54- Weekend Surprise

10 0 0
                                    

[ KATSUMI'S POV ] 

" Hello? " I called.

" Yes sir? Kayo po ba si Mr. Katsumi Kabe? 'Yong nagpapa-arrange po ng bouquet? "

" Ah yes, ako nga 'yon. Itatanong ko lang sana kung handa na ba ang inorder kong bulaklak? " tanong ko naman.

" Uhm, yes sir. Actually, 'nong pagkatawag niyo palang, inihanda na namin at inarrange na agad ng mga empleyado namin dito. Siguradong matutuwa po ang pagbibigyan niyo kasi fresh po ang mga flowers. "

" Mabuti naman kung ganon. Paki-hintay nalang ako, dadaanan ko nalang yan diyan. I'll be there later. Text ko nalang ulit kayo kapag malapit na ako para maihanda niyo na ng maigi. " sabi ko.

" Sige po sir. "

After that, I ended the call.

Flowers. May naiisip na ba kayong dahilan kung bakit may flowers? I have decided na magparamdam na kay Julia at pormahan siya. Tutal, matagal ko ng alam sa sarili kong mahal ko siya. At gusto ko siya higit pa sa isang kaibigan, o bestfriend.

Siya na rin naman ang nagsabi, 'diba? Na kung mahal ko ang isang babae, huwag akong tumigil na iparamdam sa babaeng 'yon ang pagmamahal ko. Pinayuhan nya ako ng ganong advice without her knowing na siya ang tinutukoy ko. Sobrang cute niya lang kasi talaga, lalo na kapag nagtataray. Sa pagtataray niya, lalo akong nafa-fall eh.

Eto. Nakapag-shower na ako at nakabihis na rin. Handa na akong pormahan siya sa unang pagkakataon. 'Yong usapan na walang halong biruan at sungitan o payabangan, basta desidido ako na siya na talaga ang babaeng sa tingin ko ay para sa akin.

Napaka-corny ko talaga. Syet.

*******

[ JULIA'S POV ]

" Bruce, ayan ah? Madami na ulit tayong memorable pictures. Pwede ko na 'tong i-collage and then post ko sa social media accounts ko later. Ang talino talaga ng aso ko! " I exclaimed.

Naglalaro kasi kami ni Bruce kanina pa. Pinapa-aral ko sa kanya 'yong ilang tricks na napanood ko kagabi sa Youtube sa isang dog event abroad. Napakatalino naman ng aso ko kasi mabilis niyang nakabisado. At habang ginagawa niya, syempre nagte-take ako ng pictures. At pinicturean rin kami ni Manang Fe na naglalaro.

* ding dong *

I am browsing my Instagram account ng biglang may nag-doorbell. Weekend ngayon, ah? May bisita ba sina Daddy or si Mom? May bibisita bang kamag-anak 'yong mga trabahador namin?

Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Manang Fe.

" Stay there, Hija. Ako na ang magbubukas. Papatuluyin ko nalang rito kung sinoman ang ating bisita. May kausap ka bang kaibigan na bibisita sa'yo ngayon Sabado? " tanong sa akin ni Manang Fe.

Ako? Wala naman.

" Uhm, wala naman Manang Fe. Nagtataka rin ako kung sino 'yan. Or maybe, isa sa mga business friends nina Daddy and Mom. Sige po Manang, papasukin niyo nalang po whoever that will be. " sabi ko naman.

Nagpatuloy lang ako sa pagche-check ng mga posts ng followers ko sa IG. Hanggang sa tinawag ako ni Manang Fe.

" Hija,mukhang ikaw ang may bisita. Nandito 'yong sumundo sa'yo at naghatid 'nong isang araw. "

Nagulat naman ako ng may biglang lumitaw na lalaki sa likod ni Manang Fe. Anong ginagawa ni Katsumi dito?

" Ah, sige mga hijo at hija. Marami pa rin akong gagawin sa kusina. Julia, ikaw na ang bahala rito sa bisita mo ha? Tawagin niyo na lang ako kapag magpapahanda kayo ng pagkain o may kailangan kayo. " at pagkatapos ay umalis na si Manang Fe.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon