52- Meeting The Girlfriend

13 0 0
                                    

[ KATH'S POV ]

Isang bagong umaga na naman sa amin ngayon. Pagkatapos ng klase namin hanggang 12:30 p.m., inannounce ni Miss Mary sa bawat rooms at bawat course department na allowed na kaming lumabas. Hindi kasi sinabi kung bakit pero baka may urgent meeting or something important na magaganap between the staffs and the board.

Kami naman, eto'ng mga masasayang estudyante at makakalabas ng maaga. Sabi ng barkada, gala-gala daw muna kami. Syempre, tinext ko muna si Papa para magpaalam, at dahil na naman kay DJ kaya siya pumayag. Alam nyo kasi, alam na ni Papa na nagkaalaman kami ni DJ. 'Nung nagbati na kasi kami, sinabi ko na sa kanilang lahat pati kay Kuya Xander at kay Mama. Boto naman raw sila kay DJ kasi matagal na naman nilang nirereto sa akin ang bestfriend ko, ako lang itong pakipot.

NYAHAHA.

Pero yun nga, alam naman raw namin ang limitasyong kailangan naming sundin kasi mga bata pa naman kami. Malaki naman ang tiwala nila dito sa halimaw na 'to kaya madali parin nila akong 'pinagkatiwala sa kanya.

" Guys, sa'n ang punta niyo? " isang pamilyar na boses ang bumati sa amin somewhere. Si Jonathan.

" Oh, Jonathan. Ikaw pala.Bakit ka nandito? 'Di ba wala ka namang trabaho ngayon bilang librarian? Uhm, bakit ka napadaan?" tanong ko naman. Nag handshake naman sina DJ at Jonathan, pati na rin sina JC, Seth, Kats at Lester. Si Julia at K naman, nagwave lang sa kanya.

" Wow ha? Para namang tinataboy mo na ako niyan, Ryn. Hindi, joke lang. Uhm, may dinala lang akong mga bagong biling books sa library, tapos bukas yun 'yung aatupagin ko. Aayusin ko at lilinisin na rin." sagot naman niya at nag-offer ng malapad na ngiti.

" Ah, gusto ko lang mag-sorry dun sa inasal ko kahapon tsaka 'nung clean-up, Jonathan. Sorry, bro. "

Aww. Sa wakas! Nagkapatawaran na rin silang dalawa. Hanubayan! Sobrang ganda ko lang kasi talaga, kaya nag-aaway na sila. Charot. HAHAHAHA. Napaka-feeler at assuming ko talaga, kahit kaylan.

" Finally, nagkaayos rin tayo Bro. No problem, I'm here for Kath as her friend,nothing more and nothing less. " sabi naman ni Jonathan ng may ngiti.

Ipinakilala muna namin ang buong barkada sa kanya.

" Masaya akong makilala kayo. :) "

" Kami rin, masaya kaming may nakilala kaming panibagong kaibigan. " sabi naman ni Lester. Naks! Kaylan ka pa naging pormal na mag-welcome ng isang kaibigan, ha Les? Nakakapanibago naman yata. Good boy ka na, ganon?!

" Oo nga. We're all glad na finally, there's no rivalry between you and DJ. Masyado kasing maganda itong bestfriend namin, kaya naman pinag-aagawan. Haha." pang-aasar na naman ni Hulya.

Pero masaya rin ako kasi, tiningnan ko lang si Daniela, at nakita kong maaliwalas naman ang mukha niya. I assume na wala na sa kanya ang pang-aasar ng iba sa amin ni Jonathan. Kasi I explained everything to him naman, at alam naman niya kung ano talaga 'yung katotohanan.

" Ito talagang si Julia ko, napakamapag-biro. Anyway, pare, may iba ka bang kasama? Tara, gala muna tayo pare. Kasi, kakain sana kami. Sama ka? " Katsumi said.

Teka lang, kasi may kakaiba eh. JULIA KO? Srsly? Baka naman, nagkaaminan na itong dalawa eh hindi pa alam ng barkada. I smell something between the both of them. Sila,huh?! Pa-secret secret na.

" Babe! "

May lumapit na babae kay Jonathan. Nginitian naman ito ni Jonathan at inakbayan. Oh, Hi Ayra. Shemay, ang ganda niya talaga. So, babe pala ang tawagan nila?

" Hi babe. Ang tagal mo naman sa comfort room. Anyway, here are my newfound friends. " pagkatapos ay ipinakilala niya kami kay Ayra ng isa-isa. Grabe, ang humble niya tapos ang light lang kasama. Sobrang hinhin pero ang astig pumorma.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon