41* Isola Vista(Part2)

15 0 0
                                    

Kath's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw mula sa bintana. Nasilaw ako e.

Naalala ko na naman yung pamamahiya ni DJ sakin sa Facebook kahapon. Oo, nagtampo ako. Totoo yun. Pero echos ko lang yung nagalit ako. Pano ko naman magagawang magalit sa kanya? Tsss. Haha. Hindi ko naman siya matitiis eh. Haha! Pero may karapatan naman talaga akong magalit sa kanya kahapon di ba? Hindi tama yung picturean niya ko ng di ko nalalaman. >_<

Nag ayos lang ako ng sarili ko at bumaba na. Nadatnan ko naman si Mama, Papa, Kuy Quen, Kuya Xander, at syempre si DJ. Nakaupo na sila sa dining table. Ganun pa din ang seating arrangement. Napag isip isip kong ilitaw na ang totoong ako. Hindi naman kasi big deal talaga sakin yun. Nagpapaechos lang ako sa kanya. Cold ko ba kagabi? Eh kasi nga, pang STARMAGIC yung acting ko. Huehuehue.

" Buti naman nagising ka na anak. Pero di pa naman naseserve yung mga pagkain. Hindi na kita ginising kanina kasi parang ang himbing ng tulog mo. " sabi sakin ni Mama. Umupo naman ako sa upuan ko.

" Salamat po Ma. :) " sabi ko naman.

Napatingin ako bigla kay Kuya Quen. Parang may sinesenyas kasi sakin, nginunguso niya si DJ. Oh? Anong meron kay DJ? Alangan namang ako pa tong humingi ng patawad? Sino bang kumuha ng picture ng hindi sinasabi, ha?

" Ahmmm. Kacha, gali-------" hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi nya kasi alam ko naman na kung anong itatanong niya sakin.

" No, Daniela. Hindi na ko galit. Sa susunod lang kasi, dont you ever take a picture of me ng hindi ko alam. Para di tayo nagkakaproblema. Okay? " sabi ko naman. Tama lang yun 'no! Para naman malinaw.

Nakita ko naman na napangiti siya sa mga sinabi ko.

" Promise. Hindi na mauulit. " sabi niya.
Nagsmile lang ako sa kanya. Kasunod nun, sinerve na yung breakfast namin. Kasama na sa bills namin ang breakfast, lunch, at dinner namin sa pamamalagi dito. Kung may mga bibilhin namang pagkain, eh syempre magbabayad din naman kami.

****~~~

Nandito kami ngayon sa waiting area ng zip line. Nakapila kasi kami. Oo, mag zizipline kami. Fun experience to. Haha! Kaso si Mama, ayaw. Hindi naman siya KJ, takot lang siguro. Siya nalang raw yung magpipicture samin habang nasa hangin kami at nakabitin, na may kasamang takot at kaba. Haha!

" Manuel Family? Dalawang tao nalang po ang sasalang sa Zip Line. Next na po si Mr. Quen, sunod si Mr. Xander, si Mr. Benjie, tapos si Mr. Daniel. Hinuli nalang po namin si Miss Kath. Sige po, standby nalang po muna kayo diyan. " anunsyo nung isang boy sa may Zip Line Area. Salamat naman at hinuli nila ko, gusto ko kasi silang panoorin eh. Haha! Si Mama excited na excited na kahit di siya yung magzizipline.

After nung dalawang sumalang sa zip line, si Kuya Quen na. Sinuot lang yung mga dapat isuot na for safety tapos BOOM! Dumausdos na siya sa linee. Owmayghad! Kakayanin ko kaya yun? Si Mama busy sa pagpipicture habang natili. Yung totoo Mama? Nafefeel niyo rin yung pressure ni Kuya? Hehez.

Pagbalik ni Kuya Quen, halata sa kanya na natakot siya at kinabahan. Pero sabi naman niya, experience wise naman daw. Pinakita sa kanya ni Mama yung pictures. Next na sumalang naman si Kuya Xander. Ganun pa din, brothers talaga sila kasi parehong pareho ng reaction. Kinabahan at natakot rin. Pinicturean rin siya ni Mama.

After nila Kuya, si Papa naman. Grabe lang ang fighting spirit si Papa. Kasi habang nadausdos siya sa line, naka sign pa siya na parang SUPERMAN. Hindi ata natatakot si Papa eh! Haha. Yan ang papa ko, SUPERDAD. hmmmm.

Next in line? Si Bestfriend! Nung inaayos palang yung paglalagay sa kanya ng safety tools, mukhang takot. Pero nung nagsimula na siyang dumausdos, yung mukha niya, akala mo nanalo sa lotto. Pangiti ngiti pa siya. Mapicturean nga.

Click! Hahaha.

After niya, this is my time na. Ako na ang susunod na makakaexperience ng Zip Line. Omyg. Woo! Kaya to! Kaya to! Aja!

Habang kinakabit sakin yung mga kung ano anong pang safety DAW, nanginginig na ko sa takot kasi kitang kita ko na sobrang taas namin mula sa baba. Eto na, woo!

" Kaya mo Yan Kacha! Nandito lang kami! " rinig kong sigaw at pagcheer sakin ng bestfriend ko. Nabuhayan naman ako ng loob sa kanya. Woo! Kaya mo to Kathryn!

Eto na. Dumadausdos na ko. WEEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!!! Wowww! Ang saya saya! Para akong lumilipad ng walang pakpak. Tinry kong tumingin sa baba, hindi naman ako nalula, dahil na rin siguro sa happiness ko dahil first time ko mag Zip Line eh. Ang ganda ng makikita. Madaming mga puno sa kakahuyan tapos meron pang ilog na sobrang linis tingnan from above. Hanggang sa makarating ako sa dulo hindi ko inalintana ang phobia ko, yes. Im afraid of heights. Ipasubok niyo na lahat sakin, tusukin ang kuko ko ng karayom, kumain ng buhay na butiki, o kung ano man, basta wag lang ang umakyat sa mataas na lugar.

PERO DATI YUN. I THINK BECAUSE OF THIS NA OVERCOME KO NA ANG PHOBIA KO. AND IM SO HAPPY. I WOULD RATHER CHOOSE TO GO HIGH THAN TO EAT LIZARDS. Tae! Nasusuka tuloy ako.

" Galing galing naman ng anak namin! Tingnan mo oh, I took pictures of you enjoying the ride, babe. " sabi naman sakin ni Mama habang pinapakita yung mga pictures niya. Nice shots Ma! I think sa yo ko namana ang hilig sa Photography, thats why I joined Photography Club. ^_____^

*****~~~~

Makalipas ang ilang oras......

Nandito ako ngayon sa may tabing dagat, naaamaze sa nakikita ko. Grabe no? Kahit pala polluted at overpopulated na ang bansang to, may tinatago pa pala tong Paraiso.

" Ang ganda ng dagat no? Ang sarap mag muni muni kasabay ng hampas ng alon." Isang pamilyar na tinig ang nanggulat sakin.

" Nakakagulat ka naman DJ! Kala ko kung sinong FC ang lumapit sakin. " sabi ko. Naupo kami pareho sa buhanginan. White sand kasi eh! Ansave? Ohaaa.

" Thankful ako kasi di ka na galit sakin dahil dun sa pictures, dont worry kasi dinelete ko na siya sa Facebook, pero nandun pa din siya sa phone ko. Remembrance kasi, sayang naman. " sabi niya.

" Ah yun ba? Wala lang yun, 'no. Hindi naman talaga ako nagalit sayo, nainis lang talaga ako nung una. Palabas ko lang yung pagiging cold ko sa yo. Pang ABS CBN acting ko di ba? Haha. " pagbibiro ko naman sa kanya.

" Nakuha mo pa talagang magbiro. "

" Totoo naman e. Nadala ka nga di ba? Napaniwala kita na totoong galit talaga ako sa yo. Tsaka, okay lang. Sige, itago mo nalang sa phone mo yung pictures. Basta, wag mo ikakalat ha? Mapapatay na talaga kita. " sabi ko naman sa kanya.

" *smile* Tsaka, gusto ko ring gamitin tong oras na to para, magpasalamat. " Huh? Ano daw sinasabi neto?

" Huh? Nung pinagsasasabi mo diyan? " nagtataka kong tanong sa kanya.

" Thank you kasi pinayagan ako ng pamilya mo na sumama sa inyo kahit hindi naman ako Manuel. Ako lang naman yung nagpilit na sumama sa inyo e. Nasira ko ata yung Family Getaway ninyo. " madrama niyang sabi.

" Nakakatawa ka talaga, Estrada. Syempre hindi naman ganun yung dating samin ng pagsama mo! Wala namang masamang mag enjoy di ba? Tsaka, di na rin iba sa family namin ang pamilya niyo. Bestfriends nga mommies natin e. Tas good friends daddies natin. " sabi ko naman.

Tumawa lang naman siya sakin.

" Salamat naging bestfriend kita, Pusa. "
" Mas salamat kasi ikaw ang nandyan, Halimaw. "

I FELL INLOVE WITH MY BESTFRIEND ❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon