3* Balik Eskwela

37 1 0
                                    

Kath's POV

" Nak! Nasan ka na ba? Baba ka na rito at baka malate ka sa first day of class niyo! " Hay. Si Papa talaga. Masyadong excited?

Pano kasi, balik eskwela na naman kami. Tapos na ang pahinga, kalbaryo na naman kami. Bumaba na ko dala dala ang bag ko na may lamang 2 notebook at isang Ballpen, wallet, tsaka phone. Orientation palang naman ngayon eh kaya okay lang kung hindi pa kumpleto ang gamit na dala namin.

" Pa! Good morning po. Kuya Quen! Morning. Kuya Xander! Morning. " Parang ang hyper ko yata ngayon? Ay ewan.

" Morning nak! O kain na. Pinagluto kita ng paborito mo ha? " Papa.

" Yes naman Papa! Dabest ka talaga. Oh eh ano na pong balita sa pag aapply nina Kuya? Good news po ba? Natanggap po ba kayo? " tanong ko habang kumakain ng pandesal na may palaman ng keso.

" Natanggap ako sa banko bilang accountant. Malaki laki rin ang swedo dun kaya siguradong makakatulong sa mga gastusin dito sa bahay. " Naks. Nakakaproud naman tong si Kuya Quen. Matalino kasi talaga siya, yun nga lang parang medyo naging mailap ang work sa kanya after niyang magtapos ng college, and now the biggest opportunity is here. Lalala.

" Naks naman Kuya Quen. Proud sister here! Eh ikaw Kuya Xander? Good news din ba? "

" Syempre naman. Ako pa ba ? Natanggap ako sa isang fastfood restaurant at ginawa agad nila akong branch manager nila. Ang astig rin di ba? " Wow. Grabe guys. Nakakaiyak naman. Ang gagaling dumiskarte ng mga Kuya ko. Syempre pati ni Papa.

" Ang gagaling niyo naman. Sorry po ah? Wala pa kong naitutulong para may maipasok na pera dito sa bahay para may pandagdag gastos tayo.Yaan niyo, konting sipa nalang at gagraduate na ako ng HS, tapos maya maya graduate na rin ako ng COLLEGE. MAS MAKAKATULONG PO AKO. " drama ko. Hahaha.

" Nako ano ka ba naman Anak, wala namang kaso kung wala ka pang maipasok na panggastos dito eh. Pero, mabuti nalang at nakahanap na rin ng trabaho tong mga Kuya mo. Para tatlo na kaming kakayod sa tuition mo tsaka sa mga bayarin sa bahay. Magtutulong tulong tayo para mas kaya natin ang mga gastusin dito sa bahay. Tapos ikaw naman, wag mong papabayaan ang pag aaral mo Kathryn. Ha? "

" Opo pa. Oh pano pa? Una na po ako! Baka malate ako sa orientation namin eh! Bye pa! Bye Kuya Quen! Kuya Xander bye na! "

***********

Nandito na ako ngayon sa school. Dun ako nag aaral sa school kung san nagtapos yung dalawa kong kuya. Dito din nag aaral sina Julia , Kiray, Lester, Seth, JC, tsaka Katsumi. Syempre dito na din pinag aral ni Tita Karla si BeastFriend.

Nagdiretso ako sa CR ng girls at saktong nandun pala sina Julia at Kiray, nag aayos as usual.

" Nag aayos na naman. Hindi ko na kayo nakitang di nag aayos ah? " bungad ko.

" Oh ! KATHYYYYY! Musta na? Oh well, ganto talaga kapag babae ka noh. You need to take care of your skin. Pwera nga lang sa yo, ewan namin kung bakit. " Kiray.

" Oo nga Kathy. Nga pala, natingnan mo na ba ang section list mo sa announcement board kanina? Kami kasi hindi pa eh. :( " Julia.

" Hindi pa rin eh. Teka, nakita niyo ba si Daniela? " Ako. Kung bakit ko siya hinahanap? Simple lang.

| Sa pagpunta sa school ko, dinadaanan ang bahay nina DJ. Habang padaan ako dun, tinawag ako ni Tita Karla. Naiwan daw pala ni DJ ang Wallet niya sa bahay. Binigay sakin ni Tita, ako na daw magbigay. So ayun, hinahanap ko nga siya. Baka nag one two three na yun sa jeep, eh walang pera eh. |

" Uuyyyy! Hinahanap ang beastfriend niya! Kasama ata nina Lester sa gymnasium. May dala pa ngang gitara si Kats eh. Popormahan ata si Sofia. Akala mo naman may pag asa siya dun. " ang harsh talaga nitong si Julia.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon