65- Happy Monthsary

47 0 2
                                    

*****
Daniel's POV
Maaga akong nagising ngayong araw. Syempre, nag-alarm talaga ako. Espesyal ang araw na ito para sa akin at sa babaeng mahal ko. Ito yung parehong date na naging kami. Sobrang saya ko kasi umabot pa kami sa ganito. Akala ko, nung nagalit siya saken, katapusan na ng lahat. Katapusan na ng pagkakaibigan, katapusan na ng samahan. Pero yun pala, dun palang mag-uumpisa yung panibagong chapter ng buhay naming dalawa. Kaya dapat talaga, paghandaan ko 'to ng mabuti. Hindi mahal, pero busog sa effort at sweetness. Simpleng babae naman yung girlfriend ko e, kahit anong pakulo ko, sasakyan niya lang. Hindi pa din naman namin kinakalimutan ang katagang, " lovers by label, bestfriends in action. "

Naghilamos ako at saka nag toothbrush. Nag ayos ng kama at saka nag-ayos ng sarili, pagkatapos nun ay tsaka pa ako nagbukas mg phone ko. Syempre, di ko pwedeng makalimutan na batiin yung mahal ko e.

To: Girlfriend Ko 💞💞

Good morning girlfriend ko. :* Sana maganda ang gising mo, ang ganda kasi ng gising ko. Syempre, ngayong araw na ito, inaalala natin yung pinakamasaya nating memory. Alam mo ba, na nung gumising ako ng araw na to, ikaw kaagad yung naisip ko. Gusto lang kitang igreet ng Happy First Monthsary. Salamat girlfriend sa lahat lahat lahat. I know it is very unusual to tell you this, but before, I almost lose my hope that this will really happen. Akala ko, matatapos na lahat nung panahong nag-away tayo ng matagal. I thank you, and thank God for making our hearts meet and collide again. Pasensya ka na sa bipolar kong ugali minsan, girlfriend. Sorry kung may mga pagkukulang man ako or expectations mo na hindi ko nagagawa. Habang mas nagtatagal tong relationship natin, pangako ko na lalo akong tatatag para mahalin ka. We'll make the magic last forever. Mahal na mahal na mahal kita, Kathryn Chandria Manuel. 😍😘😘😘😂😂💯💯💓

Sent.

Alam ko, hindi normal sa lalaki ang mag-long message. Yung iba, tinatamad talaga silang mag express ng feelings at emosyon sa girlfriend nila. Oo, alam ko na minsan di talaga kelangan ng long sweet message to express how deep you feel. Pero tandaan mga pare, hindi naman kung sino yung sesendan niyo ng long message e. Girlfriend niyo, yung girlfriend niyo na laging nandyan, yung girlfriend niyo na maeffort sa inyo. Babae sila, kelangan din naman nating ifulfill ang expectations nila kahit minsan lang. Yung maiparamdam natin na kaya nating gawin yung bagay na yun for them, di ba? Kaya ako, hindi ako mahihiyang mag long sweet message sa girlfriend ko sa public man o sa private conversation. Kase mahal ko yung taong yun, at totoo lahat ng nararamdaman ko. Maliit na bagay pa nga yung magagawa nating mga lalaki kumpara sa nararamdaman nila para sa atin, kumpara sa effort nila na mapasaya tayo, kumpara sa lahat ng pasensya at forgiveness na binibigay nila satin kapag tayo yung nagkakamali. Wala namang mawawala kung gagawin natin yun, mapapasaya pa natin sila. :) sulit di ba? ❤️❤️😍😍😍😍👍🏻👍🏻💪🏻💪🏻 Real men do anything for their girl.

Okay, tama na. Nakakabakla na tong pagdadrama ko.

Nagcheck naman ako ng Facebook at maya-maya ay nagchat na ang mga ugok saken. Sunod sunod ang bati nilang apat, kasama na si Seth. Mukhang hindi siya busy ngayong oras na to a?

Katsumi Kabe: " Happy Monthsary sa inyo ni Kath pare! Nuxx naman. Tumagal sila ng isang buwaaaaan. Sana umabot pa kayo ng taon tol. Saludo ako sa paghihintay mo sa kanya tsaka sa kabila ng lahat ng gulong nangyari, kayo pa rin talaga sa huli. At dahil diyan, ililibre mo kami ng tropa. Okay na naman samin ang Potato Corner na Fries at Java Chip Frappe sa SB. Tnx pare, hahahahahaha. 😂😂😂 "

Kumag talaga ang isang ito. May palibre libre pang nalalaman, e iniipon ko nga tong pera ko para sa date namin ni Girlfriend ma gusto kong mangyari. Saka ko nalang siguro sila ililibre pag nakausod-usod na ko sa mga gastusin. Nyehehehehe.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon