45* Misunderstanding

16 0 0
                                    

Kath's POV

1 week have passed. One week na kaming walang communication ng bestfriend ko. At masakit para sakin yun. Kasi hindi naman kami sanay na ganito eh. Sanay kami na magkasama sa lahat ng bagay, partners in crime pa nga kami e. Sa lahat ng byahe ko sa buhay kasama ko siya, at lagi lang rin naman akong nandito kapag may problema siya. Ayoko na ng nangyayari, hindi ko na matitiis na hindi siya kausapin. Kasi mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya at kahit na ano pa yung maging problema mas nangingibabaw pa din sakin na mahal ko siya. Kahit na magulo yung sitwasyon, kahit biglaan ang pangyayari, ang alam ko lang sa isipan ko na mahal ko siya.

Hindi naman mali ang magmahal di ba? Hindi naman mali na mahalin mo yung isang tao. Siguro sa mata ng iba, mali kaming dalawa na minahal namin ang isat isa kahit na alam naming mag bestfriends kami. Pero papakealaman pa ba namin ang insight ng ibang tao? Wala namang maitutulong yun kasi hindi pa din mapipigilan nun yung feelings namin. Yung feelings ko. Sa totoo lang, sobrang nahihiya ako kay DJ. Sobrang nahihiya ako sa sarili ko kasi naging maarte ako. Feeling ko naging makasarili ako kasi tinalikuran ko lang siya ng basta basta, ng walang pasabi kung bakit, o kaya naman kung anong sagot ko sa sinabi niya.

Ewan. Bahala na. Bahala na talaga. Basta ang alam ko lang ngayon? Mahal ko na talaga siya, at ayokong mawala siya sakin. Nung hindi ko pa alam na may gusto rin siya sakin, ayoko ng mawala sya sakin kahit hamak palang akong bestfriend. Pero ngayong alam ko na pareho kami ng nararamdaman, hindi ko na papalagpasin ang chance na magkaaminan kami. Woo! Aja! Kaya ko to, ako pa? Basta love ang paguusapan, at para kay Daniela, gagawin ko ang kahit ano :)

[]

Ngayon, nagreready na ko at pupunta akong Theme Park malapit dito sa lugar namin. Tinext ko kasi si DJ, sabi ko magkita kami dun at handa na kong kausapin siya. Sana lang maamin ko. :(

SA THEME PARK

Nadatnan ko siya na nakaupo sa isang bench at hawak ang cellphone niya. Lumapit naman ako at tumapat sa kanya.

" Handa na kong kausapin ka, sana lang ipaintindi mo sakin lahat. " Ako.

" Salamat Kath, kasi sumipot ka. Salamat kasi handa ka ng makinig sa mga gusto kong sabihin. Thank you kasi binigyan mo ko ng pagkakataon. " sabi niya sakin. Oo, DJ. Matitiis ba naman kita?

" Oo na. Ayoko ng patagalin pa to kaya pwede bang dumiretso ka na? Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin. Hindi ako aalis, hindi ako magwawalkout, hindi ako magsasalita. Basta sabihin mo lang lahat at ipaintindi mo sakin kasi sobrang nahihirapan na ko sa mga nangyayari. Andaming tanong na nasa utak ko pero alam kong walang ibang makakasagot nun kung hindi ikaw lang rin naman. Kaya, sabihin mo na, sige na. " diretso kong sabi sa kanya. Halata ko na nagulat yata sya, hindi naman kasi ako ganito dati na, sobrang cold magsalita sa kanya. kasi sanay kami na makita ang pagkakaibigan namin as fun and thrilling kind of ADVENTURE, hindi yung ganitong tampuhan.

Tumayo siya sa harapan ko. Nakatayo na kami pareho at nakatingin ako sa baba habang siya, alam kong nakatingin sa kin. Ayokong tumingin sa kanya kasi kapag nagtama na naman ang mga mata namin? Mawawalan na naman ako ng lakas na magmatigas sa kanya. Magiging mahina na naman ako na kalabanin siya. Bibigay na naman ako. Hindi ako basta basta nawawalan ng lakas ng loob pagdating sa ibang tao pero pagdating sa kanya, ibang iba ako.

Hindi siya nagsasalita, nakatingin lang siya. Anu ba? Binigyan ko na nga siya ng pagkakataon na ipaintindi at magpaliwanag sakin e, tapos hindi siya magsasalita. Kung kelan handa na kong makinig, tsaka siya natameme ng ganyan? Hanep naman. Tapos kung makadrama siya sa Kuya Quen ko, wagas.

" Ano? Wala kang balak magsalita diyan? Wala kang balak magpaliwanag sa mga nangyari? " tanong ko sa kanya.

" Sorry. Sorry kasi hindi agad ako nakapagsalita. Tinititigan kita, hinihintay ko na tumingin ka sakin. Nagbabakasakali ako. Sorry. Sorry kasi nagkagusto pa ko sa yo. Sorry kasi nagmahal ako kahit bestfriend mo lang ako. Sorry kasi sinabi ko pa sayo kahit okay na okay tayo sa pangkaibigang relasyon lang. Sorry kung nasaktan kita, sorry kung napaiyak kita. " dirediretso niya ring sabi sakin. Sorry. Sorry. Sorry. Ang laking sakripisyo para sa kanya na magsorry sakin kahit na alam ko namang alam niyang hindi siya ang may kasalanan, ako nga yung naging PABEBE di ba? Ako na ang best actress sa eksenang walk out.

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luhang kanina pang nagwawarning sa mata ko.

" Oh? Bakit ka umiiyak? M-may nasabi na naman ba akong mali? Alam mo namang nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak, at lalong mahirap sakin kasi alam ko, na ako yung dahilan. Na sarili kong bestfriend, sinasaktan ko. Im so sorry Kath. Sorry. " hindi naman niya kelangang magsorry, kasi hindi niya ba nakikita? Ako naman may kasalanan ng lahat ng to, ayokong sa kanya mismo manggaling ang SORRY. Kasi ako dapat gumagawa nun, at lalo tuloy akong humahanga sa kanya, isang taong nakuhang humingi ng patawad sa isang bagay na hindi naman siya ang may mali.

" Sshhhh. DJ. W-wag kang magsorry sa kasalanang hindi ikaw ang may dahil. W-wag kang humingi ng tawad sakin kasi hindi naman ikaw yung may mali dito di ba? A-ako yung nagkamali. Ako yung topaking babae na ikaw na nga tong nagtapat, ako pa tong nag walk-out. Ang arte di ba? Napaka PABEBE kong bestfriend. At mali ako sa part na yun, kaya gusto ko mag sorry sa yo. Kasi ilang araw din tayong hindi nag uusap dahil sa nangyari, ilang araw din kitang namiss, BESTFRIEND. " oo, namiss ko siya.

Nakita ko naman na ngumiti siya. Pero hindi naman ako nadala sa ngiting yun kasi nakipagkita ako sa kanya for some serious reasons at hindi basta para makipagbati or whatsoever. I need to clear things out kasi di talaga kami pede, even though mahal ko sya at mahal niya ko.

" Talaga? Namiss mo ko? Pero, bakit BESTFRIEND? Hays. Mukhang friendzone na nga lang talaga ako. Pero okay lang Kacha, kahit wala kang nararamdaman para sakin. :) " kung alam mo lang, Daniela. Kung alam mo lang na mahal na mahal na mahal na mahal kita.

Kung pwede ko nga lang sabihin sa yo ng harapan ang totoong nararamdan ko. Pero kapag sinabi ko naman yun, baka pagsisihan ko yun sa huli.

" No DJ. It's, it's not like that. Hindi ko naman sinasabi na friendzone ka na agad. I mean, I did not tell you to control what you feel for me. Pero, yun kasing nararamdaman mo, hindi pwede sating dalawa eh. Kasi di ba magkaibigan tayo? P-paano kapag nagka awkward silence tayo between each other? DJ, alam kong alam mo kung gano kita kaclose. Hindi lumilipas ang isang araw na di kita nakakausap o nakakasama di ba? I mean, how? Paano na friendship natin if I will entertain what you feel for me? I think if I will do that, I've wasted the 7 years we've been through. Dj, sayang kasi e. I mean, nanghihinayang ako sa pagkakaibigan natin kung didiretso lang tayo sa pagiging TAYO, kung didiretso kalang sa panliligaw at kung icoconsider kita as my suitor? Hindi talaga pwede, DJ. " dirediretso kong sabi sa kanya. 

Hindi nalang siya nagsalita. Pero halata ko sa kanyang nadissapoint siya, at teary eyed siya. Im really very sorry, my bestfriend. Pinili ko lang maging ganito sa yo para hindi tayo maipit na dalawa. Para sa bandang huli, hindi na rin masakit.

" N-naiintindihan ko, Kath. Sorry, sorry kung nakadagdag ako ng pressure sa feelings mo. Hindi naman ako yung lalaking mapilit eh, hindi ko naman din gugustuhin na mahalin ako ng taong mahal ko dahil sa pinilit ko siya. Gusto ko, yung buong puso at tagos na pagmamahal. Pero, pagmamahal na pangbestfriend lang pala ako sa yo. Sorry, kung nag expect ako more than that. S-sige, u-una na ko k-kasi m-may p-pinapagawa p-pa s-si M-Mama s-sa a-akin e-eh. " pagkatapos niyang sabihin sa yo yun, bigla nalang siyang tumalikod sa kin pero pinigilan ko siya. Hawak ko ngayon ang kamay niya. Umiiyak ako, oo. Kasi di ko alam na aabot sa sitwasyong ganito.

" DJ, wag ka sanang magagalit sakin. G-ginagawa ko lang to para rin sa ting dalawa. DJ, wag namang ganito oh. Wag mo naman akong basta basta tatalikuran ngayon, kung hindi mo kayang marinig tong mga sinasabi ko, mas ayaw ko namang pagsalitaan ka ng ganito. Ni hindi ko nga alam na aabot sa ganto di ba? Hindi ko naman alam na ang hirap pala pag ang nagkagusto sa yo ay ang sarili mong bestfriend. Please, wag mo namang gawing mas komplikado pa to. Wag mo naman akong talikuran, please. Wag mo na kong pahirapan pang sabihin sa yo ang lahat ng to, kasi hindi ko rin naman ginusto to eh. Wag mo na kong pahirapan pa DJ kasi hindi mo alam kung gano kahirap yung nararamdaman ko. "

Nagsalita naman siya ng nakatalikod sakin.

" Oo, siguro nga hindi ko alam kung gano kahirap to para sa yo. Pero alam mo? Hindi lang naman ikaw naaapektuhan dito, mas mahirap para sakin kasi bukod sa nabasted mo na ko, hindi ko pa alam kung papano magmomove on at kakalimutan lahat ng nangyari. Lahat ng sakit, tagos na tagos na Kathryn. At nung nagtapat ako sa yo, nung nagsabi ako sa yo, tinalikuran mo ko. Siguro naman ngayon, ako naman ang may karapatang tumalikod sa yo palayo. " at pagkatapos niyang sabihin yun ay binitiwan niya ako at umalis ng papatakbo palayo.

Sorry.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon