31* JS PROM ( 3.0 )

10 0 0
                                    

JC's POV

Shit. Tumakbo palabas si Kiray ng humihikbi at sinundan ko siya. Takte naman kasi? Bakit ba bumalik pa si EJ? Para saktan na naman ba si Kiray?

Napadpad kami sa garden ng venue at dun.... Nakita ko si Kiray na humihikbi. Hindi ko alam pero, pakiramdam ko gustong gusto kong ipaghiganti si Kiray kay EJ. Gusto kong bangasan yang EJ na yan kasi sinaktan niya ng sobra si Kiray.

" Iiyak mo lang yan. " sabi ko sa kanya. Tinabihan ko naman siya.

" B-bakit mo pa ba ako sinundan?! Pumasok ka na ulit dun sa loob. Iwan mo kong mag isa rito. " sabi naman niya. At bakit ko naman siya iiwan dito? Gabi na oh. Nakakaawa naman siyang iwang mag isa .

" Hindi kita iiwan dito, Kiray. Baka mapahamak ka pa. " sabi ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin, pero ang naiisip ko lang ngayon? Gusto kong pagaanin ang loob ni Kiray.

" Eh ano ba kasing pakealam mo kung mapahamak man ako?! Di ba lagi mo naman akong inaasar?! Gusto kong mapag isa kaya pwede bang umalis ka na dito?! " Siya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

" Ano ba naman Kiray! Ako na nga tong nagmamalasakit kahit inaaway kita lagi tapos ano?! Pagtataboy mo lang ang matatanggap ko?! Gusto mong mag isa?! Tapos ano? Kikimkimin mo na naman yang nararamdaman mo?! Tapos lalamunin ka na naman ng galit mo?! Kiray! Nandito ako para sayo, handang makinig tapos ipagtatabuyan mo ko?! Kiray alam kong kailangan mo ng karamay ngayon. Oo, alam ko madalas tayong magkagalit. Hindi magkasundo. Pero sinundan kita kasi alam ko kailangan mo ng masasandalan. Nandito ako oh? Handang tumulong. Sana naman maappreciate mo na pinipilit kong maging mabuting kaibigan sayo. Kahit ngayon lang. "

Napatingin naman siya sakin. Tumungo nalang ako at natahimik kaming pareho. Pero binasag niya rin naman ang katahimikang yun.

" Leche naman kasi eh. Bakit ba kasi kailangan pa niyang bumalik di ba? Pwede naman kasing habang buhay nalang siya dun sa marangya nilang buhay sa ibang bansa! Diba nga iniwan niya ako para dun? Edi magpakasasa siya dun! Ngayon, babalik balik siya na parang walang nangyaring break up sa ming dalawa? Eh ang kapal naman pala talaga ng mukha nun eh. "

Siguro nga, masakit magmahal. Kaya sobra siyang nagdudusa ngayon. JC, kailangan ka niya. Hindi man bilang kaibigan, kundi bilang tao manlang.

" Alam mo ba yung pakiramdam na kahit dalawang taon na yung nakakalipas? Fresh na fresh pa rin ang alaala namin! Lalo na yung mga panahon na, nagbreak kami. November 11, 2013. 3:25 pm. Sa Mazer's Coffee Shop malapit sa school. Sobrang naiinis ako sa kanya! Kasi first love ko siya! Lahat ng pagmamahal na kaya kong ibigay binuhos ko na sa kanya! Tapos masasayang lang pala?! Grabe lang talaga e. Sakit! Ang sakit sakit ng ginawa niya! "

Nagkalakas na ko ng loob na magsalita.

" Alam ko sobrang nasaktan ka kasi, first love mo yun. Tapos siya pa yung first heartbreak mo. Pero siguro naman may dahilan siya kaya siya bumalik. Maybe, para balikan ka? "

" BALIKAN?! PARA BALIKAN AKO?! Shunga ba siya?! Sinaktan niya ako ng sobra tapos babalikan niya ako na parang naiwang baggage lang sa Pilipinas ganun? O baka naman, babalikan niya ako para ipamukha sakin na tama lang ang ginawa niya kasi dahil dun, sobrang yaman na nila. "

" Pero ni minsan ba naniwala ka na mahal ka talaga niya? Ni minsan ba naniwala kang siya na talaga? Na harmless siyang boyfriend? At forever partner? " Ako.

" Sa totoo lang? Oo eh. Antanga tanga ko kasi naniwala akong para kami sa isat isa. Sobrang umasa ako na andyan lang siya palagi at di niya ako iiwanan. Sobrang naniwala ako na, he is the one. Pero, lahat ng yun hindi naman nangyari eh. Wala naman talagang forever sa love. Walang nagtatagal. " Kiray.

" Pero, payong kaibigan lang huh? Wag ka na lang munang basta magalit sa kanya kasi hindi mo rin naman alam ang totoo at buong dahilan niya kaya ka niya iniwan. Siguro, may acceptable reason siya kung bakit niya ginawa yun. Hindi na lang niya pinaalam sayo para mas madali sa kanyang iwan ka kahit labag sa loob niya. Kasi kailangan. Ganun naman talaga. Everything happens for a reason. " Ako.

" May lahing Papa Jack ka ba? O Love DJ? *laugh. * Ay ewan ko sa kanya. Bahala siya sa kung ano mang gusto niya sa buhay . basta ako, susubukan kong ipagpatuloy ang buhay ko ng wala siya at magpapatuloy ang pag ikot ng mundo ko ng hindi ko siya kasama. Uhm, salamat nga pala JC huh? " Kiray.

" Bakit ka naman nagthethank you? "

" Kasi dahil sayo, nailabas ko ang sama ng loob ko kay EJ kahit papano. Tsaka, salamat sa mga payo. Oo nga, hindi pa naexplain sakin ni EJ kung ano talagang naging problema. Bakit niya ako iniwan? Hindi niya sinabi. Siguro kaya hanggang ngayon fresh pa rin yung nangyari samin, kasi hindi pa kumpleto ang dahilan na sinabi niya sakin. May kulang pa. Pero, salamat talaga sa pagsama sakin ngayon. Sorry sa drama ko ha? Sama ko na rin yung pagsusungit ko araw araw. Promise! Di na kita aawayin. :) " sabi niya sakin.

" Totoo ba yan? Aasahan ko kasi eh. " pagbibiro ko sa kanya.

" Oo naman! I dont break promises, but EJ does . Erase erase! Pero, seryoso, from now on, since sinamahan mo ko dito ngayon, this will mark the start of our friendship. Friends? " tapos nag shake hands sign siya. Nagshake hands naman kami.

" Friends. " Ako.

Di ko maintindihan pero, sobrang saya ko lang talaga, grabe. Siguro dahil, finally, okay na kami ni Kiray. Medyo lumalamig na ang simoy ng hangin sa labas kaya pumasok na ulit kami sa loob. Wala na sa stage si Mr. Jallorin pati si EJ at family niya kaya naman hindi na nadestruct pa si Kiray.

Pinagpatuloy lang namin yung JS Prom ng masaya. Hindi masyadong masaya si Kiray, pero atleast, okay naman na siya at nung mga panahon na, nahihirapan siya sa feelings niya, andun ako para damayan siya. :) And I will always be.

********

Kiray's POV

Haaay. Sobrang nagulat ako nung lumitaw si EJ at ang ama niya sa stage kanina, as in sobrang gulat. Hindi ko ineexpect na babalik pa siya. Sa lahat ba naman ng iniwan niya dito sa Pinas? Nakuha niya pang magbalik dito? Tss. Kapsmuks talaga e. Pero buti nalang, nandyan si JC para damayan ako at samahan sa pagdadrama ko.

Akala ko, hindi marunong magcomfort ang mga katulad ni JC Padilla. Pero mali pala ako. Kasi kahit, magkaaway kami lagi, nakuha niya pa kong sundan at icomfort. Kahit pinagtabuyan ko siya ng una, nagpumilit pa rin siya. Dahil sa kanya, medyo napagaan ang loob ko. Nailabas ko ang galit ko kay EJ, tapos nakipag ayos na rin ako sa kanya.

Pero, sa kabilang banda, I think he has a point. Sa mga sinabi niya, mas lalo akong humanga, na ang isang JC Padilla, nagtatransform into Papa Jack kapag nag papayo. Dun sa sinabi niya, mas naliwanagan ako. Na siguro nga, kaya hindi ako makamove on, at di ko makalimutan ang lahat ng nangyari between EJ and Me, kasi hindi naman binigay ni EJ ang dahilan niya why he left. Siguro, hinahanap hanap ko rin lang yung sagot kaya ayun. Ganun nalang ang pagdrama ko. Pero ngayon, mas tanggap ko na ang mga nangyari. Salamat kay JC kasi naipaintindi niya sakin ang mga sagot sa mga tanong ko. Pero bakit ganun? Miske si Kathy or si Julia hindi naman masagot sagot yung questions ko. Of all people, why is JC the only one who easily answered my unanswered question? Hay ewan. Pero salamt talaga sa kanya :) I owe him a lot. I think, I can move on that easily. Kahit na, makita ko pa si EJ araw araw, hanggat nandiyan si JC at ang words of wisdom niya. Parang hangin nalang siguro si EJ sa paningin ko. I am sure with that. :)

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon