganyan. Tsaka, wala pang nag aaya sakin bilang date. Tssssm -_______- Joke! Haha. Ano naman kung wala? Okay lang naman eh. Aanhin ko ba ang date? At the end of the day, uuwi rin naman kami sa mga bahay namin. Sus.

" Hey guys! Whats up? Excited na ba kayo para sa JS Prom niyo? Yieeeeeee. Haha. " Ate Jane. Ay nako ate, more nervous, less excited.

" So, alam niyo na naman siguro na ngayon ang ating Gen. Rehearsal di ba? So kailangan polished na at walang magkakamali okay? BTW, since alam nating lahat na naexpelled si Sofia, nakakalungkot naman, kaya Dwayne, ako na lang ang partner mo. :) " Ate Jane.

After ng ilan pang mga sinabi ni Ate Jane, nag practice na kami. Grabe. Sana maging maayos yung pagpeperform namin.

**********

Time check: 3:30 pm.

Haaaaaay. Kakapagod! Wooo. I am so tireeeed. Pero masaya :) Nga pala, maaga kami pinalabas ngayon ni Ate Jane kasi may aasikasuhin pa daw siya. Pero ang totoo pala, may DATE si Ate. Hahaha! Si Ate talaga. Bagets na bagets pa kumilos.

" Kacha, pwede ba akong dumaan sa inyo? Gusto ko lang sanang makausap sina Tito at Tita. " sabi ni DJ sakin habang naglalakad kami. Eh sina Julia at Kiray kasi, titingnan daw nila yung gown na pinarentahan nila for the prom, kaya hindi namin kasabay. Yung sina Les naman, ayun, pupuntahan din ang pinatah nilang suit. Haysus. Kaya kami nalang ni DJ ang sabay umuwi. Kasi sabi ni Mama tsaka ni Tita Karla, since pahinga kami bukas ( February 13 ) eh, sabay na daw kami magtingin ng susuotin ni DJ. Pero syempre, kasama sila.Hay, sina Tita at Mama talaga.

" Ha? Bakit? Ano bang meron? Kung tungkol yan sa pagtitingin natin ng gown and suit bukas, eh bukas niyo nalang pag usapan. Hindi makapaghintay? " sabi ko naman sa kanya.

" Eh basta! Wag ka ng makulit kasi hindi mo rin naman ako mapipilit na sabihin sayo. Basta ha? Sasabay ako sayo. Si Tita at Tito naman ang kakausapin ko, hindi ikaw! Oh kaya pwede din yung mga Kuya mo. " sabi naman niya. Srsly? Ako lang di niya kakausapin? Tungkol ba kasi saan yun?

" Oh edi hindi. Dami mong sinasabi. Bilisan nalang natin maglakad para mas maaga kang makarating sa bahay. At para makaalis ka rin agad! Bawal ang halimaw sa bahay namin eh! " sabi ko naman. Hahaha.

******

" Hi Tito, Tita, Kuya Quen, Kuya Xan. " bati ni DJ sa kanilang apat. Himala ah? Nandito silang lahat?

" Hi DJ. So, what brought you here? May kailangan ba si Karla? " sabi ni Mama.

" Ewan ko nga diyan Ma eh. Basta ang sabi niya, may sasabihin daw sa inyo. Ano nga ba kasi yun Daniela? " Ako.

" Gusto ko po sanang yayain si Kath bilang Prom Date ko. Kung okay lang po? "
LOADING.....

PROCESSING....

LOADING....

PROCESSING....

Ano? Ako ? Magiging prom date ni DJ? Pero bakit naman ako? Tsss. Nakakainis pero bakit ganun? Parang ang saya ko pa na ako ang pinili niya. Hay nako Kath, ewan ko sa yo.

" Huh? Pero bakit naman ako? Madami namang iba diyan eh! Bakit ako pa? " sabi ko naman.

Hiniritan naman ako ni Mama. Tsss. Sinasabi ko na nga ba at kampi to kay Daniela.

" Ano ka ba naman anak?! Si DJ na ang nag yaya sa yo oh! Bestfriend mo na, tatanggihan mo pa ba? Tsaka, mas palagay ang loob namin ng Papa mo kapag si DJ ang maging partner mo dun . " Mama.

" Oo nga naman, anak. Mas maganda na rin kung si DJ ang maging date mo kasi, alam naming safe ka sa kasama mo. " at ginatungan pa ni Papa. Tssss. Pag talaga si Kuya Quen at Kuya Xander ganun rin ang sinabi, ewan ko nalang talaga.

" Hanep ka Bro! Dumadamoves ka na kay Bunso namin ah. Pero, payag na rin ako kung ikaw lang naman kasama ng kapatid namin. " PATI BA NAMAN SI KUYA QUEN? Hay nako. Isa nalang, pag itong isa na to ganun na din, grabe na!

" Oo nga. Pero! Aalagaan mo tong bunso namin pagdating niyo dun ha. Wag na wag mo tong papabayaan! Tsaka, wag na wag mo tong iiwan ng magisa, at wag na wag mong paiinumin ng alcoholic drinks kung meron man. " AY GRABE NA TALAGA TO. Lahat sila payag na maging prom date ko si DJ?

" Grabe? Lahat talaga kayo payag na maging date ako ng halimaw na to? Tsss. " Ako.

" Bakit? Sa tingin mo sino pa bang magyayaya sayong maging date kung hindi ako? May nag aya na ba sayo? Aminin mo man o hindi, ako ang una di ba? Di ba? " DJ. Oo na ! Ikaw na! Ikaw na!

" Tss. Oo na ! Oo na! Kailangan talaga ipamukha? O sige na, baka hinahanap ka na nina Tita K sa inyo. Uwi na! Para kang asong gala diyan eh. " sabi ko naman. Haha!

**********

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon