60- Curious

9 0 0
                                    

[ KATH'S POV ]

I'm getting ready right now because we've planned na magkita-kita dito sa bahay. Kaysa naman lalayo pa kami, dito nalang sa bahay. Lagi naman kasing payag sina Papa at mga Kuya kasi kilalang-kilala na naman nila ang mga taong yon
Si Aya nga lang ang inaalala ko, kasi baka maapektuhan siya sa ingay namin.

" Uhm, Aya, are you sure na okay lang sayo na pupunta dito ang barkada? " I asked her while combing my hair.

" Yes, Kathryn. Okay na okay lang sakin. Teka, bakit ba sa'kin ka nagtatanong mga ganyan? This is your house, playmate. I'm just a so-called cousin who lives here temporarily kaya wala namang kaso sa'kin kahit na sino pang dalhin mo dito dahil bahay niyo naman ito. " and she smiled at me.

Sabagay, may point siya. Why do I have to ask for her permission? Siguro, naninibago lang rin ako na nandito siya at hindi niya pa naman kilala ang barkada that's why I thought she could not catch up.

" Pero, hindi ko rin naman pwedeng ipagwalang-bahala yong opinyon mo, Aya. Nakatira ka dito, and I respect if you want peace and silence. Maingay kasi talaga kami lalo na kapag nagkasama-sama. Haha. " sabi ko naman.

Hindi kasi kami nauubusan ng kwento sa isa't isa kapag nagkakasama kami. Kahit tungkol saan pa yan, kapag nagkukwento ang isa, lahat makikinig na, pagkatapos maya-maya nagsisiwalatan na ng kanya-kanyang opinyon.

" Okay lang talaga saken, Kathryn. In fact, gusto ko rin sana silang makilala. Pwede ba akong makipagkilala sa kanila? " tanong sa akin ni Aya that made me smile.

Ang friendly talaga nito, mula noon hanggang ngayon.

" Aba oo naman, Aya. Pwedeng-pwede. Sigurado ako na matutuwa silang makilala ka. Lalo na sina Julia at Kiray, mga bestfriends ko. Super makakasundo mo sila, down to earth talaga. " sabi ko naman.

Nagtawanan lang kami at pati siya ay naghanda na rin ng kanyang sarili. I went back to my room and looked at the mirror kung okay na ba talaga ang suot ko. After I checked, I called Boyfriend para alamin kung nasaan na sila. Siya kasi ang sumundo at nakipagkita sa Barkada para sabay-sabay nang makarating dito.

" Hello, Boyfriend? "

Hi Girlfriend! Oh, bakit ka napatawag?

"  Ichecheck ko lang kung nasan na kayo? Malapit na ba kayo? Kumpleto ba? Lahat ba sila sumama? Sorry ah, excited lang kasi ako e. "

Girlfriend talaga. Haha. Pero, oo. Lahat naman sila sumama, malapit na kami. Alam mo bang nagkasya kami sa isang tricycle?

" Talaga?  Pero paano? Parang labis naman yata kayo? "

Syempre, para-paraan lang iyan, Girlfriend. Sina Julia at Kiray sa loob, pagkatapos si JC at Kats naman sa likuran ng driver. Ako naman, nakabitin.

" Ano? Nakabitin ka? Boyfriend naman, bakit ka ba ganyan? Hindi mo iniingatan ang sarili mo. Paano kung nasabitan ka? O nasaktan ka? Jusko naman, Daniela. Hindi mo alam kung anong mararamdaman ko, nako naman kasi e. "

Shhhh, Girlfriend. Huwag ka ng mag-alala , nakababa na kami. Nandito na kami sa gate niyo. Pagbuksan mo naman kami, oh!

" Hay nako. Sige na, sige na. Bababa na ako. Ikaw talaga, kahit kelan. Love you. "

Love you moree Girlfriend ko. :*

----

Pagkatapos noon ay bumaba na ako para pagbuksan sila ng gate. Pinapasok ko sila at pinaupo sa sala.

"Buti naman nakasama ulit tayong lahat. Alam niyo, sobrang nakakatuwa. Walang naabsent tuwing may barkada bonding tayo, lahat present."sabi ko sa kanila.

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon